COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
Bryan's POV
''RHEYAAAAAAA!!!!" Rinig kong sigaw ni Mark kay Rheya. Pucha. Ang lakas talaga sumigaw ng baklang yun. Nakakarindi! Gustuhin ko mang malaman ang dahilan kung bakit siya sumigaw hindi ko naman magawa dahil inaasikaso ko pa ang dalawang babaeng to. Naisipan kong dalhin sila mamaya sa kwarto ni Kuya Nestor sa baba sa tabi ng hagdan para hindi sila makita ni Rheya. Ako na mismo ang tatapos sa dalawang to. Kung hindi niya kayang gawin, at kahit wala pa sa usapan, gagawin ko to. Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang unfair kung mabubuhay sila. Paano nalang kung mabuhay tong dalawang to? Edi nagsumbong diba? Kamusta naman yon? Utak nga.
Binuhat ko ang katawan ni Drew at inlagay to sa balikat ko bago siya ilabas ng banyo at ihigA aoon sa may kama. Pumasok ako muli ng banyo at ganon din ang ginawa ko kay Kaela. Hiniga ko sila parehas sa kama bago lumabas ng kwarto at sumilip kung may tao bang makakita sa gagawin ko.
Nakita ko sa hallway si Rheya na akay-akay si Mark habang naglalakad papunta ng hagdan. Hindi ata nila ako napansin dahil nakatuon ang atensyon nila sa lung sino mang mukhang hinahabol nila sa baba. Hindi ko na pinansin yn at papasok na sana ulit ng makarinig ako ng putok ng barilna siyang ikinagulat ko. Tangina. Saan nila nakuha yong baril nila? Bakit wala ako non? Puta. Lumapit ako sa kama at tinignan ang dalawang babaeng to ng walang malay ng makarinig nanaman ako ng putok ng baril na siyang nakapagpagulat nanaman sakin. Tsk. Di ba uso silencer sa kanila? Muli kong tinignan ang dalawa ang namuo nanaman ang galit sa puso ko.
*Flashback*
"Alam niyo pattern sa cellphone ni Cammia?" Rinig kong tanong ni Candice sa mga babae.
"Ako alam ko, akin na" Sabat ko bago ilahad ang ang kamay ko at hiramin ang cellphone ni Cammia kay Candice na agad din naman niyang binigay. Nasa school kami ngayon at break time namin. Nasa classroom lang kaming magkakaklase naglalaro ng kung ano ano, may naglalaro ng cards sa bandang likod ng classroom, at sila Cal, Benjo, Edgar at Allan yon. Dito naman sa harap ay ang mga babae nagkekwentuhan at kung paminsan ay ng titrip. Nandito lang ako sa upuan ko sa harap bandang second row, so parang nasa grupo ako ng mga babae ngayon. But don't get me wrong, hindi ako bading o kung ano, sadyang ayoko lang makihalubilo muna sa iba so nagstay ako dito sa upuan ko nakikinig na lang sa usapan ng mga babae at kung minsan naman ay nakikitawa rin. Si Cammia naman ay issing in action, di ako alam kung saan nagpunta.
Pagkatapos ko iunlock ang cp ni Cammia ay ibinalik ko to kay Candice na siyang nakatingin pala sa ginagawa ko.
"Ano yung pattern? Z or T?" Tanong niya habang kinukuha ang cellphone ko. Sasagot na san ako ng may narinig akong sumabat
"Birdie ni Bryan" Sabat ni Rheya bago tumawa, tumawa rin naman sila Candice, Kaela at Drew. Natawa nalang din ako sa kanila. Wala lang naman yun saakin sanay na ako sa ganito.
"Alam niyo yung sa Iphone 6? May scanner yung home button nun, eh" Sabi naman ni Kaela habang tumatawa parin sa sinabi ni Rheya.
"May scanner kaya to?" Curious na tanong ni Candice habang tinitignan ng maigi yung cp ni Cammia. Napailing na langa ko. Minsan talaga may pagka ignorate tong si Candice, eh.
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?