COPYRIGHT © By: ItsKaelaNicole
ALL RIGHTS RESERVE. No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission, except where permitted by law.
------------------------------
SOMEONE'S POV
At nagpatawag nga ng maliit na meeting si Drew habang nakain kami. Tss. Ano bang gusto nito?
"Guys. Ganito. Posibleng isa sa atin ang killer. Kaya naman, napagdesisyunan ko na wag tayong maghiwa-hiwalay. Ok ba yon? Kasi sa paraang yun, hindi makakakilos ang kung sino mang killer sa atin. Pag sama sama mas mahihirapan siya. Pwede? Wag na tayong maghiwa hiwalay? Kahit ngayon lang, hanggang makauwi lang tayo" Medyo naluluhang sabi sa aming lahat ni Drew. Nakipag tinginan ako sa kasama ko at nakipagtinginan din naman ako sa iba para hindi sila makahalata. Mahirap na. Sabay sabay kaming tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Tss. Magandang ideya yan, Drew. Magandang maganda.
Sinusubukan mo talaga ako ah. Pasalamat ka at di mo turn ngayon.
Sige lang, magsama sama tayo.
---------------
CAMMIA'S POV
After namin kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin habang ang mga kaklase ko naman eh nasa may living room naguusap usap ng kung ano.
Wednesday na ngayon. Hanggang kelan ba kami dito? Gustong ko ng umuwi. Gusto ko ng makita ang parents ang mga kapatid ko. Ayaw ko na dito, lalo na at kasama namin ngayon ang killer. Dahil naniniwala narin ako na isa nga sa amin ang killer.
Pinunasan ko na ang kamay ko at naisipan kong umakyat ng kwarto namin para kumuha ng damit and towel. Gusto kong magswimming. Kahit ngayon lang gusto kong ma relax sa mga nangyayari. Swimming is one of my stress reliever bukod sa pagsusulat ko ng mga stories.
After kong kumuha ng mga kakailanganin ko bumaba na ko at pupunta na sana sa pool ng mapansin ako ni Mark. Mukhang OK na siya.
"San ka pupunta, Cammia?" Tanong niya.
"Uhm. Magswiswimming. Ok lang ba? Hehe. Nakalimutan kong magpaalam. Buti na lang tinanong mo ko." Sagot ko sakanya sabay peace sign.
"Nako. Oo naman ok lang!" Pagpayag ni Mark sabay smile sakin kaya naman nagsmile back ako sa kanya.
"Sige. Punta na ko ah?" Sabi ko kay Mark habang nakaturo sa front door at handa ng lumabas.
"Wait! Sama ko!" Pahabol na sabi ni Kaela habang tumatakbo pataas. Kukuha rin ata siya ng damit at towel.
"Oy saglit! Ako rin!" Sabi naman ni Rheya na humahabol kay Kaela paakyat. Nagsitakbuhan narin naman ang mga classmates ko paakyat dahil magsiswimming rin daw sila. Natawa na lang ako dahil halos madapa si Edgar sa hagdan sa pakikipagunahan. Clumsy forever.
Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan dito sa living room at sinandal ang ulo ko habang hinihintay ang mga classmates ko na maingay sa taas.
"TRUNKS?! MAG SHORT KA NALANG! JUSKO! DI BAGAY SAYO!MUKHA KANG.. EWAN KO SAYO!" Rinig kong sigaw ni Benjo mula sa taas. Sa tingin ko si Edgar ang pinagasasabihan niya. Silang dalawa lang naman ang magkasama sa kwarto.
Maya maya lang, naunang bumaba si Kaela at Rheya na may hawak na DSLR at tripod. Pakiramdam ko nagtwinkle ang mata ko ng makita ko yun.
Omg! A picture for 3rd Year! Yaay!
BINABASA MO ANG
Barkada Trip
Mystery / ThrillerIsang simpleng outing ng barkada, mauwi kaya sa kasiyahan o uuwi sila ng luhaan? Ngunit...makauwi pa kaya sila?