Kabanata 25 - Face-off

25.4K 590 5
                                    

Kabanata 25 - Face-off






"Hello, Drake." sabi ni Joe sa kabilang linya.

"Yes, hon?"

"Nag-lunch ka na ba?"

"Not yet, why?"

"Wala naman. Mamaya pa ba ang lunch niyo?"

"Yeah. Mga 30 minutes pa."

"Okay." ngiti-ngiting sabi niya habang naglalagay ng pinirito niyang fish fellet sa lalagyang baunan.

"Anong okay?"

"Ah, wala-wala. Sige, tapusin muna ang work mo. At for sure, kapalit niyan ay kabusugan." sabi pa niya.

"What?" naguguluhan nitong tanong

"Sige na, babye, Hon. Muaahh!" paalam niya rito at pinatay na ang tawag.

Nangingiti na binaba niya ang cellphone sa kitchen counter at tinakpan ang baunan.. Naglagay naman siya ng rice sa baunan at nag-design pa siya ng heart gamit ang apple.

At yung ginawa niyang hot chocolate ay sinalin niya sa tumbler. Kumuha siya ng paper bag at nilagay doon lahat. Nang ayos na ay tumungo siya sa sala kung nasaan si Cj na natutulog sa duyan. Dahan-dahan niyang kinuha ito sa duyan at sinandal ang ulo sa balikat niya. Nakahawak siya sa pang-upo nito at ulo. Tinungo niya ang kwarto para bihisan ito. Nakabihis naman na siya kaya si Cj nalang ang papalitan niya ng damit. Nakasuot siya ng dress na floral na dilaw. At dahil bagong bili iyon ni Drake ay iyon na ang naisip niyang isuot na katerno rin ng baby dress ni Cj. Ang cute siguro 'pag terno sila.

Nilinisan niya ito ng pupu at pagkatapos ay pinulbusan bago isuot ang diaper nito. Pinulbusan din niya ang katawan nito bago niya dahan-dahang sinuotan ng dress. Napangiti siya dahil ang cute-cute nito. Sinuotan niya ito ng medyas at cute na shoes. At syempre ang bulaklak na garter na headband nito.

Nang ayos na ay niligpit niya saglit ang mga pinagbihisan at mabilis na nilagay sa marumi ang damit at sa basurahan naman ang diaper na pinagpalitan. Agad niyang pinuntahan ito na mabuti at hindi naglilikot sa kama.

Sinukbit niya sa isang balikat ang shoulder bag at tsaka binuhat muli ito. Lumabas sila ng kwarto at tinungo ang kusina para kunin ang paper bag na pinaglalagyan ng pagkain ni Drake.

Medyo nahihirapan siya pero carry lang. Ni-lock niya ang pinto at lumakad na.

Paglabas niya ng units ay nagulat pa siya dahil narito pala ang mga bodyguard ni Drake. Akala niya ay wala na ang mga ito.

"Mam, tulungan na po namin kayo sa bitbit niyo." sabi ng isa kaya nagpasalamat siya at inabot ang paper bag rito.

"Ayos na ako sa bag." sabi niya sa isa na balak na kunin ang bag niya. "Yung isang kotse ni Drake?" tanong niya sa mga ito.

"Dito po, Mam. Saan po ba kayo pupunta?" Turo ng isa.

"Sa company ni Drake." aniya at lumapit sa kotse. Pinagbuksan siya kaya maingat siyang naupo dahil baka magising si Cj. Nang makasakay na sila ay siyang gising nito. Akala niya ay iiyak ito pero tahimik lang at pumapalakpak ang kamay at nilalaro ang suot na damit.

"Nagustuhan mo ba ang suot mo, Anak?" nakangiti niyang tanong rito. Alam niya na parang ewan siya pero gustong-gusto niya na kinakausap ito dahil alam niya na kahit gano'n ay makakaintindi parin ang mga baby.

Pinahawak niya ang hintuturo niya sa kamay nito. Mahigpit itong nakahawak at balak pang isubo sa bibig nito kaya pinigil niya at kiniliti ito na kinahalakhak nito. Natawa siya dahil ang lakas ng halakhak nito.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon