SIMULA

59.6K 1.1K 23
                                    

SIMULA

HINATAK NI JASMINE si Joe sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga samahan ng mga frats sa kanilang school.

"Jasmine, saan ba tayo pupunta?" tanong niya rito.

"'Di ba gusto mong maging katulad namin?" tanong sa kanya nito kaya napatango siya.

"Oo."

"Kung gano'n ay kailangan mong sundin ang ano mang ipag-uutos nila." sabi nito.

Si Jasmine ay isang campus queen na hinahanga ni Joe. Gusto niya na makasama sa grupo nito para makatanggap din ng kasikatan sa school.

Pagdating sa lugar ay naroon na ang lahat ng kasapi. Mga nakaupo habang naka-korteng pabilog nang upo sa damuhan. At nakatayo naman doon sa gitna ang tagapagsalita ng grupo.

Naupo sila sa likod at tumingin sa nagsasalita upang pakinggan ito.

"Lahat ng narito ay ibig sabihin lang gusto niyo talagang maging kasapi ng aming grupo. At balita ko ay meron bagong kasapi na hindi pa dumaraan sa pighati." sabi ng babae na kulay itim ang labi dahil sa lipstick. Napakaitim ng mata dahil sa eyeliner na napaka-kapal ng pagkakalagay. At may hikaw din ito sa labi at tatlo sa tenga. At may burloloy na mga kwintas na may design na bungo gaya sa bracelet nito na itim.

"Ikaw iyon, Joe." sabi sa kanya ni Jasmine at tinulak siya para tumayo. Kaya naman ay dahan-dahan siyang tumayo.

"Ikaw ba iyon?" tanong ng babae kaya tumango siya rito. Ngumisi ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Hmmm.. Maganda at sexy ka. Tila may naisip na akong ipagagawa sa 'yo." sabi nito.

"Ano 'yun?" tanong niya pero pakiramdam niya ay hindi niya magugustuhan ang ipagagawa nito.

"Matagal na akong banas na banas sa Ricafort na iyon. Kaya gusto ko na paibigin mo siya," sabi nito na kinamaang niya. "Ano, gagawin mo ba?" tanong nito pero hindi siya agad makasagot. "dahil oras na tanggihan mo ang utos ko, lahat nang member na narito ngayon ay may parusang ibibigay sa 'yo na hindi mo magugustuhan." dagdag pa nito.

"S-sige.. Gagawin ko." tugon niya na kinangiti nito at kinapalakpak ng grupo.

"Magaling! Sige, magbalik na kayo. Baka meron pang makakita sa atin," sabi nito sa lahat. Kaya nagtayuan na ang grupo at isa-isang nag-alisan. Aalis na rin sana siya ng pigilan siya nito, "ikaw, babae. Gawin mo na ngayon ang tungkulin mo. Paibigin mo siya at sasabihan kita kung kelan mo siya iiwanan." sabi nito sa kanya at ngumising lumisan ito.

TULALANG NAGLALAKAD SI Joe ng mapadaan siya sa garden ng Campus. At doon ay nakita niya si Drake, nagbabasa ito ng libro mag-isa. Humugot siya ng hangin at lumapit rito.

"Hi." bati niya rito nang makalapit siya sa harap nito. Nag-angat ito ng tingin at binaba ang binabasa na libro. Tumango ito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi nito at namayani ang katahimikan. "pansin ko na palagi kang nagbabasa ng libro tungkol sa law. Balak mo bang maging attorney balang araw?" tanong niya rito.

"Hmm.. Maybe." tugon nito.

"Bakit naman hindi ka sure?" nakangiti niyang tanong.

"Because my Dad is a businessman. And I want to be like him." sabi nito kaya tumango siya. Sa totoo lang ay wala siyang alam sa buhay ni Drake. Basta ang alam lang sa buong campus ay siya si Drake Ricafort. At wala namang nakakaalam bukod sa school director kung anong pamilya ba ang pinanggalingan ni Drake.

Nagkwentuhan pa sila at nagkapalagay na sila ng loob. Hindi naman pala snob si Drake gaya ng inaakala ng mga estudyante sa school. Kung snob ito, siguro ay hindi siya nito kinausap at baka pinagtabuyan lang siya. Kaya masasabi niya na maling-mali talaga na maniwala sa sabi-sabi lang.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon