Song: Huling Sandali- December Avenue
Tired
Axel covered my body with his while he's taking me out of that dangerous situation. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa baywang ko habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa ulo ko na para bang prinoprotektahan iyon.
Hindi na nasundan pa ang pag-sabog na iyon pero nagkakagulo parin ang mga tao nang umalis kami. Siguro nakita na rin ni Joseph na si Axel ang kumuha sa akin kaya hindi na niya sinubukan pang agawin sakanya. Siguro tumulong nalang din iyon sa pagliligtas pa ng mga tao.
Agad akong dinala ni Axel patungo sa mas ligtas na lugar. Kahit na gulo gulo parin ang utak tungkol sa nangyayari, mas nanaig ang pagkabigla ko na makita siya dito.
"Axel, anong ginagawa mo dito?" hindi ko napigilang itanong.
Hindi siya nag-salita. His main focus is getting me out of here. Binuksan niya ang isang pinto na naghatid sa amin palabas ng congress. Dito kami nakatokang dalhin ng aming mga bodyguard kung sakaling magkaroon ng aberya sa kalagitnaan ng SONA.
I wonder how Axel managed to know our escape plan? Hindi kaya't sinasabihan parin siya ni Damon? O di kaya'y nakikibalita parin siya?
I think I got overwhelmed by the thought that Axel saved me na hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Mommy. Agad niya akong sinalubong ng yakap. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
Agad na lumayo si Axel sa akin upang bigyan si Mommy ng espayo.
"Thank God you're safe, Aria!" she sighed in relief.
Hindi ako agad nakayakap pabalik sakanya. Nanatili ang tingin ko kay Daddy na nakatingin kay Axel ngayon. Bakas sa mukha niya ang pagkabahala pero ngayong nakita si Axel ay napalitan ito ng pagkabigla. His mouth parted.
Nilingon ko naman si Axel na bahagyang niyuko ang ulo para sa kanya. Nawala lang ang tingin ko sakanya nang nagsalita muli si Mommy.
"Akala ko wala nang magliligtas sa'yo! I was so worried!" halos mangiyak-ngiyak niyang sinabi.
Inilubay ko ang tingin kay Axel at niyakap nang pabalik si Mommy. Her hug on me tightened. I closed my eyes and leaned my head against hers. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang balikat. I think she's crying already.
Ibang klaseng kaginhawaan rin ang naramdaman ko nang makita kong ligtas silang nakalabas ng kongreso. I don't know if the threat was for me or for my father. Kumpara sa aming dalawa, mas marami siyang natatanggap na death threats sa akin.
Lumapit naman si Daddy sa amin at hinawakan ang nanginginig na balikat ni Mommy. His hand brushed my hair. Tipid siyang ngumiti sa akin.
Inalis ni Mommy ang kanyang sarili mula sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Her bloodshot eyes are an enough to tell me that she really indeed cried.
BINABASA MO ANG
Endless Love (Castellaño Series #1)
RomanceThis is not an ordinary love. This is an endless love.