COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
Third Person's POV
"LET'S GET THIS GAME STARTEEEEEED!!!!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa hallway ng resthouse ni Mark na siyang naging dahilan ng pagkagulat at pagka kaba nila Drew, Kaela, Cal, Candice at higit sa lahat ni Benjo na magisang nagtatago sa ilalim ng kama sa kwarto nila ni Edgar.
"Shit" Mahinang bulong ni Benjo bago muling itago ng husto ang sarili sa ilalim ng kama. Nakalimutan na nga niyang i lock ang pinto sa sobrang pagmamadali at sa labis na takot.
Sa kabilang dako naman ng kwarto kung saan nandon sila Candice at Cal ay napatigil sa akmang pagbukas ng pinto ng marinig ang napakalakas na sigaw ni Mark. Nagkatiniginan ang dalawa bago ilabas ang mga armas na tinago nila sa kanilang bulsa. Isang icepick kay Cal at isang taser kay Candice.
Samantala, ang tatlong killer naman na sila Mark, Rheya at Bryan ay naghiwa hiwalay ng landas para mas mapadali ang paghahanap sa mga kaklase.
"Mark, diyan ka na sa kwarto mo. Alam ko may tao diyan eh. Kaso di ko nakita kanina nung nauna akong umakyat. Mahigit 10 minutes ata akong naghanap diyan. Memorize mo naman siguro kwarto mo diba?" Saad ni Rheya sa kasamang si Mark bago pumunta sa katabing kwarto nito para maghanap. Ang kwarto kung saan naroroon si Benjo.
Si Bryan naman ay walang ka gatol gatol na nagtungo sa kwartong una niya ring nakita. Ang kwarto nila Cammia at kung saan nagtatago sila Kaela at Drew. Lumapit siya sa pinto para buksan ito, ngunit napangiti siya ng mapagtanto na nakalock ito. Alam niyang may tao na nagtatago sa kwartong iyon. Umatras siya ng kaunti at kumuha ng bwelo bago sipain ang pinto ng pagkalakas lakas na siyang naging dahilan ng pagkabukas nito.
Nagulat si Mark sa kalabog na narinig niya kaya naman napatingin siya kay Bryan na papasok palang sa kwartong iyon. Lumapit siya dito at tinignan ang pinto. Nagulat siya ng makitang may unting sira ito.
"PUNYETA BRYAN!! PINTO MO?!" Inis na sigaw ni Mark kay Bryan ng malamang sinipa niya ito. Tanging ngiti at peace sign lang naman ang tugon sa kanya ng kasama.
"Ulul." Pagsabi ni Mark kay Bryan bago muling bumalik sa tapat ng kanyang kwarto at dahan dahang buksan ito.
Benjo's POV
Kasalukuyan akong nagtatago sa ilalim ng kama ng makarinig ako ng dahang dahang pagbukas ng pinto. Unti unti kong nilingon ang ulo ko sa kaliwa at nakakita ako ng isang pares ng paa.
Mabuti nalang at mababa ang kama ng pinagtataguan ko at hindi agad ako makikita kahit na alam ko sobrang common ng ilalim ang kama ang pagtataguan.
Nakita kong dahan dahang humakbang ang pares ng paa na nakita ko. Pero kapag minamalas ka nga naman, nakaramdam ako ng pangangati ng ilong.
Tangina. Mababahing pa yata ako.
Agad kong tinakpan ang ilong ko at ipinikit ang mata ko para kahit papano ay hindi ako marinig. Sana lang talaga hindi marinig ang pagbahing ko, dahil kung mangyare yun, todas ka boy.
Nakabahing naman ako ng tatlong beses at sa tingin ko ay hindi naman ako narinig. Minulat ko ang mata ko at laking gulat ko ng makita ko si Rheya na nakayuko sa ilalim ng kama na pinagtataguan ko at nakangiti sakin habang kumakaway.
"AHHHH!! SHT!!!" Kung akala niyo ay sakin ang sigaw na yan, nagkakamali kayo. Di ko alam, pero mukhang galing ito sa isa sa mga kwarto. Sana lang hindi ang mga kasama ko yun.
