Chapter 10

5.6K 104 12
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------

Benjo's POV

Matapos namin ilibing ang bangkay ni Nay Puring, pumasok na kami sa loob ng resthouse at naabutan ko ang mga classmates namin na nakaupo sa sofa at nakasandal na para bang pagod na pagod sila sa nangyari ngayon. Wala si Mark. Siguro nasa kwarto niya. Hindi biro ang pinagdaanan niya ngayong araw.

Nakakita ako ng bakanteng upuan katabi Cal at doon umupo ng pabagsak.

"Haay. What a day" Saad ko sa kanila pero walang pumansin sakin.

"~Dati rati sabay pa natin pinangarap ang lahat... Hmm...hmmm" Pagkanta ko habang nakaupo pa rin.

"Oy. Pansinin niyo si Benjo walang pumapansin" Bigla sabi ni Drew kaya naman nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko. Pero di nagtagal yung tawang yun dahil biglang tumahimik ang lahat.

Tsk. Bat ba kasi namin kailangan mapunta sa ganitong sitwasyon? May killer ba talaga?

"Guys. Kung huling araw ko na ngayon anong gagawin niyo?" Bigla kong tanong na siyang naka pagpagulat sa kanila.

"Iiyak ako." Sabi ni Rheya. Nagliwanag naman ang mukha don. May isang tao palang iiyakan ako kahit ganto ugali ko? Napatawa na lang ako sa inisip ko.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo. Tears of Joy." Sagot sa kin ni Rheya sabay smirk. Tinawanan naman ako ni Bryan. Sinamaan ko siya ng tingin at buti naman tumigil siya. Tss. Seryoso ako eh.

"Seryoso ako no." Pagsabi ko naman sa kanila habang nakapout. Cute ko ba tignan? Umoo ka nalang.

"Yuck Jo. Wag ka ngang magpout. Mukhang kang bibe" Nandidiring sabi sakin ni Allan na katabi ni Cal rin. Binato ko naman siya ng unan sa mukha.

"Gago." Mura ko kay Allan.

"Tanginang yan? Trip niyo ko batuhin ng unan sa mukha ha?!" Inis na sabi ni Allan habang nilalagay yung unan sa likod niya at saka sinandalan.

"Masakit daw kasi sa mata yang mukha mo" Sabi sakanya ni Candice. Itong dalawang to, laging nagaasaran. Magkatuluyan kayo niyan.

"Huh. Ulul" Pangbara naman sa kanya ni Allan at tinaasan siya ng middle finger. Inikutan lang naman siya ng mata ni Candice bilang ganti. At saka tumahimik nanaman.

"Guys.." Basag ni Cammia sa katahimikan. Tumingin naman kami sa kanya na parang sinasabi na "Bakit?"

"Do you think may killer ba talaga satin?" Nagaalalang tanong niya saming lahat na parang pinipili niya pa yung dapat niyang sabihin.

"Tignan natin ngayon gusto mo? Try ko sayo" Pabirong sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang napa singhap at nanlaki ang mga mata habang nakaturo sakin. Ganon din ang mga classmate ko na nagulat sa sinabi ko.

What? Biro lang yun ah?

"You...you're...the.. K-killer?" Mautal utal na sabi sakin ni Cammia habang nakaturo parin at nangangatal.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin ng seryoso sa kanya. Pero sa loob loob ko gustong gusto ko ng tumawa dahil sa reaction niya at ng mga kaklase ko. Nakita ko pa ngang pasimpleng tumayo at lumayo sakin si Cal at Allan. Yung mga babae naman eh halos manigas na sa kinauupuan nila. Wtf guys?

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon