Chapter 15

3.8K 99 35
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------

SOMEONE #2's POV (A/N: Siya po yung kasama ni Someone #1 sa may bodega, yung siniko ni Kuya Nestor :))

Lumabas ako ng resthouse ng hindi napapansin ng mga classmates ko at saka dumiretso sa pool area kung saan nag iisa si Cammia. Napangiti na lang ako ng makita ko siyang nagflo-floating at nakapikit pa.

Pakiramdam niya ata eh may paparating kaya naman tumigil siya sa pagfloat at dinilat niya yung mga mata. Nakita niya kong paparating.

Umupo ako sa side ng pool at binabad ang mga paa ko. Ngitian ko si Cammia at ngitian niya naman ako pabalik. Hayy. Kung alam mo lang na huling araw mo na to.

"Oh? Akala ko pumasok ka na sa loob?" Tanong niya sakin

"Nakita mong nandito ako diba?" Pilosopong sabi ko sakanya. Tumawa lang naman siya at saka umiling.

"Whatever. Hmm.. Paabot naman ng towel ko please?" Request sakin ni Cammia. Aish. At inutusan niya pa ko ah? Nice.

"Bakit di ikaw ang kumuha?" Pilosopo ko nanamang sabi sa kanya. "Joke! Haha! Wait lang" Pahabol kong sabi sakanya at saka tumayo mula sa pagkakaupo ko at kinuha ang towel niya na nakasabit sa isa sa mga upuan.

Pagkakuha ko nito ay lumapit ako sa gilid ng pool. Akma na niya itong kukunin ng bigla ko itong ihagis sa pool. Kaya naman basa na ngayon ang towel niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko at tumingin sa akin ng naiinis.

"What the fcvk? Why did you do that?!" Inis na sabi ni Cammia sakin. Hindi ko siya pinansin at tinignan ko lang siya. Lalapit na sana sa towel niya ng dali dali akong lumapit sa kanya na nasa may akyatan ng pool o kung ano man ang tawag don at dali daling hinablot ang buhok niya. Kaya naman napaatras siya pabalik sakin at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa buhok niya.

"OUCH! Ano ba! Bitawan mo nga ko! Hindi ka na nakakatuwa ah!" Pagsabi niya sakin habang hawak ang kamay ko na nakahawak sa buhok niya, mas hinigpitan ko pa to lalo at napatili siya sa sakit.

"Teka lang..OUCH! Let go of me!" Patuloy pa rin siyang nag pupumiglas, kaya naman nilublob ko ang ulo niya sa tubig dahil narin sa naiingayan ako sa kanya. After 3-4 seconds eh inangat ko na ulit ang ulo niya at kita ko ang paghanap niya ng hangin.

"Ta...ma.. ahh.. na..." Hinihingal niyang sabi sa akin. Pero di ko pinansin ang sinabi niya dahil nilublob ko ulit ang ulo niya sa tubig. Inulit ko ito ng ilang beses at pagkatapos ng isa pang matagal na lublob eh inangat ko ang ulo niya. Kitang kita ko na hirap na hirap na siya sa paghinga pero nagawa niya paring magmakaawa..

"Ple...ase.....st.....op...." Hinihingal niya paring sabi sakin na para bang maya maya lang eh malalagutan na siya ng hininga. Napasmirk na lang ako.

"Mamamatay ka na ba? Ayy. Wag muna, wala pa tayo sa climax eh" Sabi ko kay Cammia sabay kindat dito. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko at nagsimula na namang magpumiglas sa pagkakasabunot ko sa kanya.Tsk tsk. Makulit na bata.

"I-ikaw..ba ang....ki-killer?" Hirap na tanong niya sakin. Napangiti naman ako sa tanong niya. Nice question.

"Hmm..ano sa tingin mo? Pero doncha worry hindi ko naman kayang gawin to ng mag-isa no. May kasama ako syempre. Actually, tatlo nga kami eh" Pageexplain ko sa kanya at binigyan siya ng isang malademonyog ngiti. "But everything happens for a reason.." Madiin at seryoso kong sabi sa kanya at saka iuntog ng pagkalakas-lakas ang ulo niya sa concrete side ng pool. Nakita ko naman ang paghalo ng pulang likido sa tubig. Napasmirk na lamang ulit ako ng makita ko to. Kung mamamatay man to ngayon, na sigurado kong mamamatay nga, e,this will be my first kill. Hindi naman ako ang pumatay kay Kuya Nestor eh, dinagdagan ko lang, ganti na rin yun sa pagsiko niya sa mukha at naging cause ng pagdudugo ng ilong ko

Takte siya. Buti na lang at wala na siya. Tss.

----------------

THIRD PERSON'S POV

Pinagpatuloy ng salarin ang paguntog ng ulo ni Cammia sa concrete side ng pool. Halos maging pula na ang tubig sa side na iyon. At halos hindi mo na makilala ang mukha ni Cammia sa napakaraming dugong naagos mula sa noo nito ngunit nahinga parin siya, isang malalim na hinga. Patuloy parin ang salarin sa paguntog ng ulo nito at bawat hampas niya sa side ng pool eh napakalakas at mistulang galit na galit. Makikita mo na ang puti sa noo ni Cammia na siyang sumisimbolo ng talagang malakas na pagkakahampas sa ulo niya dahil nakikita na ang isang bahagi ng bungo nito.

Umiiyak na si Cammia sa ginagawa sa kanya at nagmamakaawa na itigil na ang pagpapahirap sa kanya. Pilit iminumulat ni Cammia ang mga mata niya at ng magawa niya ito laking gulat niya ng makitang lumuluha rin ang taong gustong pumatay sa kanya ngayon. Kitang-kita niya ang kalungkutan at pinaghalong galit sa mga mata nito pero patuloy parin ito sa paguntog sa kanya.

Pinipilit ni Cammia na wag mawalan ng malay dahil alam niyang oras na mawalan siya ng ulirat, posibleng hindi na siya magising pa...kailanman.

Lingid sa kaalaman ng salarin na may nanonood pala sa kademonyohang ginagawa niya at ito'y lumuluha rin dahil hindi nito lubos na matanggap na kayang gawin ito ng matalik niyang kaibigan. Takip takip ng kanyang dalawang kamay ang kanyang bibig upang pigilan ang mga hikbi.

Isa pang malakas na hampas ang ginawa ng salarin na siyang nagbigay kay Cammia ng pag-asang sumuko na.

"G-go...to...he-hell.......Rheya" Mahinang bulong ni Cammia sapat na para marinig ng salarin o ni Rheya bago siya tuluyang lagutan ng hininga at bawian ng buhay.

"I'm already there.." Sagot ni Rheya sa dating kaibigan na ngayon ay patay na at saka tumulo ang luha. Hinugasan niya ang kamay niya sa hindi madugong parte ng pool. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at tumigala sa makukulimlim na langit "Mukha yatang uulan" saad ni Rheya sa kanyang isipan. At meron nanamang luha ang tumulo mula sa mga mata niya.

"This is for you papa..." Mahinang bulong ni Rheya habang nakatingin sa langit at saka pinunasan ang luhang tumulo sa mata niya.

Binigyan niya ng isa pang tingin ang ngayo'y lumulutang na katawan ni Cammia at saka pumasok na sa loob ng resthouse.

Dali-dali rin namang pumasok sa resthouse ang nakasaksi sa ginawa ni Rheya sa pamamaggitan ng pagdaan sa likod ng bahay.

---------------

CHAPTER 15 DONE!!!

Ayuun! Nareveal na ang pangalawang someone. Expected niyo ba na siya yun? Pag oo ang sagot mo, ikaw na! Hahaha! Chos. Pero si 1st someone di pa narereveal. Well, malapit na!!

RIP sa character na si Cammia. Huhu. Bye bye </3

Anyway, sino sa tingin niyo ang 1st someone na ito? Sino kaya yung nakasaksi? And! Sino ang next victim?

BUT WAIT! There's more... TATLO pala ang killer?! Say what?! Hahaha! Dapat talaga dalawa lang yan eh, kaso nagbaso isip ko, gusto ko tatlo so wala na kayong magagawa. Chos. Taray eh no? Haha!

I LOVE YOU RHEYA!! Peace tayo kung ikaw ang ginawa kong killer. Hihi. Mukhang kami ata ang kailangang umiwas sayo sa pasukan ah? Joke lang. Para di ka magalit, sayo MUNA si DJlabs. Mga 1 oras lang. Hahaha! Labyu Eya! <3

Masyado na kong madaldal. Huhu. Pagbigyan, ngayon lang to :)))) Ay nga pala! Happy 500+ Reads Barkada Trip!!! YAAAY! Di ko akalain na aabot ako sa gantong karaming reeads. OO marami na sakin yan, newbie eh. Hahaha! Thank you po sa lahat ng nagbabasa!

Oh siya!

Give me your feedbacks!

-@ItsKaelaNicole

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon