COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
-------------------------------
Cal's POV
*Screeeeeeeccccchhhhh*
"PUTANGINA!"
Nagising ako sa ingay na yun. Boses ata ni Mark yung narinig kong nagmura. Damn it! Anong meron? Nilibot ko yung paningin ko at nakita kong mukhang bagong gising rin ang mga classmates ko. Nakatulog rin pala sila. Maliban kay Mark dahil may inis sa mukha niya at hindi siya mukhang bagong gising. Sa tingin ko matutulog pa lang siya pero di natuloy dahil dun sa ingay.
"Woah! Anong nangyari Kuya Nestor?" Rinig kong tanong ni Edgar kay Kuya Nestor na nagkukusot pa ng mata.
"Pasensya na ho sir. May dumaan kasing matanda kanina muntik ko ng masagasaan. Sorry ho ma'am at sir! Pasensya na ho." Pagpapaumanhin naman ni Kuya Nestor sa aming lahat.
"Nako Kuya. Ayos lang po kami. Ok lang po ba yung matanda? Kayo po?" Tanong ni Kaela kay Kuya Nestor. May tinatagong bait pala tong babaeng to? Lels.
"Oo ayos lang ako. Di ko alam kung nasaan yung matanda. Hindi ko siya nasagasaan" Kuya Nestor.
Bigla akong nakaramdam ng init kaya naman binuksan ko yung bintana sa likod ko. Sa pagbukas ko ng bintana nagulat ako kasi biglang may sumulpot na matanda! Faq! Aatakihin ako dun ah.
"Grabe Nay, nakakagulat naman po kayo. Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko dun sa lola. Nakita ko naman sa peripheral view ko na nagsitinginan ang mga classmates ko sakin. Don't care.
"Wag kayong tutuloy sa inyong destinasyon. Wag kayong magtiwala sa isa't isa. Tanging sarili niyo lang ang inyong pagkatiwalaan. May masama silang balak. Wag kayong tumuloy.. Pakiusap mga anak" Halos pabulong na sabi ng lola. Sapat na para ako lang ang makarinig. Kitang kita ko ang pangangamba at pagaalala sa mata ni lola. Pero higit sa lahat kitang kita ko ang...takot. Takot sa aming lahat.
Tatanungin ko sana kung ano ang ibig niyang sabihin pero nakita kong naglalakad siya palayo habang nakatingin parin sa akin. Sa akin nga ba o sa amin?
"Hoy Cal! Anong sabi sayo? Aba tulala. Iniisip mo siguro si Candice no? Wag kang mag aalala nasa harap lang natin siya. Diba Candice?" Tanong sakin ni Benjo na may kasamang pang-aasar. I came back to my senses natulala pala ako sa kakaisip kung ano ang ibig sabihin nung lola. Napansin ko ring tuloy na ang pagbiyahe namin.
"Faq you" Sagot sa kanya.
"Ulul. De seryoso, anong sabi sayo ng lola?" Pangungulit sakin ni Benjo. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Damn it! Ang kulit!
"Wala. Tinatanong kung sino pa daw single satin isang araw lang daw. Sabi ko ikaw" Sagot ko kay Benjo na may halong pangaasar rin. Ayoko ngang sabihin yung sinabi sakin. Alam kong di sila maniniwala.
"Gago" Benjo
Narinig ko rin ang kanyang kantyaw ng mga classmates ko .
"Nice jo! Pang senior citizen na pala ang appeal mo ngayon! Hahaha!" Pang-aasar ni Allan sa kanya.
"Nagiimprove na guys! Dati sa aso ngayon sa senior citizen na! Isa lang ibig sabihin niyan..." Kaela
"GUMAGWAPO KA!!" Sabay sabay nilang sigaw maliban sakin. Readers, meet 3rd year. Ganyan sila, kami pala. Asaran. Pero nagmamahalan. Sht. Korni. Nahahawa na ko kay Edgar!
"Fuck you all" Sagot ni Benjo na natatawa rin sa pangaasar sa kanya.
Pero di talaga ako mapakali sa sinabi sakin ng matanda eh. Paulit-ulit kong nariring sa ulo ko.
"May masama silang balak"
"May masama silang balak"
"May masama silang balak"
AHHH! Fvck!
Anong ibig sabihin non?
------------------------------------
CHAPTER 3 DONE!! Ito lang po kinaya ko eh. Hihi.
Give me your feebacks! Goodnight! Mwaah!
Hello, silent readers! Hahaha! Silent reader din ako kaya hello! Hahaha!
-@ItsKaelaNicole
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?