Kabanata 29 - Baptism

29.9K 614 0
                                    

Kabanata 29 - Baptism

Seven months after...

BUSY SILA JOE AT DRAKE para sa preparation sa binyag ni Cj. Walong buwan na ito kaya naisip nila na binyagan na ito bago dumating ang isang taon nito.

"I think this is the best for her, Ate." suggest ni Bettina habang nagsho-shopping sila ng damit ni Cj. Naiwan sa bahay si Cj kasama ni Drake. Nag-iwan nalang siya ng breasfeed milk nito para kung sakaling manghingi ay may maiinom ito.

"Tina, white ang dress code sa binyag. Hindi ko alam kung pupwede 'yan sa pari na magbibinyag." sabi ni Magnolia.

"Magnolia is right, Bettina. Pero kukunin na natin 'yan para pamalit niya." sabi niya rito na kinangiti nito.

"Ikaw talaga, Tina. Magtatampo ka na naman 'pag tama ako. Ikaw kasi dapat alam mo 'yan dahil nakikita mo naman nung bininyagan si Benj." sabi ni Magnolia at inakbayan si Bettina.

Natutuwa siya sa friendship ng mga ito. 'Pag alam na mali ang isa ay itatama at kahit masakit sabihin ay hindi parin magdadalawang isip na itama.

"Haler! Ilang taon lang ba ako ng binyagan si Benj? Nakalimutan ko na rin iyon kaya hindi ko alam. Oo na, ikaw na ang tama at ako ang mali." nakanguso nitong sabi.

"Oh, baka mag-away pa kayo, ha?" sabi niya sa mga ito habang pumipili ng shoes ni Cj.

"Hindi, Ate. Kahit krung-krung si Bettina ay love na love ko siya." sabi ni Magnolia kaya napangiti siya.

"Oh, ang sweet talaga ng sister ko. Pero hindi ako krung-krung." sabi nito.

Habang pumipili siya ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakita niya na si Drake iyon kaya napailing siya at sinagot ang tawag.

"Hello, honey?"

"Hon, matagal ka pa ba? Sundan na kaya kita d'yan?"

"Ano ka ba! Kakarating palang namin tapos naiinip ka na? Hintayin mo nalang ako d'yan at alagaan mo si Cj."

"But, Hon,."

"No more buts, Honey. Sige na, pumipili pa kami ng shoes. Bye." pigil niya sa sasabihin nito at binaba na ang tawag bago pa mangulit ito.

"Grabe si Kuya. Hindi pa tayo nagtatagal ay hinahanap ka agad." sabi ni Bettina.

"'Wag niyo ng pansinin ang Kuya mo. Ang mabuti pa ay maghanap pa tayo sa ibang store at baka merong mas maganda. Pero 'pag wala ay dito na tayo bibili." sabi niya na agad namang sinang-ayunan ng dalawa. Pero binili nila iyong suggest ni Bettina dahil maganda rin naman.

Paglabas nila ng store ay nagkwekwentuhan sila habang naglalakad. May nakasalubong sila na mga kalalakihan na mukhang nasa 20's na.

Napahinto sila sa tawanan at paglalakad ng harangan sila ng mga ito.

"Hi! Ang gaganda niyo naman." sabi ng nasa gitna at nakatingin sa kanya.

"Sorry pero nagmamadali kami. Kaya kung pwede ay makikiraan kami." sabi niya sa mga ito.

"Wait lang, Miss. Gusto kong magpakilala at makilala ka." sabi nito at ayaw silang paraanin.

Humalukipkip siya at iritang tinignan ito.

"Ahem! I'm michael, you are?" pakilala nito at nilahad ang kamay.

"Mga Kuya, hindi pwede ang Ate namin. Meron na siyang husband at Kuya Drake ko iyon." sabi ni Bettina.

"Oh, really?" ngising sabi nito at napahawak sa baba nito. "Pero kung ang girlfriend nga naaagaw, asawa pa kaya?" sabi nito.

"Anong sabi mo?" merong tinig na pumukaw sa kanila na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon