COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
Rheya's POVNakaupo na kaming lahat ng pabilog sa sahig para sa truth or dare. Nakita kong pumasok si Mark at Kaela na nakacling ang braso sa isa't isa. Kasunod nila si Cal na nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket niya.
Umupo sa kanan ko si Kaela, sa kaliwa ko naman ay si Candice. Katabi ni Candice si Mark. Katabi ni Mark si Drew.
Napapansin kong medyo ilang sakin si Drew at umiiwas sakin. Wala akong ideya kung bakit. Sa pagkakatanda ko naman eh, wala akong ginawang mali sa kanya.
Naglabas na ng bote si Mark at sinabi samin ang rules ng game.
"So ganito. Truth or Dare. Actually, kahit wala ng dare kasi ang nonsense naman ng mga dare na binibigay natin. Truth nalang. Lahat magsasabi ng totoo. Walang sikreto. Lahat labas. Walang aayaw hangga't hindi natatanong lahat. Kahit pa may malaman kayo, walang aayaw. Walang aalis. Ayos ba? Dito tayo magkakaalaman. One question at a time. Kaya isipin niyong mabuti ang gusto niyong itanong " Ma awtoridad na sabi ni Mark saaming lahat. Nagsi sangayunan naman kami lahat.
Napabuntong hininga ako. Dito na ba nila malalaman na isa akong killer? Na ako ang pumatay kay Cammia at gumawa ng kademonyohan kay Kuya Nestor? Ano kaya magiging reaction nila? Lalo na nila Drew at Kaela? Hindi ko alam. Bahala na. Pinasok ko to. Tatapusin ko to. Para sa papa ko. May parte parin naman sa puso ko na gustong ipagpatuloy tong ginagawa ko. Nasimulan ko na, aayawan ko pa ba?
Sinumulan na ni Mark paikutin ang bote at tumapat ito kay Cal. Si Edgar ang magtatanong sa kanya.
"Cal. Magmula ng dumating tayo dito, nagbago ka na. Anong problema?" Tanong ni Edgar kay Cal.
"Wala" Simpleng sagot ni Cal na parang wala lang sa kanya ang tanong ni Edgar.
"Weh?" Di naniniwalang giit ni Edgar.
"Wala nga" Sagot ni Cal habang nagkakamot ng ulo niya.
"Ano nga?" Giit parin ni Edgar. Napailing nalang ako sa kakulitan niya.
"Ops. One question at a time! Naka tatlo ka na!" Pigil sa kanya ni Cal at saka tumawa. Napabuntong hininga nalang si Edgar at inikot na ni Cal ang bote para sa pagpapatuloy ng laro namin.
Nagpatuloy kami sa paglalaro at iilan na lang samin ang hindi pa natatapatan ng bote, kabilang na ako don.
Tumapat ang bote kay Mark at si Kaela naman ang magtatanong pero huminga muna siya ng malalim bago niya tanungin si Mark.
"Mark, Nanay mo si Nay Puring diba?" Tanong ni Kaela kay Mark na siyang kinagulat naming lahat. Tumingin ako kay Mark at nakita ko siyang namumutla. Sasagot na sana siya ng ipagpatuloy ni Kaela ang tanong niya. "Oo alam ko. Nakita ko ang family picture niyo sa kwarto ni Nay Puring nung kukuha ako ng tela para pambalot sa katawan ni Allan. Pero hindi yun ang tanong ko. Ang sabi mo samin noon ulila ka na. Wala ka ng magulang. Bakit mo sinabi yon? Hindi mo ba sila mahal kaya mo sinabing patay na sila?" Seryosong tanong ni Kaela kay Mark. Ngayon ko lang siya nakitang ganto ka seryoso. What I mean is, nagseseryoso naman siya..paminsan, dahil laging pambabara ang alam most especially kay Edgar.
Nakitang umayos ng upo si Mark at nginitian si Kaela. Isang demonyong ngiti.
"Di ko alam na pakialamera ka pala?" Sarcastic na tanong ni Mark kay Kaela habang nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?