Dali dali akong umurong pakanan para lumabas sa ilalim ng kama. Ng makalabas ako ay naghanda na ako tumakbo pero di na ko nagulat ng nasa harap ko na si Rheya at may hawak na baseball bat habang nakangisi sakin.
Nagulat naman ako ng bigla niyang ihampas sakin to. Pero buti nalang ay alerto ako kaya nahawakan ko ito. Ako naman ngayon ang ngumisi sa kanya na siyang ikanainis niya.
Ngunit di ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Sinipa niya ko "doon" dahilan para mabitawan ko ang pagkakahawak sa baseball bat at mapaluhod dahil sa sakit.
"AHHH!! TANGINA MO RHEYAAA!!" Namimilipit na sigaw ko kay Rheya habang nakaluhod at namimilipit sa sakit.
Ikaw kaya sipain doon?!
Pero dahil nga nabitawan ko ang baseball bat ay kinuha niya ito at walang ano-ano'y inihampas 'to sa may batok ko dahilan para mapadapa ako sa sahig at unti unting manlabo ang paningin ko.
Ahh! Putangina. Dobleng sakit to ah.
"RHEYAAAAAAA!!!!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko bago tuluyang mandilim ang paningin ko.
Candice's POV
Nagtago ako sa likod ng pinto sa kwarto ni Mark samantalang isinandal naman ni Cal ang sarili niya sa dingding katabi ng pinto habang hawak hawak ang icepick niya.
Maya maya lang eh narinig ko ang dahan dahanb pagbukas ng pinto. Nagtanguan kami ni Cal bago ko mas isiksik ang sarili ko sa likod ng pinto.
Ng tuluyan ng mabuksan ang pinto ay dahan dahan akong lumabas sa likod nito para sana kuryentihin ang kung sinong pumasok pero laking gulat ko ng paglabas ko ay nakatutok saakin ang baril ni Mark. Oo, siya ang pumasok. Ng dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang taser na hawak ko at nahulog ito sa lapag.
Hindi niya pa napapansin si Cal sa gilid ng pinto? Ano? Ang tanga.
Nakita kong dahan dahang lumapit si Cal sa likod ni Mark at saka tinusok ang napakatulis na ice pick sa gilid ng hita ni Mark.
"AHHHH!! SHT!!!!" Malakas na sigaw ni Mark dahil kita kong bumaon ang icepick sa gilid ng hita niya. Nabitawan niya rin ang baril na hawak niya at saka lumuhod dahil narin sa sakit.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ni Cal sa braso at hinila palabas ng kwarto. Pero bago kami tuluyan makalabas ay bumitaw ako sa pagkakahawak niya at bumalik sa loob ng kwarto para pulutin ang taser na nahulog ko kani-kanina lang at saka hinawakan si Cal sa braso bago tuluyan ng lumabas ng kwarto. Pababa na kami ni Cal ng makarinig kami ng isang nakakarinding sigaw
"RHEYAAAAAAA!!!!" Malakas na sigaw ni Mark kay Rheya.
"Sht!" Rinig kong mura ni Cal bago nauna sakin bumaba ng hagdan.
Aba gago?
"Candice bilis! Fvck!" Pagsabi sakin ni Cal na ilang hakbang lang ang layo sakin.
"OO!! Ano ba!" Naiinis pero kinakabahan kong sagot sa kanya. Nang makababa na kami pareho ng hagdan ay naghanda na kami tumakbo palabas.
*BANG!*
---------------
CHAPTER 25 Updated!Hanggang dito muna mga repa. Wahaha! Hashtag: CliffhangerAlert
What do you think will happen next? Sa tunog na "Bang" ano sa tingin niyo ang nangyari?
Anyway, sorry for the supeeeer tagal na update! ╮(╯▽╰)╭ Na writer's block po ako. Hehe ✌
Annnddd... HAPPY 4K+ READS BT!! WHOOOT!! THANK YOU BERI MATS!!! Parang noong nakaraan lang, 500+ lang yung reads tas ngayon ╥﹏╥ Huhuhu. Thank youuuu!
Merry Christmas! Wahaha! Advance pala O(≧∇≦)O
(•--•) <--- Ang cute ni Baymax no? Huhu.
Gimme your feedbacks! ❤
-@ItsKaelaNicole
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?