Kabanata 16 - Bitter Joe
TINITIGNAN ni Joe si Drake na kanina pa may kausap sa cellphone habang nakaupo sa sofa rito sa hospital. Halos dalawang araw na siyang hindi man lang tinitignan at iniimikan nito. Iimikan man kung magtatanong lang ito kung okay na ba ang pakiramdaman niya o 'di kaya ay kung anong gusto niyang kainin..
Hindi pa siya maaaring makalabas, lalo pa't kakagising lang niya sa mahabang pagkakatulog. At nanghihina din ang mga binti niya kaya kailangan pang hilutin upang magising ang mga ugat niya.
Kunot ang noo ni Drake tila naiinis ito sa kausap. Isabay pa ang pagkasalubong ng kilay nito at pag-igting ng panga nito.
"Honey.." lumingon ito sa kanya na salubong ang kilay.
"What?!"
He's mad.
"Gusto ko sanang magbanyo." sabi niya rito. Agad naman itong nagpaalam sa kausap at binulsa ang cellphone at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Naka-board short at white polo ito habang bukas ang tatlong butones nito, kaya medyo lantad ang dibdib nito na gustong-gusto niya na nahahawakan.
Tinubuan na rin ito ng balbas na hanggang sa patilya nito. Tila napabayaan nito ang sarili dahil hindi na ito nag-aahit ng balbas at humaba na rin ang buhok nito. Pero sa totoo lang mas lalong naging manly at nag-build ang kakisigan nito. Mas naging strong awra nito na para kang masisindak. Lalo pa't tila napakainit ng ulo nito.
Lumapit ito sa kanya at inalis ang kumot niya. Hinawakan siya sa likod at sa binti bago binuhat. Napahawak siya sa leeg nito habang nakatingin sa seryosong mukha nito.
"Drake, sorry na. Hindi--"
"Pagkatapos mong magbanyo ay lalabas lang ako saglit para bumili ng pagkain mo." Sabi nito na hindi man lang siya hinayaang makatapos sa sasabihin niya.
Itinayo siya nito at binaba ang panty niya bago siya alalayan na maupo.
"Lumabas ka na, kaya ko naman na, e." sabi niya rito.
Hindi ito sumagot kundi kumuha lang ito ng tissue at pumunit bago inabot sa kanya. Pagkatapos niya ay agad na siya nitong inalalayan na tumayo at sinuot ang panty niya.
Binuhat siya nitong muli pagkatapos at paglapit sa kama ay hiniga siyang muli. Kinumutan siya at agad itong lumapit sa side table para kunin ang wallet nito. Bubuka sana ang bibig niya upang magsalita ngunit nabitin din dahil agad itong tumalikod para lumabas.
Paglabas nito ay siyang pasok ng mga tauhan nito upang bantayan siya. Napabuga siya ng hangin at napahimas ng tiyan.
"Baby, tila hindi ako papansin ng Daddy mo sa buong linggo. Alam ko naman ang nagawa kong kasalanan, pero talaga bang hindi niya ako iimikan? Napakasungit pa niya at laging nakasigaw, parang may red flag." Ani niya habang kinakausap ang baby na nasa sinapupunan niya.
Sumipa ito sa loob ng tiyan niya na kinalaki ng mata niya. Pero agad siyang napangiti dahil ibig sabihin lang no'n ay nakikinig ito sa kanya. Si Drake, alam na kung ano ang magiging baby nila. Pero siya ay hindi pa dahil nga hindi pa nito sinasabi.
Tumingin siya sa bintana at nakita niya na napakaaliwalas ng panahon. Napakasarap sigurong lumabas. Kung sana ay kaya lang niyang maglakad. Nababagok na siya sa kakahiga lang. Television lang sa loob ng room niya ang tanging libangan niya.
Lumingon siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito. Nakita niya ang isang lalaking nurse na may itsura at nakangiti na tumingin sa kanya.
"Mam, iche-check ko lang po ang IV niyo." sabi nito kaya tumango siya. Habang chini-check nito ang IV fluid niya ay napabuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
General FictionSi Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan...