Chapter 29

5.5K 91 16
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------

Bryan's POV

Matapos kong tignan ang dalawa ay lumabas ako ng kwarto at paakyat na sana ulit ng hagdan ng may magsalita sa likod ko.

"San ka galing?" Tanong ng nasa likuran ko kaya naman nang lumingon ako, nakita ko si Rheya na nakakunot ang noo sakin. Pakingshet. Kahit wala akong dapat ika-kaba, kinabahan ako dahil sa tingin niya. Whoo! Ano bry? Di ka sasagot? Edi mas mas pagdududahan ka diba?

"Uminom ng tubig. Pake mo?" Maangas ko na sagot sa kanya bago muling tumalikod at akmang aakyat na ulit sa taas. Napapikit ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila ako para muling humarap sa kanya. Nakita ko ang matataim na titig niya sa akin kaya naman biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.

"Siguraduhin mo lang." Mariin na sabi niya bago bitawan ang kamay ko at naunang umakyat sakin sa taas. Napailing na lang ako at itinuloy ang naudlot kong pag akyat. Pagkarating sa taas ay nakita ko si Rheya na hinihila si Benjo palabas ng kwarto nila ni Edgar. Hinayaan ko lang siya sa paghihila pero mukhang nakita niya ako dahil tinawag niya ako.

"Hoy Bryan! Halika nga dito! Tulungan mo ko." Pagtawag sakin ni Rheya kaya naman sumunod na lang ako. Binuhat ko ang kalahati ng katawan ni Benjo at tinulungan si Rheya ibaba siya. Lubos ang kaba ko ng mukhang papasok siya sa kwarto kung nasaan sila Kaela at Drew. Pakshet. Agad ko namang binagsak ang kalahati ng katawan ni Benjo dahilan para bumagsak ang ulo niya sa sahig. Nakita kong muntikan ng mawalan ng balance si Rheya, kaya naman ng makabawi ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Gag* ka? Bakit mo binagsak? Paano kung nagising to?" Mataray na sabi sakin ni Rheya bago ako irapan. Kumuha siya ng buwelo at muling binuhat ang paa ni Benjo, tinaasan niya ako ng kilay kaya naman kumuha rin ako ng buwelo at binuhat naman ang mga kamay ni Benjo pero di ko siya hinayaan makapasok sa kwarto dahil agad akong naglakad sa ibang direksyon.

Pag hinayaan ko siya, malilintikan na. Ngayong, alam kong nagdududa pa siya sa mga kinikilos ko.

"Dito tayo. Akala ko ba dedespatsyahin na to? Bakit sa kwarto? Doon tayo sa may pool. Diba may water tank don?" Normal na sabi ko sakanya, pero sa loob loob ko ay sobra na akong kinakabahan. Tinignan ko siya at binigyan niya ako ng tila nagtatakang tingin, pero nagkibit balikat lang naman siya at naglakad na kami parehas papuntang pool side.

Nang mapadaan kami sa may pool na walang tubig ay napasulyap ako kay Rheya na nakatingin sa pool at saka umiling. Sa tingin ko ay naalala niya ang ginawang niyang pag patay kay Cammia. Alam ko na siya ang gumawa non dahil siya lang ang wala sa loob ng resthouse nong lahat kami ay nasa loob na, maliban lang kay Cammia na nagpaiwan. Tss. Kung nakokonsensya siya edi sana di niya na lang ginawa. Patay patay, makokonsensya naman pala.

Nang makarating kami sa water tank ay binitawan ko si Benjo at umakyat sa water tank para buksan ito. Ng mabuksan ko ito ay naamoy ko ang bakal na parang nangangalawang. Siguro matagal na tong di nagagamit dahil, motor naman ang ginagamit namin dito sa resthouse. Napatigil ako sa pagiisip ng biglang magsalita si Rheya kaya sinilip ko siya sa baba.

"Oh ano? Paano natin iaakyat tong kapre na'to?" Nakahalukipkip na tanong sakin ni Rheya habang nakataas ang isang kilay. Tss. Ang taray talaga ng babeng to.

"Hintayin mo ko dito. Kukuha ako ng lubid sa loob. May nakita ako sa may kusina eh." Pagsabi ko kay Rheya bago bumaba ng water tank at pumasok ng resthouse at sa may kusina. Sinuyod ko and bawat drawer hanggat sa makita ko ang lubid, may nakita rin akong kadena at padlock kaya naman kinuha ko narin ito dahil alam kong mapapakinabangan ko din to. Bumalik na ko sa may pool at nakita ko doon si Rheya na nakaupo sa isa sa mga upuan at nakatulala sa may swimming pool. Napailing na lang ako. Lumapit ako kay Benjo na hagggang ngayon ay wala paring malay at agad na itinali sa katawan niya ang lubid. Bigla lumapit sakin si Rheya at may iniabot sakin, tinignan ko ito at nakita kong isa pala tong cable tie.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon