Kabanata 27 - Good Revenge
PUMASOK si Drake kasama ang Kuya Duke niya, ang ka-triplets niya na si Deo at Diesel, kasama rin si Seige at Samuel, at ang huli....
"I hate you all! Isusumbong ko kayo kay Daddy at Mommy!" nagwawalang sabi ni Benj habang hawak-hawak ni Seige at Samuel dahil pinagtripan na isama ito.
"Hoy, bubwit! Kaya ka nga namin sinama para walang istorbo kela Mommy. Ang laki-laki mo na palagi ka pang nakakapit kay Mommy." sabi ng mapang-asar na si Seige at ginulo ang buhok ni Benj na busangot ang mukha.
"Wala kang pakialam! You are just insecure because I'm very handsome than you." sagot nito.
"Hahaha! Ang lakas din ng tiwala mo sa sarili nito. For your information, mas gwapo ako sa'yo. Ganito ka lang." pagpatol na sabi ni Seige at tinuro pa ang hinliliit na daliri.
Napailing si Drake at Duke dahil napakapagpatol talaga ni Seige kahit kailan. Habang si Diesel at Samuel ay tahimik lang. At si Deo ay kanina pa merong kinakatikot sa cellphone.
"Bro, sure ka bang nakuha niyo ang mga salarin?" tanong ni Drake kay Duke. Tinawagan niya kasi ang mga utol niya para tulungan siyang hanapin ang hayop na nais na patayin ang asawa niya. Ayaw na niyang abalahin ang Dad nila dahil masyado na itong maraming nagawa. At dahil expert din naman ang mga kapatid niya sa larangan ng kanyang ama ay magpapatulong isya sa mga ito.
"Yes, Bro. Ako pa. At sure din ako na hindi tayo magtatagal at malalaman mo kung sino ang nasa likod ng pagbabaril kela Joe." sabi nito at humawak sa balikat niya.
Pumasok sila sa isang madilim at mahabang hallway ng head quarters ng Dad nila kung saan dinala ang riding-in-tandem na nagtangka sa buhay ni Joe at Lia.
May sumalubong sa kanila na tauhan ng Dad nila at pinagbuksan sila ng pinto na bakal. Tumaas ang pinto kaya lumusot sila. Masyadong tago ang head quarters na ito dahil na rin para ma-protektahan ito laban sa nais na pabagsakin ang pamilya nila.
"Nasaan sila?" tanong ng Kuya Duke niya kela Oscar.
"Sa red room." tugon nito na kinatango ng Kuya Duke nila. Hindi niya alam kung ano iyon pero nagsimula nang kumuyom ang kamao niya at magalit ang mga ugat niya sa katawan sa isipin na makakaharap niya ang mamamatay tao.
Lumakad pa sila hanggang sa huminto sila sa pulang pinto. Ginamit ng Kuya Duke nila ang kamay upang buksan ang pinto na kinamangha niya.
"Nice, Kuya. May pa-effect-effect pa pala si Dad na ganito. Ang astig." sabi ni Diesel na kinailing niya. Sabagay, mahilig ito sa mga gadgets at boxing. At sa mga invented robots.
Naunang pumasok ang Kuya nila na hindi sumagot sa sinabi ni Diesel. Napatingin siya sa pagitan ng hita niya na merong lumusot. Natawa sila dahil si Benj iyon na nangunguna pa ngayon sa pagpasok.
"Tignan niyo si bubwit. Kanina ay a-ayaw-ayaw pa, pero ngayon ay nangunguna na." sabi ni Seige na natatawa.
Hinayaan na nila at pumasok na rin siya kasunod ng mga kapatid niya. Pagpasok niya ay bumungad agad ang isang napakalaking room na naglalaman ng mga baril. Iba't-ibang baril na alam niya na mahal at delikado.
"Wow! Shet! Magugustuhan ko na ata rito." sabi ni Diesel na balak sanang hawakan ang baril ng pigilan ito ng Kuya Duke nila.
"'Wag! Hindi basta-basta ang paghawak ng baril, Sel. Maupo nalang kayo at pakinggan natin ang sasabihin ng mga siraulo na ito." sabi ni Duke sa kanila. Ngayon niya lang napansin ang dalawang lalake na nakagapos habang nakataas ang kamay. Meron ring gapos ang mga paa ng mga ito habang ang bibig ay merong packing tape. Sinenyasan siya ng Kuya niya kaya lumapit siya habang kuyom ang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
Ficção GeralSi Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan...