Kabanata 26 - The Truth

26.3K 582 1
                                    

Kabanata 26 - The truth

Inakay ni Joe si Lea paalis sa rooftop. Nang makita niya na umiiyak ito ay meron siyang awa na nadama rito. Sa isip niya at tingin niya marami itong pinagdaanan sa buhay.

Pagbaba nila sa mismong floor ng office ni Drake ay nakasalubong nila si Rick. Napatingin ito kay Lea bago bumaling sa kanya na naguguluhan kung bakit sila magkasama.

"Mam, magkakilala kayo?" tila hindi makapaniwala nitong tanong. Ngumiti siya at tumingin saglit kay Lea na tipid na ngumiti.

"Oo. Dati ko ring schoolmate si Lea. Sige Rick, una na kami. Aalis pa kasi kami." excuse nya rito. Tumango naman ito at nakita niya ang pagtingin pa nito kay Lea bago sila paraanin.

Lumakad na sila ni Lea at habang palapit sa office ni Drake ay napatingin siya kay Lea na tila malalim ang iniisip.

"Ayos ka lang, Lea?" tanong niya rito. Tila nawala ito sa iniisip at tumingin sa kanya.

"Huh? Ah.. oo, ayos lang ako." sabi nito at ngumiti ng tipid. Tumango nalang siya dahil baka masobrahan siya sa kakatanong rito.

Binuksan niya ang pinto ng makarating sila sa harap ng opisina ni Drake. Pagpasok nila ay nakita nila ang natutuwang si Drake habang hinihipan ang kili-kili ni Cj. Napailing siya at napangiti rin sa nasaksihan. Napaangat si Drake ng tingin sa kanila ng marinig ang yapak nila.

"Oh.." nasabi nalang nito ng makita na kasama niya si Lea.

"Drake, magpapaalam sana ako kung pwede na aalis lang kami saglit ni Lea. Pupunta lang kami sa bahay ni Papa." sabi niya rito ng makalapit.

"Huh? Samahan ko na kayo." sabi nito at binuhat si Cj bago tumayo.

"'Wag na. Kumain ka nalang dahil saglit lang kami. Mapapasama kami sa bodyguard mo para hindi ka na mag-alala." sabi niya rito.

"Ano bang gagawin niyo doon?" tanong nito na tila payag na.

Tumingin siya kay Lea na nakayuko at tumingin sa kanya ng maramdaman siguro na nakatingin siya.

"Kukunin ko lang ang sulat niya para sa kapatid niya." tugon niya at lumapit rito.

"Okay." sang-ayon nito at lumapit sa table nito. Nagkatinginan sila ni Lea kung anong kukunin nito? Nakita nila na cellphone pala nito ang kinuha nito. "Hello, aalis ang Mam niyo. Samahan niyo siya at si Lea sa bahay ni Papa. Yeah.. sa bahay ng Papa ng Mam niyo. Sige, bye." sabi nito sa kabilang linya at tila yung bodyguard ang tinawagan. Napailing siya dahil parang hindi nila susundin ang sinabi nito at naniguro talaga. Humarap ito sa kanila na buhat-buhat si Cj na hatak-hatak ang kurbata nito. "Mag-iingat kayo, Hon. Tumawag ka kung nakarating na kayo." bilin nito kaya ngumiti siya at lumapit sa sofa para kunin ang sling bag na dala niya. Pagkatapos ay humalik siya sa mag-ama niya bago inaya si Lea.

MGA TATLONG 'PUNG MINUTO din ang naging byahe dahil medyo malayo rin ang bahay ng Papa niya. Medyo nakaramdam siya ng lungkot habang nakatingin sa bahay. Tiyak na ang Tiya nalang niya ang nakatira dito kasama ng kasambahay at driver na very loyal sa kanila simula't sapul. Inaya niya si Lea para bumaba na ng huminto na ang sasakyan. Nakita niya na lumabas ang tiya niya kasama ng ilang kasambahay.

"Joe hija, ikaw pala 'yan. Mabuti't nakadalaw ka." ani ng Tiya Edit niya. Ngumiti na lumapit siya rito at bumeso. "Nasaan ang apo ko at si Drake? Bakit hindi mo kasama?" Tanong nito.

"Ah, Tiya, naroon po si Cj kay Drake.  At nasa company ni Drake. Sasaglit po sana ako rito dahil may importante akong kukunin sa kwarto ko, Tiya." sabi niya na kinatango nito.

"Ganun ba. Eh, sino itong kasama mo?" tanong nito na kinikilatis si Lea.

"Si Lea po, Tiya. Schoolmate ko dati nung college." tugon niya. "Sige po, Tiya. Pasok na kami." sabi pa niya.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon