COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
*Kinabukasan* (Oct. 30, Thursday)Mark's POV
Nagising ako ng maaga ngayon. Nakakapanibago nga eh. Dati kasi tanghali rin ako magising katulad ni Kaela.
Pumunta ako ng banyo at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos niyon ay bumaba na ako at pumunta ng kusina. Hanggang ngayon, umaasa parin ako na sana pagpasok ko ng kusina nandito si Nay Puring, nagluluto. Nakakamiss yung mga araw na ganon. Kaso nagiba na ngayon. Marami ng nagbago. Wala na siya.
Nagisip ako ng maaaring iluto sa mga classmates ko. Actually, di ako marunong eh. Pero wag na silang demanding, at least may nakakain sila no. Effort din to. Yun na nga lang ginagawa namin dito sa resthouse eh, kain tulog.
Lumapit ako sa isang aparador sa ilalim ng lababo. Kanina ko pa naaamoy yung masangsang na amoy eh. Actually, papunta pa lang ako dito sa kusina amoy ko na.
Aish.
Baka patay na daga lang. Ang baho eh! Hmp.
Binuksan ko na ang aparador at napangiwi ako sa nakita ko.
What the fvck is this?!
Nagmadali akong tumakbo papunta sa kwarto ng mga kaklase ko at parang wala ng bukas kung makakatok.
"SHT GUYS! OPEN THIS FUCKING DOOR!!" Pasigaw kong sabi at sabay ng saunod sunod na pagkatok sa pinto nila Cal. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto dahil sunod naman na ginambala ko ay ang kwarto nila Candice.
"PUTANGINA GUYS! GISING! ANO BA!" Pasigaw ko rin na sambit sa kwarto nila Candice. Nakita kong bumukas ang pinto nila Benjo at si Edgar naman ay dali daling bumaba. Kita ko ang inis sa mukha ni Benjo.
Sabay na bumukas ang pinto nila Candice at Cal. Nakita kong lumapit sakin si Cal habang nagkukusot ng mata.
"Nakita niyo ba si Allan? Alam ko nauna kagabi yon sa kwarto namin eh. Pag-akyat ko wala siya. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay sa kanya" Tanong sakin ni Cal. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tinignan ko isa isa ang mga kaklase ko at binigyan sila ng iling at saka yumuko. Nakita kong nanlaki ang mata ni Benjo.
"A-ano ibig mong-!" Naputol ang sasabihin niya ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw na galing sa baba. Dali dali kaming bumaba papuntang kusina at nakita kong biglang napaupo si Benjo sa lapag samantalang napa atras naman ang iba.
"A-ano....b-bakit?" Rinig kong iyak ni Benjo. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Bestfriend sila ni Allan, magkasama sa kalokohan.
Nagulat ako ng biglang lumapit si Edgar ng lumuluha kay Bryan at sinapak ito sa mukha na siyang ikinabagsak niya. Napatili ako at ilan sa mga kaklase kong babae.
"GAGO KA!!" Galit na sigaw ni Edgar kay Bryan at saka ito dinaganan para masuntok ulit.
"GAGO KA! IKAW ANG KILLER! ANONG GINAWA NAMIN SAYO?! BAKIT MO TO GINAGAWA HA?! FVCK YOU BRYAN! FVCK YOU!" Siga ni Edgar kay Bryan habang paulit ulit ito na sinasapak habang lumuluha.
"Edgar tama na! Tama na!" Awat ni Cal sa kanila. Ng mailayo niya si Edgar ay biglang tumayo si Benjo at tinulak si Edgar.
"Tangina mo Edgar! Mambibitang ka nanaman ha?! May proweba ka ba na si Bryan ang pumatay kay Allan?! Ha?!" Galit na galit na sigaw ni Benjo kay Edgar. Lumapit ako kay Bryan at tinulungan siyang tumayo bago tignan ito ng masama. Nakita ko ang takot sa mga mata niya ng itayo ko siya.
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?