Chapter 9

5.7K 115 24
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------

*Kinabukasan* (Oct 28, Tuesday)

Nestor's POV

Hindi ako mapakali. Kanina pa ko paikot ikot dito sa kwartong tinutulugan ko.

Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng bukas ng pintuan at nakita ko siya. Na may seryosong mukha at nakatingim ng diretso sa akin. Bigla akong kinilabutan kaya naman umatras ako ng bahagya at umiwas ng tingin.

Lumapit siya saakin na mayroong seryosong mukha parin.

"Anong nakita mo?" Tanong niya sakin. Hindi ako makasagot. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Ano ka ba naman Nestor? Bakit ka matatakot sa kanya? Eh mas malakas ka sakanya. Mas matanda at mas mautak. Bakit ka matatakot?

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya ng diretso at seryoso.

"Wala. Bakit? May kailangan ba kong makita?" Painosenteng tanong ko sa kanya.

"Wag mo kong paglaruan dahil alam kong may nakita ka." Seryosong tanong niya sakin at nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

"Alam mo naman pala, bakit mo ko tinatanong? Dahil ba natatakot ka na baka magsumbong ako sa kademonyohang ginawa mo?" Maangas kong tanong sa kanya habang nalapit sa kanya. Umatras naman siya ng bahagya at nakita ko ang isang mala demontong ngisi sa kanya.

"Bakit naman ako matatakot kung bilang na ang mga araw mo? Paano ka makakapagsumbong kung paglalamayan ka na rin ngayon ngayon lang?" Sabi niya sa akin habang may dinudukot sa likod niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko isang matalim na kutsilyo.

Anong binabalak niya? Papatayin niya din ba ko?

Humakbang ako paatras habang siya naman eh umaabante. Atras lamang ako ng atras ng di ko namalayan eh nasa dulo na pala ako ng kwarto.

Pusangkire.

Nakita ko naman siyang napangisi at itinaas ang kutsilyo. Handa na kong saksakin sa akin ulo at marahil sa ibang parte pa ng aking katawan.

Ipinikit ko ang aking mata at humanda na sa kalalagyan ko.

Ito na marahil ang katapusan ko. Ito na nga siguro ang kapalaran ko, ang kamatayan.

Diyos ko. Kayo na po ang bahala sa akin. Alagaan niyo po ang pamilya ko.

Naramdaman kong malapit ng tumama sa akin ang kutsilyo ng makarinig kami ng isang malakas ng sigaw. Sigaw na parang takot na takot.

"AAAAAAHHHHH!!!!!!!"

Napamulat ako dahil don at nakita kong natigilan din siya sa dapat na gagawin niya.

"Bwisit. Pasalamat ka sa sigaw na yun. Isa lang ibig sabihin niyan, hindi mo pa katapusan. Pero malay mo diba? Mamayang gabi habang natutulog ka dun ko ituloy yung binabalak ko sayo o kaya naman habang naglalakad ka? Maghanda ka ah? Di natin alam eh" Pagsabi niya sa akin sabay kindat sa akin at lumabas na ng kwarto patungo kung saan nanggaling ang sigaw na yun.

Napaupo na lamang ako sa sahig habang sapo sapo ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko.

Akala ko katapusan ko na.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon