COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
Third Person's POV*BANG!*
Isang malakas na putok ng baril ang narinig sa resthouse na yon, kasabay ng pagkabasag ng bintana kung saan tumama ang bala ng baril.
"Ahh! Fvck!" Inis na sigaw ni Cal ng madapa siya dahil sa kamay na nakaharang ng wala ng buhay na si Edgar. Agad namang sunaklolo si Candice at tinulungan ang kaklase na makatayo.
"Cal tayo bilis! Tatayo ka lang ang bagal pa?!" Tila naiinis na sambit ni Candice sa kasama.
*BANG!*
Isa nanamang putok ng baril ang narinig. Sa pagkakataong ito ay may tinamaan sa dalawa. Si Candice.
"AHH!!" Malakas na sigaw ni Candice sabay hawak sa kaliwang braso na nadaplisan ng bala. Tinignan niya kung saan galing ang nagpaputok at nakita niya sa may dulo ng hagdan sa ikalawang palapag si Rheya na may hawak na baril sa kanang kamay at sa kaliwa nito ay akay-akay si Mark na nakahawak sa sugat niya kung saan tinusok ni Cal ang ice pick. Napakasama ng tingin nito sa kanila. Kulang na lang eh balatan sila ng buhay sa mga tingin na to.
Nagulat dito si Cal kaya naman ng makatayo siya ay agad niyang hinila si Candice palabas ng resthouse.
Ngunit di pa sila nakakalabasng pinto ng isa nanamang putok ng baril ang narinig. Dahilan para muli nanamang mapadapa si Cal.
"TANGINANG YAN!! AHH!" Namimililit na sigaw ni Cal ng tumama ang bala ng baril sa likod ng hita niya. Parehas na sila ngayong may tama ng baril.
"Cal tayo! Kaya mo yan! Tayo!!" Pangungumbinsi ni Candice kay Cal at tinulungan itong tumayo. Matagumpay naman nila itong nagawavat saka itinuloy na ang paglabas sa pinto. Sa pagkakataong ito, tuluyan na nga silang lumabas.
Kahit nahihirapan, si Cal ang nangunguna sa daan at hila hila niya si Candice na siya namang umaalalay sa kanya. Narating nila ang pinaka gate ng resthouse at nakita nila itong nakalock.
"Candice, bubuhatin kita paakyat. Kayanin mo makaakyat, ok? Pag nagawa mo, humanap ka ng tulong. Hindi ko alam kung nasan tayo pero ikaw na bahala magturo sa mga pulis o kung kanino man ikaw nakahingi ng tulong. Alam kong matalinaw ka este matalino matatandaan mo yung daan na dinadaanan m-!" Naputol ang sasabihin ni Cal ng biglang sumabat si Candice.
"Teka muna teka muna teka. Ako aalis dito? Paano sila Drew? Si Kaela? Si Benjo? Ikaw? Di naman pwede yung ganon. Sama sama tayong nagpunta dito, sama sama rin tayong aalis." Pagtutol ni Candice sa sinabi ni Cal. Napakamot na lamang si Cal ng ulo sa inis.
"Tama na ang bida bida! Wala tayo sa movie o ano man ha? Ako na bahala sa kanila! Sundin mo nalang yung sinabi ko dahil ano mang oras masusundan nila tayo dito!! Kaya ngayon umakyat ka na diyan at tutulungan kita!!" Tila naiinis na sambit ni Cal kay Candice bago tignan ito ng masama na siya namang nakapagpasunod kay Candice.
Sa huling pagkakataon lumingon si Candice sa pintuan ng resthouse at nanlaki ang mga mata niya ng makitang papalabas na dito si Rheya at Mark na iika ikang naglalakad. Walang ano-ano'y dali daling umakyat ng gate si Candice at agad din naman siyang tinulungan ni Cal dito.
Nasa tuktok na ng gate si Candice at ang tanging gagawin niya na lang ay lumiban sa kabilang parte ng gate na iyon para tuluyan na siyang makalabas ng resthouse at makahingi ng tulong.
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?