Chapter 19

4.1K 82 31
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------
SOMEONE #3's POV

Pagkapasok ko ng bodega ay agad ko itong nilock. Nilapitan ko si Allan at itinayo siya. Tinali ko ng kadena ang dalawang kamay niya sa isang matibay na bakal at ganoon rin ang dalawang paa niya.

Lumayo ako ng kaunti para makita ang posisyon niya.

(A/N: Alam niyo po yung sa The Incredibles? Yung nahuli silang pamilya ng kalaban nila tas nandon sila sa may bilog na chuchu tas diba nakalock yung kamay nila sa isang chuchu rin? Ganon posisyon ni Allan. Di nga lang siya nasa bilog nasa bodega siya at nakatali sa bakal. Hoho)

Nice. Ayos to!

Tinignan ko ang wristwatch ko at nakita kong malapit ng mag alas-dose ng gabi. Tss. Ang bilis ng oras. Pero kabaligtaran nito ang gagawin ko sa lalaking to. Papahirapan ko muna siya. Dapat maramdaman niya yung sakit. Tsaka mas may thrill kasi kung mabagal.

Hinanda ko na ang mga gagamitin ko para mamaya. Hinayaan ko munang matulog ang isang to, dahil kapag ginising ko siya alam kong mauudlot ang tulog niya, pero di niya kailangan magalala dahil makakatulog rin naman siya ng mahimbing at di na siya mauudlot pag nangyari yun. O diba? May good purpose din pala tong ginagawa ko!

Inayos ko na nga gagamitin ko at chinek ko na rin kung wala akong nakalimutan. Yosi? Check. Lighter? Check. Kandila? Check. Pala? Check. Hmm... Ano pa ba? Ahh! Gas. Check!

Matapos kong icheck ang mga gagamitin ko nilibot ko ang bodega, nagbabakasakaling may maidagdag ako sa mga gagamitin ko. Lumapit ako sa isang drawer at binuksan ito. Nakita ko ang isang drill. Natuwa ako ng makita ko to. Pero nagdadalawang isip ako kung kailangan ko bang gamitin ang drill na to. Tinignan ko si Allan na wala pa ring malay at nabuo nanaman ang galit sa puso ko. Walang pagaalinlangang kinuha ko ang drill.

Walang awa awa. Bakit sila? Naaawa ba sila sakin pag pinagkakaisahan nila ako? Naiisip ba nila yung nararamdaman ko? Hindi porket nakangiti ako sa mga pangaasar nila ayos lang sakin pero sa loob loob ko, sobra akong nasasaktan. Kilala niyo na ba ko? Mabuti kung ganon. Pero wala akong pake. May rason naman ako kung bakit ko ginagawa to eh. Di kagaya niya na pang kasiyahan lang ang pagpatay. Actually, siya nga ang naghikayat sakin na gawin to. Ayos lang naman sakin pagkaisahan nila ako, pero ng dahil sa kanya, ng dahil sa pagpaparealize niya sakin na tama na ang pagpapakamartyr sa mga asar nila na makatotohanan nagawa ko to. Ayos lang, dahil pakiramdam ko tama naman to. At nagkataon pa na first kill ko tong si Allan.

Kinuha ko ang isang galong ng gas at lumapit kay Allan. Tinignan ko ang wristwatch ko at nakita kong saktong alas dose na ng gabi. Tulog nanaman siguro ang mga kaklase ko no?

Binuksan ko ang galon ng gas, nagsoot ng maskara at walang ano-ano'y binuhos ko to sa mukha niya. Nagising naman siya dahil don

"Tangina?!" Inis na sabi ni Allan. Pagtingala niya nakita niya ako. Mistula pa siyang nagtataka, ginalaw niya ang braso niya pero narealize niyang naka kadena pala ito. Tss. Tanga ampota.

"Sht! Bakit ako nakaganito?!" Pagsabi ni Allan habang sinusubukang pakawalan ang sarili niya.

Tinitignan ko lang siya sa ginagawa niya pero ng magsawa ako binuhos ko sa ulo niya ang natitirang laman ng gas.

"Ang baho! Putangina ano to?!" Asar na sabi niya.

"Ano na tanga ka na? Gas yan bobo! Akala ko matalino ka, simpleng amoy lang ng gas di mo alam?" Pilosopong tanong ko sakanya.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon