Chapter 21

3.9K 87 18
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------

Bryan's POV

Kita ko ang galit sa pagmumukha ni Edgar matapos ko siyang ngisian. Sumunod ako sa sala kung nasaan ang babae at umupo sa isang bean bag doon. Lihim akong napangiti.

Tanga. Yan lang ang salita na maiidedescribe ko sa mga kaklase ko. Napaka tanga nila para hindi maniwala sa sinasabi ni Edgar. Palibhasa kasi nasanay sila sa kasinungalingan niya at palibhasa wala sa itsura ko ang pagpatay.

Isa isa kong tinignan ang mga kaklase kong babae na tahimik na nakayuko. Iilan na lang kami dito, sino kaya ang isusunod ko? Hmm.. Narandam kong may nakatingin sakin, gamit ang peripheral view ko nakita ko si Candice na nakatingin sakin. Mag ti TH nanaman ba ko? Tss.

"Tara guys, truth or dare tayo!" Yaya samin ni Mark na siyang kinagulat namin.

"Seriously Mark? Hindi ba tayo magbibigay respeto kay Allan? Kakamatay niya lang. Wag muna tayong magsaya" Mahinahon pero naiinis na sambit ni Benjo na kadadating lang kasama si Cal at Edgar. At sa pangalawang pagkakataon, nginisian ko nanaman siya. Lalapit na dapat siya sakin ng makita kong hinawakan siya ni Cal sa braso at umiling na para bang sinasabing 'wag'. Napailing nalang ako sa pagsunod niya sa bestfriend kuno niya.

"Tama si Benjo, Mark. Wag muna ngayon." Pagsang ayon naman ni Cal kay Benjo. Tinignan ko si Cal. Tingin na parang inoobserbahan ito. May nagbago talaga sa lalaking ito eh. Madalas nalang siya kung magsalita. Hmm. Minsan napapansin ko na nalatulala lang ito at parang malalim ang iniisip. Malayong malayo sa Cal na kilala ko/namin.

Aish. Ano bang pake ko?

Narinig kong bumuntong hininga si Mark kaya napatingin ako sakanya na nakasandal sa isang upuan at nakacross arms.

"Yun lang naman ang naisip kong paraan para maaliw tayo eh. Ilang araw na tayong kulong dito sa resthouse. Walang ginagawa. Kakain, matutulog pero paggising naman natin nababawasan tayo. And sorry kasi wala akong magawa para makaalis tayo dito. Sorry. Kung sana hindi ko kayo inayang magouting dito sa resthouse namin walang kademonyohang mangyayari satin kasi stuck tayo dito. Sorry..sorry" Paulit ulit na paghingi ng tawad ni Mark sabay pahid niya sa luhang tumulo sa mata niya. Lumapit naman sakanya si Drew at niyakap siya.

"Sshhh. Walang may kasalanan Mark. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na wala kang magawa. Hindi mo kasalanan na stuck tayong lahat dito. Sshh.. Tahan na.. Wala kang kasalanan." Rinig kong pagcomfort ni Drew kay Mark. Napangisi nalang ako ng palihim at umiling. Bigla kong nakita si Kaela na parang may tinitignan, sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Cal. Para silang naguusap gamit ang mga mata nila.

Tss. Ano, TH nanaman ako?

Cal's POV

Pagkatapos naming lahat kumain ng agahan ay nagprisinta si Kaela na siya ang magaayos ng pinagkainan at maghuhugas ng plato. Sumangayon ang mga kaklase ko at bumalik na sa living room para manood ng palabas. Umupo ako sa isa sa mga upuan at nagisip.

Paano ba kami makakalabas dito? Araw araw na lang kami nababawasan. Pesteng killer. Kung gusto nila kami patayin lahat sana pinagsabay sabay na nila kami hindi isa isa. Oo, nila. Naniniwala kasi akong hindi lang isa samin ang killer. Baka nga dalawa sila eh or worst tatlo pa. Masyado namang magaling ang tangnang killer na yan kung siya lang magisa ang gagawa ng kademonyohan na to.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon