KABANATA 7
WIFE GOALSSINABI NI JOE kay Drake ang sinabi ng Mommy nito, pero ito na daw ang magsasabi na hindi sila pu-puwede na agad na lumipat, lalo pa't may negosyo nga si Drake rito sa maynila at siya? Syempre wala.
"Hon.." gising sa kanya ni Drake kaya nanlalata siyang naupo sa kama. Nagkusot siya ng mata at napahagod ng buhok bago tumingin rito.
"Bakit?" inaantok pa niyang tanong.
"Papasok na ako. Nagluto na rin ako ng kakainin mo. 'Yung pang tanghalian ay nilagay ko sa ref at initin mo na lang." bilin nito kaya pikit-mata siyang tumango. Antok na antok siya at hinihila na naman siya ng kama..
Napailing sa kanya si Drake ng mahiga siyang muli at nakatulog agad. Kinumutan siya nito at hinaplos ang mukha niya bago siya dampian ng halik sa labi.
Siguro ay nagising siya na halos sikat na sikat na ang araw. Kumulo na kasi ang tiyan niya kaya kahit medyo inaantok pa ay bumangon siya at ginawa ang morning ritual. Naka-pekpek short at suot niya ang damit ni Drake. Nagpupusod siya ng buhok habang palabas ng kwarto.
Tinungo niya ang kusina at lumapit sa lamesa. Napangiti siya dahil talagang hindi nakakalimutan ni Drake na ipagluto muna siya bago umalis. At lalo siyang napangiti dahil isang sinigang na bangus ang niluto nito. Favorite niya itong sinigang dahil mahilig siya sa maasim-asim.
Nagsandok siya ng kanin sa rice cooker at excited siyang naupo at agad na humigop ng sabaw. Napangiti siya sa sarap.
"The best! Ang sarap talagang magluto ni Drake." komento niya at sinimulang lantakan ang pagkain niya. Siguro sa tuloy-tuloy niyang pagkain dahil sa sobrang sarap na tama lang ang asim at nilamlam ng sabaw ay agad siyang nabusog. Napadighay siya na wala sa oras kaya napatawa siya. Napailing siya at binitbit ang plato't mangkok at nilagay muna iyon sa lababo. Sumandal siya sa pader ng lababo habang umiinom ng tubig. Pagkatapos ay nilapag lang rin muna niya iyon sa lababo.
Naisip niya na manood muna ng t.v at tsaka na lang niya huhugasan ang pinagkainan, pero bago lumabas ng kusina ay tumingin siya sa ref.
Napangiti siya dahil meron palang dessert. Isang chocolate marshmallow na nakalagay sa isang malapad na box. Kinuha niya iyon at binitbit palabas.
Naupo siya sa sofa at pinatong ang paa sa table na nasa harap niya. Binuhay niya ang T.V. at isang koreanovela ang palabas. Enjoy na enjoy siya habang nilalantakan ang marshmallow chocolate.
"Hmm.. Kakaiba ang sarap nitong dessert. Pure na pure ang pagka-chocolate. Saan kaya binili ni Drake ito?" tanong niya sa sarili. Nakibat-balikat na lang siya at tumutok sa pinanonood.
Nasa kalagitnaan na siya ng palabas ay biglang may nag-doorbell na kinataka niya. Kasi, kung si Drake iyon ay hindi na magdo-doorbell ito dahil alam nito ang password ng pad nito. Kaya naman kahit may pagtataka man kung sino iyon ay tumayo siya at binaba ang chocolate marshmallow sa table.
Paglapit niya sa pinto ay binuksan niya ito at nagulat siya na bumungad sa kanya ang magandang mukha ng Mommy ni Drake. Naka-floral dress ito, high heels na mga two inches lang ang taas, naka-shades na black at isang bag na tingin niya ay ito ang may gawa dahil may pinta ito na mga paru-paro. Napababa siya ng tingin dahil may kasama ito. 'Yung cute na batang lalaki na kalong-kalong ni Ate Nestle ni Drake nung bumisita sila kahapon sa bahay nito.
Napalunok siya at biglang nahiya. Inalis ni Beatrice ang shades at tumingin ito sa kanya na seryoso ang mukha.
"Pwede ba kaming pumasok, hija?" tanong nito na kinataranta at hiya niya.
Shit! Makalat pa ang bahay at tiyak na lalo siyang mapapahiya dahil hindi pa siya nakakapaglinis.
"A-ah opo. Pasok po kayo." magalang na sabi niya rito at binuksan ng maluwang ang pinto.
BINABASA MO ANG
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
Fiksi UmumSi Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan...