Chapter 2

7.3K 151 6
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

-------------------------------

Candice's POV

Dumating yung araw ng alis namin. At gaya ng napagusapan, nandito ako, si Cal, Benjo, Bryan, Allan, at Edgar sa bahay nila Rheya. Dito namin napagdesisyunang magkita kita na dahil magkakalapit lang kami. Nandito narin yung van at yung driver ni Edgar. Takteng yan. Rich kid talaga. Ba't di kaya nila gamitin pera nila sa pagpapacheck up sa utak nitong si Edgar? Mukhang may sira eh. Joke.

Sumakay na kami sa van at si Edgar sa passenger seat dahil siya na rin naman ang may-ari.

Tumigil kami sa isang street at dun namin pinasakay sila Kaela, Cammia, Mark at Drew. Itong 4 na ito eh halos magkakalapit lang kaya naman imbis na mapalayo pa sila sa pagpunta kila Rheya eh napagdesisyunan namin na daanan na lang sila sa isang lugar na siyang madadaanan din namin

"Si Kaela kasama pa parents oh" sabi ni Edgar

"Gaga. Malamang no. Gusto nila makita kung magiging maayos si Kaela. Tsaka haler? One week kaya tayong mawawala! Bobo mo talaga!" sabi ko naman sakanya. Nagsitawanan naman yung ilang nasa loob ng van at si Cal poker face. Bitter talaga nito sakin. WAHAHA! Joke lang. Walang kaming past no. Yucckk.

"MA!" biglang sigaw ni Benjo habang nasa labas ng bintana yung ulo niya. Ilabas niya lang dila niya diyan mukha na siyang aso. Haha! Manahimik ka Candice!

Sa pagsigaw niyang yun. Napatingin naman si Kaela ng masama sa kanya. Tangina kasi nito ni Benjo. Feeler masayado. Tawagin ba namang ma ang mama ni Kaela?

Just so you know nakasakay na sina Drew, Mark at Cammia. Paglingon ko sa bintana nakita kong nagpaalam na si Kaela sa parents niya at sumakay na sa van.

"HOY BENJO!" Pagtawag ni Kaela kay Benjo na nasa pinaka likuran ng upuan.

"Yes Kae? What do you want?" Benjo

"Hoy Benjo, wag mo kong ineenglish dahil marunong rin ako! Bakit mo tinawag na ma ang nanay ko? Baka nandon si papa? Gusto mong sapakin kita?" Sabi ni Kaela. Di pa nakakasagot si Benjo ng biglang lumapit sa kanya si Kaela na humahakbang sa mga upuan at... Boom

"ARAAY! Aray ko Kae! S-saglit lang! A-Aray! Joke lang y-yun!" Benjo.

Paano ba naman? Hinila pataas ni Kaela yung patilya niya! Haha! Nagsitawanan na rin yung mga classmates namin.

"Anong joke? Si DANIEL PADILLA lang ang pwedeng tumawag na ma o kaya pa sa nanay at tatay ko! Hmp. Bahala ka diyan. Kuya! Gora na us to Baguioooo!!!" Sigaw ni Kaela sa driver ni Edgar habang lumalaktaw nanaman sa mga upuan pabalik kung saan siya nakaupo. Nagsigawan narin ang mga classmates namin. Kahit si Benjo na hinihimas pa yung sa may patilya niya.

"Sinong may pagkain?" Tanong ni Bryan sa aming lahat napatingin naman ako sa kanya in disbelief. Srsly?

"Seriously Bryan? Hindi pa tayo nakakalabas ng Parañaque gutom ka na agad?" tanong ko sakanya.

"Candice, you better be used to it. That's Bryan. Kahit ata kaka-kain lang niyan gutom na agad" Sabi sakin ni Cammia habang tinatapik yung balikat ko gamit ang free hand niya. Yung isang kamay niya hawak ang cp niya. Siguro nag tatype ng story sa wattpad.

Nga pala ganto ang sitting arrangement namin:

Driver || Edgar (passenger seat)

----------------------------------

(window) Kaela|Rheya|Drew (door)

---------------------------------

(window) Mark|Me|Cammia

---------------------------------

Bryan || Benjo

Allan || Cal

Ganyan ang sitting arrangement namin.

Nakalabas na kami ng Parañaque.

Oraayt! Let our journey begins!

----------------------------------

Mark's POV

"Guys! Gusto niyo maglaro?" Tanong ko sakanila.

Lumingon sakin sila Drew, Rheya at Kaela at sabay-sabay na umiling. Aba KJ.

"No thanks, Mark. I'm busy eh" Sabi sakin ni Cammia habang winawagayway ang cp niya. Napatingin ako kay Candice at nakita kong natutulog na. Waah! Ayaw niyo ba maglaro?

"Kayo guys diyan sa likod?" Sabi ko sa mga lalaki sa last row. Paglingon ko sa kanila tulog na rin! Aww. I guess hindi ito yung tamang time para maglaro.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko at nakita ko si Kaela na pinatay ang phone niya at humilig na sa bintana para matulog. Ganon rin si Rheya na humilig sa balikat ni Kaela at naghanda naring matulog. Si Drew ganon rin. Tsk. Makatulog na lang rin. Nandyan naman si Edgar eh alam niya kung saan yung rest house namin sinabi ko na sakanya kanina.

"Edgar! Alam mo naman kung--!" ay pota. Tulog na rin!

"Sige lang sir. Matulog na ho kayo. Malayo layo pa po ang byahe natin nasa may NLEX palang ho tayo. Wag ho kayong mag-aalala alam ko ho kung saan ang rest house niyo sinabi sakin si Sir. Edgar kanina" Kuya. Hay salamat.

"Sige Kuya Nestor. Kayo na po ang bahala. Ingat ho sa pagdadrive. Salamat." sabi ko kay Kuya Nestor at saka hinilig ko ang sarili ko sa may bintana at hinanda ko na ang sarili ko matulog

This will be a loooong drive..

*Screeeeeeeccccchhhhh*

---------------------------------------------

CHAPTER 2 UPDATED! Hala. Ano na kaya nangyari sa kanila?

Give me your feedbacks!

-@ItsKaelaNicole

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon