COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
--------------------------
Oct. 24, 20**
10:30 am
Benjo's POV
*Kriiiiiiiinnnggg!!*
Bell na! Yes! Kasabay ng bell na yun ay ang pagsigaw ng mga kaklase ko. Pagsigaw dahil masaya sila.
Sinong hindi? SEMBREAK NA!
"Chong! Sembreak na!" Pagsabi ko kay Cal at Allan.
"You don't say" sagot sakin ni Cal. Gago to. Pinipilosopo ako.
"GUYS! Wait!" Biglang sigaw ni Mark saming magkakaklase. Kaya napatingin kami sa kanyang nasa harap ng classroom.
Actually, (oh shet. English) 11 lang kami sa classroom. 5 babae 5 na lalaki at isang binabae. Saya diba? Pero seryoso masaya dahil kahit 11 lang kami parang kapatid na turing namin sa isa't isa. Walang ilangan o anuman. Biro mo, napaguusapan namin yung mga bagay na pang open-minded na tao lang? At nga pala we're a 3rd year HS Student. Kaya rin unti kami dahil SOBRANG KILALA ang school namin... Sa kabaligtaran. Wahaha! Kaming magkakaklase mahilig mantrip pero di bully..slight? Pero ang totoo niyan kaming mga lalaki eh takot sa mga girls namin. Sa classroom ah? Respeto tawag dun pag takot! Haha!
"Naisip ko lang. Tutal sembreak naman na.." Pagpapabitin samin ni Mark. Inang yan. Bitin pa eh. Napatingin naman ako kay Edgar na mukhang tanga ang mukha. Excited na excited. Mukhang budoy ampota.
"Pabitin lang Mark?" Cammia
"Eto na. Tinitignan ko lang reaction niyo. Parang si Edgar mukhang tanga." sabi ni Mark at napatawa naman kami. Loko talaga.
"So yun nga, dahil sembreak naman na..-!" naputol yung sasabihin ni Mark ng biglang sumabat si Bryan.
"Paulit-ulit? Ayaw pa sasabihin eh" Bryan
"Ulul. Sasabihin ko na nga eh. Sumabat ka pa. Wag kang sasama ha! Lechunin kita diyan makita mo. Tsk. Nasaan na nga ako? Ah! Yun nga dahil sembrek naman na at paulit ulit ako dito. Gusto ko sanang magkaroon tayo ng outing! Ano tara?" Pagsabi ni Mark ng sasabihin niya.
Hmm... Outing?
Sounds fun.
Drew's POV [A/N: Babae siya guys! :)]
"Ulul. Sasabihin ko na nga eh. Sumabat ka pa. Wag kang sasama ha! Lechunin kita diyan makita mo. Tsk. Nasaan na nga ako? Ah! Yun nga dahil sembrek naman ma at paulit ulit ako dito. Gusto ko sanang magkaroon tayo ng outing! Ano tara?" Mark
Pagkasabi niya non. Naexcite ako bigla. Omyghad! Outing! Sana payagan ako ni Gramps! Sana talaga sana sana!
Napatingin ako sa mga classmates ko at kita ko ang excitement sa mukha nila pero may pag-aalala rin. Pag-aalala na sana payagan rin sila. Napalingon naman ako kay Kaela at sobra yung pag-aalala sa mukha niya. Siguro iniisip nanaman nito kung papayagan siya ng papa niya strict eh. Si Rheya ganon rin yung mukha, iniisip rin nito kung papayagan siya ng mama niya. Pero sana payagan talaga kaming lahat. Kung magkataon na payagan kaming lahat? That would be the Best Sembreak Ever!
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?