Kabanata 24 - Bitin

25.3K 635 4
                                    

Kabanata 24 - Bitin



TUMATAKBO si Drake papasok ng hospital. Agad siyang umuwi dahil sa balitang may sakit ang anak niya. Halos hindi siya mapakali sa eroplano at hiniling na sana ay bumilis ang eroplano kahit malabo. Pero inabot na siya ng madaling araw bago makauwi.

Nagtanong siya sa nurse kung saan ang room ng anak niya. At nang masabi nito ay agad niyang tinungo. Room 17 kaya madali lang niyang nakita. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang pamilya niya na ang iba ay tulog na.

"Oh, mabuti at narito ka na." sabi ng Mom niya na nagkakape.

Agad siyang lumapit sa mag-ina niya. Si joe ay natutulog habang yakap-yakap si Cj na tulog. Naupo siya sa kabilang side at napahinga ng malalim.

"Kamusta na ang anak ko, My? Ano ba ang naging sakit niya?" mahina niyang tanong upang hindi na magising ang mga ito.

"Nilagnat pero ngayon ay magaling na. Kailangan lang na mag-stay muna rito ng isang araw para masiguro kung ayos na ba talaga ang apo ko." sabi ng My niya.

Napahinga siya ng malalim at hinalikan niya sa noo ang mag-ina niya.

"Oo nga pala. Ano ba yung kinikwento ni Joe na merong babae na sumagot sa tawag niya?" tanong ng My niya kaya napatingin siya rito na naguguluhan.

"Sumagot sa tawag?" naguguluhan niyang balik na tanong habang iniisip kung meron nga bang sumagot ng cellphone niya.

"Oo. Ang sabi ng babae ay naliligo ka raw at nang tanungin ni Joe kung sino ang babae ay biglang pinatay ang tawag. Sino ba iyon, Anak? 'Wag mong sabihin na pinagtataksilan mo ang asawa mo?"

Umiling siya at nagseryoso dahil meron na siyang naisip kung sino ang babae. Walang iba kundi si Lea. At kung gano'n ay nakita na rin nito ang larawan ni Joe sa cellphone niya.

"My, secretary ko ang nakasagot. Pumasok siya sa room ko dahil merong iaabot na files. Naliligo ako no'n kaya siguro sinagot niya ang tawag ni Joe. Pero never akong magtataksil kay Joe, My, never." sabi niya kaya tumango ito at nilapag ang tasa sa table. Lumapit ito sa kanya at humawak sa balikat niya.

"Mabuti naman at ganun nga, anak. 'Wag na 'wag kang gagawa ng maling bagay para magkahiwalay kayo ni Joe. Marami talagang pagsubok sa buhay, pero 'pag nalagpasan mo ay tiyak ko na walang hanggang ang kasiyahan na makakamit mo. Mahalaga ang pamilya mo sa lahat ng bagay, Anak, naiintindihan mo ba?" payo nito.

"Yes, My. I get it." nakangiti niyang tugon kaya ginulo nito ang buhok niya at lumayo para maupo sa tabi ng Dad niya na nakahalukipkip habang nakapikit.

Tumingin siya sa mag-ina niya. Tumayo siya at hinubad ang sapatos. Dahan-dahan siyang nahiga sa tabi ni Cj at yumakap sa mga ito. Malaki ang kama kaya kasya sila. May space pa nga.

Tumitig siya sa mag-ina niya sandali bago pinikit ang mata para saglit na matulog.

KINABUKASAN ay nagising si Joe na ang bumungad agad sa kanya ay si Drake. Napangiti siya dahil magkayakap ang mag-ama. Nasa ibabaw na si Cj ni Drake habang nakadapa na natutulog. Dahan-dahan siyang naupo at bumaba ng kama. Inayos niya ang kumot ng mga ito at napatingin naman siya sa magulang ni Drake. Wala na ang mga kapatid ni Drake at hindi niya alam kung saan nagtungo.

"Mom, nasaan po ang mga kapatid ni Drake?" tanong niya habang napapahimas sa braso dahil malamig. Kinuha niya ang balabal at binabal sa balikat niya.

"Pinauwi ko na at doon muna sila makikitulog sa bahay nila Duke." tugon nito kaya napatango siya. Lumapit siya sa table kung saan nakalagay ang mga kape na dala ng magulang ni Drake. Kumuha siya ng tasa at nagsalin ng kape na 3-in-1 at nakalagay sa isang lalagyan ng kape para hindi lumamig.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon