COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
THIRD PERSON'S POVNang mawalan ng malay si Allan, dali-dali siyang binitbit ng salarin patungong bodega habang pasan pasan parin ang palang ginamit sa kanyang isang balikat.
Lingid sa kaalaman ng salarin ay may nakakita pala sa ginawa niyang paghampas at pagbitbit kay Allan patungong bodega.
Si Edgar.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita at tila ba di pa pumapasok sa utak niya ang nasaksihang kaganapan. Di niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung susundan niya ba ang salarin sa bodega at iligtas si Allan o sabihin sa kanyang mga kaklase kung sino ang hinala niyang killer at pumapatay sa lahat ng mga kasamahan niya. Sa halip, tumalikod siya at dahan dahang naglakad papasok ng resthouse na malalim ang iniisip. Malapit na siya sa front door ng resthouse ng lumingon siya sa lugar kung saan binitbit ang walang malay na si Allan. Dali dali siyang pumasok sa loob para sabihin sa mga kaklase niya ang hinala niyang killer at para narin maligtas si Allan. Ngunit laking dismayado niya ng makitang walang tao sa may sala. Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok at dali daling pumunta sa may kitchen area umaasang may maabutan siya kahit isa man lang sa mga kaklase niya. Ngunit wala rin tao doon.
Hindi na mapakali si Edgar dahil iniisip niya na baka ilang oras na lamang ay mawalan nanaman sila ng kaibigan at kaklase.
Kumuha siya ng isang baso, binuksan ang ref at kumuha ng maiinom. Ng makakita siya ng tubig agad niyang nilagyan ang baso niya at uminom ng sunod sunod. Ngunit laking gulat niya ng biglang may humawak sa kanang balikat niya, kaya naman nabitawan niya ang baso dahilan para mabasag ito, lumingon siya sa humawak ng balikat niya at nakita niya si Benjo na tila nagulat rin sa nagawa niya.
"Fvck Benjo! Wag mo nga akong ginugulat! Shit! Buti nalang wala akong sakit sa puso" Pagsabi ni Edgar kay Benjo habang hinihilot ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang puso.
"OA mo kahit kelan. San ka ba galing?" Tanong naman ni Benjo kay Edgar. Napatingin naman si Edgar kay Benjo na nagtataka.
"Ikaw ang saan galing. Wala kayang tao sa salas kanina. Tss" Masungit na sagot ni Edgar kay Benjo
"Sa kwarto, akala ko nga nandon ka na. Wala pa pala kaya bumaba ako para hanapin kita. Ikaw nalang kaya wala sa taas." Pageexplain ni Benjo kay Edgar. 'Si Allan nga rin eh-!' Pagsabi ni Edgar sa isip niya. Pero napatigil siya ng bigla niyang naalala na kailangan nga pala niyang tulungan si Allan.
"Oh sht! Benjo!! Halika tulungan mo ko dali!" Nagpapanik na sabi ni Edgar kay Benjo. Nagtaka naman si Benjo sa kinilos ni Edgar na para bang nagpapanik.
"Oy teka sandali! Bat ka ba nagpapanik ha?" Halos pasigaw na sabi ni Benjo kay Edgar.
"Tsk. Pano ba to? E-eh kasi si Allan nakita ko sa labas ano..." Naputol ang sasabihin ni Edgar ng batukan siya ni Benjo ng dahil sa sinasabi niya.
"Gago. Tanga ka ba? Anong si Allan nakita mo sa labas? Eh nauna nga yung umakyat satin kanina diba? Hindi nga nagpaalam si gago eh. Tsk. Antok lang yan Gardo. Pero bago tayo matulog, tulungan mo kong linisin tong nabasag mong baso dahil sa katangahan mo. Nagbasag ka pa ng baso di naman sayo." Pagkasabi ni Benjo non ay kumuha siya ng walis. Sinundan naman siya ni Edgar kung saan siya patungo.
"Benjo, hindi mo kasi naiintindihan!!!" Naiinis na sabi Edgar habang sinunsundan parin si Benjo na kumuha ng walis at sinumulan ng walisin ang mga basag na bubog sa lapag.
"Benjo ano ba?!" Galit na sabi ni Edgar kay Benjo na busy sa pagwawalis.
"Hay nako Edgar, di ko alam kung antok ka o lasing ka kahit wala tayong ininom eh. Diba nga nasa kwarto na si Allan? Tsaka kung tinutulungan mo ko dito ano?" Aniya.
Inis na kumuha ng mop si Edgar at pinunasan ang tubig na nagkalat galing sa baso na nabasag niya. Pagkatapos nito ay humarap ulit siya kay Benjo para kumbinsihin sa nakita niya.
"Tapos na ko. Halika na kasi! Ano ba!" Pagsabi ni Edgar sa kanya at akmang lalabas na ng hilahin siya ni Benjo pabalik kaya napaharap siya dito at nakita niyang may inis na rin sa mukha ni Benjo.
"Ewan ko sayo Edgar. Nasa taas na nga sabi si Allan eh! Umakyat na tayo. Halika na!" Pamimilit ni Benjo kay Edgar at hinila ito paakyat papuntang kwarto nila. Sinusubukan pumiglas ni Edgar sa pagkakahawak sa kanya ni Benjo ngunit masyadong malakas at mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Ng makarating sila sa pinakataas ng hagdan saktong labas naman ni Rheya sa kwarto nilang mga babae.
Nagulat naman si Rheya sa nasaksihan niya dahil hila hila parin ni Benjo si Edgar na nagpupumiglas papuntang kwarto nila.
"Anyare guys? Pang wattpad romance eksena niyo ah. Hilahan pag ayaw sumama. Sino sa inyo si Kathryn? Ikaw Edgar?" Tanong ni Rheya na natatawa.
"Gago hindi. Si Edgar kasi parang tanga nakita daw si Allan sa labas eh nauna na nga umakyat satin yon diba?" Tanong ni Benjo kay Rheya habang iniipit ang ulo ni Edgar sa may kili kili niya para di makawala. Kayang kaya niyang gawin ito sa kahit kaninong kaklase niya dahil narin sa tangkad niya.
"Luh lutang ka Edgar? Nauna umakyat yun eh!" Pagsangayon naman ni Rheya sa sinabi ni Benjo
"Hindi nga kasi!! Aray ano ba!" Pagsabi ni Edgar kay Rheya. Pero hinigpitan ni Benjo ang pagkakaipit nito sa kanya kaya't napa-aray siya.
"Nga pala. San ka pupunta?" Tanong ni Benjo sa kaklaseng si Rheya.
"Ahh sa baba. Iinom o kaya hahanap ng chibog. Ge" Pagkasabi noon ni Rheya ay dumiretso na siya pababa.
"HOY RHEYA! MAGINGAT KA BAKA MAY MGA MALILIIT NA BUBOG PA DIYAN SA KUSINA BAKA MABUBOG KA. NAKABASAG NG BASO SI EDGAR!" Pahabol na sigaw ni Benjo sa kaklase. Nakita naman niyang nagtaas lang ito ng kamay at nagpakita ng "Ok" sign
Pinagpatuloy na ni Benjo ang paghila kay Edgar papasok ng kwarto nila habang nakaipit parin ang ulo nito sa.pagitan ng kili kili niya. Pilit namang tinatapik ni Edgar ang braso nito. Senyales na gusto niyang pakawalan siya nito.
Pagpasok nila ng tuluyan sa kwarto saka lang binitawan ni Benjo si Edgar at akmang tatakbo na si Edgar palabas ng harangan ni Benjo ang pintuan at sinamaan siya ng tingin
"Edgar naaasar na ko sayong lalaki ka ah. Matulog ka na ngang kupal ka!" Asar na sabi ni Benjo sa kaibigan. Ngunit di natinag si Edgar.
"Benjo totoo ang sinasabi ko! Nakita ko siya sa labas! Nakasalubong ko nga sa hagdan eh! Benjo baka si Allan na ang susunod na biktima!! Kailangan natin siyang tulungan! Nakita kong dinala siya sa may bodega!! Makinig ka naman sakin!" Galit na sabi Edgar.
"Edgar isa pang pamimilit mo, masasapak na kita. Isa pa talaga. Ang kulit mo eh no?" Seryosong sabi ni Benjo at tila galit na rin.
"Hindi nga kas-!" Naputol ang sasabihin ni Edgar ng sapakin siya Benjo sa mukha dahilan para mapahiga siya sa lapag at mawalan ng malay.
Nagulat naman si Benjo sa nagawa niya at nanlaki ang mata. Umupo siya at tinapik ng ilang beses ang pisngi ni Edgar pero ayaw nitong magising. Kaya naman tumayo siya at tumalon sa kama na tinutulugan at natulog na lang.
Pero nagpapasalanat din siya ng makatulog ito sa sapak niya dahil naiingayan narin ito sa kanya at sa mga sinasabi niyang di kapani-kapaniwala. Di na siya ganoong naniniwala sa sinasabi nito dahil alam niyang kasinungalingan nanaman to. Sanay na siya sa kasinungalingan na lumalabas sa bibig ni Edgar.
Pero nababahala siya sa pangangambang nakita niya sa mukha ni Edgar pero binalewala niya ito at pinagpatuloy nalang ang pagtulog.
---------------
CHAPTER 18 DONE! Wait for my next update! Whoot!
Give me your feedbacks :*
-@ItsKaelaNicole
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?