Chapter Sixteen

17.2K 535 26
                                    

Song: When The Party's Over- Lewis Capaldi (cover)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: When The Party's Over- Lewis Capaldi (cover)

Tipsy

When we arrived at the venue, medias immediately flocked towards our car. Mabilis na umalis sila Damon sa tabi ko at bumaba ng kotse. Sinubukan nilang palayuin ang mga media malapit sa sasakyan kung nasaan ako.

"Don't get out of the car unless I told you so." Axel instructed. Tumango naman ako.

Later on, he also went out of the car to join Damon and the other bodyguards to try and calm the media down. Pinanood ko lang sila habang pinakikiusapan ang mga tao. Kung si Damon ay kaunti nalang ang pasensya at naffrustrate na, si Axel naman ay kalmado lang.

His calmness made everyone stop. Kahit kasi kalmado nakakatakot parin siya. Kahit anong gawin niya, mukha talaga siyang seryoso.

Damon sighed in relief. Lumapit naman si Axel sa pinto, binuksan niya ito at agad na nilahad ang kamay sa akin.

Sa halip na gumalaw na ay napatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Inangat ko ang tingin sakanya. He usually do this naman talaga every time I get out of the car. But something feels different now. I don't know why the hell am I hesitating on accepting his hand!

Feeling ko talaga mamumula lalo ang pisngi ko pag tinanggap ko iyon. At tsaka baka mapansin pa iyon ng media at gumawa pa ng kwento! Ayokong maging laman ng mga tabloids noh!

Pero pupwede ko rin naman sabihin na dahil iyon sa init. O di kaya masayado lang makapal ang blush on na nalagay sa akin! That could be reasonable, right?

Tinanggap ko ang kamay ni Axel at tama nga ang hinala ko! Namula ang pisngi ko! I pursed my lips and tried to focus on getting out of the car. My burning cheeks is the least of my concern now.

I heard different camera's shutter clicking. Umaga pa naman kaya hindi pa masyadong nakakasilaw iyong mga camera nila. I don't think I'll ever get used to this. Especially when the event that we're going to is at night, their camera's flashes are blinding me.

Samu't saring tanong agad ang ibinungad nila sa akin. Some of them are asking where my parents are. Some are asking what I'm looking forward for today. Some are non-sense. Sa lahat ng tanong na ibinato nila sa akin ay wala ni isa doon ay sinagot ko.

Ang mga nagtatangkang lumapit ay hinawi ng iba kong bodyguard. Habang si Axel naman ay nanatili sa tabi ko na tila ba ginagawang pader ang sarili para siguraduhin na walang sino man ang makakalapit sa akin.

I made it inside the atelier peacefully. Pagkapasok ko palang ay agad na akong sinalubong ni Kuya Sven. No one's here yet, except us. Mamaya maya rin ay dadating na ang mga imbitado. Kuya Sven's family is going to be here. Tito Isiah filed a leave for this.

Endless Love (Castellaño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon