Chapter 28

3.5K 76 7
                                    

COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole

ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.

------------------------------
Candice's POV

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan na ko dinadala ng mga paa ko basta ang alam ko lang kailangan kong humingi ng tulobg at kailangam mailigtas ko ang mga kaibigan ko.

Halos mamilipit narin ako sa sakit dahil sa tama ng baril sa balikat at braso ko pero wala akong kailangan gawin kundi tiisin ang sakit na to. Ang suot kong damit ay halos magkulay pula na sa dami ng dugo na nang galing sa mga sugat ko. Nasisirko na rin ang paningin ko dahul marahil sa dani na ng dugo na nawala sa akin, pero di ako tumigil sa pag takbo.

Kanina pa ko takbo ng takbo dito sa lugar na mukhang magubat at sumisigaw ng tulong pero parang walang nakakarinig sakin dahil sa lawak ng lugar at puros puno pa. Naglakad ako sa gilid ng daan at sumisigaw parin ng tulong kahit pakiramdam ko ay mawawakan na ko ng malay. Nagbabakasakali parin ako na baka may makarinig sakin.

Sa pagtatawag ko napatingin ako sa di kalayuan ng magabok at lubak lubak na kalsada. May nakikita akong paparating. Isang kotse! Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang kotse sa di kalayuan at mukhang papalapit pa sa kinaroroonan ko. Kaya naman kahit iika ika, dali dali akong pumunta sa gitna ng kalsada at hinarangan ang daan.

"TIGIL! TULUNGAN NIYO KO!!" Buong lakas na sigaw ko ng makitang papalapit na sa kinaroroonan ko ang sasakyan na nakita ko. Pero halos maubusan ako ng dugo ngapansing ang bilis ng takbo nito.

Pakshet. Hindi nga ako namatay sa kamay ng mga demonyo kong kaklase pero mamamatay naman ata ako dito dahil masasagasaan ako. Ano Candice? Pupunta ka pa ng gitna ah? Oh ano? Maagang RIP para sa sarili ko.

Wala na kong nagawa kundi ipikit ng mariin ang dalawa kong mata at hintayign tumalsik ang sarili ko sa kung saan. Ngunit nagtagal ang ilang segundo ay wala akong naramdaman.

Hala. Baka kaluluwa na lang ako! Sorry Cal hindi ako nakahingi ng tulong. Hindi ko ulam pero bigla nalang akong naiyak sa kadahilanang hindi man lang ako nakagawa ng paraan para mailigtas sila. Nakatakas nga ako, hindi ko naman sila nabalikan para iligtas. Sorry guys.

Iminulat ko ang isa kong mata at sinilip kung anong nangyari pero nakita ko lang ay isang kotse na nakatigil sa harap ko.

Huh?

Minulat ko ang dalawa kong mata at kinapa ang sarili ko. Omyghad!!! Buhay ako! Shet shet. Thank you, Lord!! Pero sayang yung effort ko magdrama. Pinunasan lo ang luha ko at nakita ko namang may bumaba sa passenger seat. Isang medyo may edad na, na babae. Maganda siya pero halata ko ang pagaalala at kaba sa mukha niya. Nakita ko ring bumaba at isang lalaking medyi may edad narin sa driver's seat. Mag asawa siguro.. Sabi ko sa isip ko.

Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit nung babae.

Hala? Nay? Chos. Bakit ako niyayakap nito? Nasapo ko nalang ang noo ko ng maalala ko ang mga kaklase ko.

Agad akong bumitiw sa yakap at humarap sa dalawang tao na nasa harap ko ngayon.

"Tu-!" Hindi ko pa naitutuloy abg sasabihin ko ng bigla akong pinutol ng magandang babae.

"Nako iha! Ano bang naisip mo at nasa gitna ka ng kalsada?! Magpapakamatay ka b-" Nagtaka ako ng naputol ang sinasabi ng babae sa'kin sa halip ay mas lumapit pa ng husti sakjn na parang sinusuri ako. Pero ang pinagtataka ko ay hindi siya sakin nakatingin, kundi sa dugo sa damit ko.

Barkada TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon