Kabanata 18 - Baby

32.7K 714 4
                                    

Kabanata 18 - Baby



BUHAT-BUHAT ni Drake si Joe habang papasok sila ng Pad nila. Natawa siya ng ibaba niya ito sa sofa.

"Ang bigat mo talaga." natatawa niyang sabi habang hinihilot pa ang kanyang mga braso. Pinagpapalo-palo siya nito kaya napaiwas siya habang tawa siya ng tawa.

"Sabi ko 'wag muna akong buhatin, pero binuhat mo parin ako! Tapos ngayon ay sasabihin mo na mabigat ako, nakakainis ka!" inis nitong sabi kaya inakbayan niya ito.

"Joke lang, hindi ka naman mabiro. Pakiss nga." ngiting-ngiti niyang sabi rito at hinalikan ito sa pisngi habang inaamoy. Agad naman nitong iniiwas ang mukha at kinurot siya.

"Ano ba!" sabi nito at pilit iniiwas ang mukha. "Drake, isa!" suway nito kaya tumigil na siya.

"Okay, hihinto na ako. Tara na at maglinis ka na para makatulog ka na. Alam kong pagod  ka na." sabi niya rito at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Mabuti pa nga. Hay! Ang bigat ng gown ko, ang bigat pa ng tiyan ko. Ang hirap talaga maging babae." lintaya nito habang nauuna ito sa kanya na maglakad.

Napailing siya at napangiti.

"Ganun talaga, Hon." sabi niya rito habang hawak-hawak ang dulo ng gown nito upang makalakad ito ng maayos. Mahirap na, baka matalisod pa ito.

Pagdating sa kwarto ay agad itong lumapit sa kama at nahiga.

"Nanlalata na ako. Gusto ko ng matulog." sabi nito kaya agad niyang pinigil ito.

"Wait, Hon. Magbihis at maghilamos ka muna bago mahiga. Mahihirapan ka n'yan." sabi niya rito at naupo siya sa kama upang itayo ito.

"Ayoko, bukas nalang. Inaantok na talaga ako." sabi nito.

"Okay, tumalikod ka nalang at nang mahubad ko ang gown mo." sabi nalang niya.

Nanlalata na naupo ito at tumalikod sa kanya. Hinawakan niya ang zipper ng gown nito at binaba. Napalunok siya pero pinigil nalang ang sarili dahil hindi na pwede. Pinatayo niya ito at binaba ang gown. Pilit siyang umiiwas ng tingin at napahinga siya ng malalim ng maalis na niya ang gown nito sa katawan.

"Mahiga ka na at bibihisan nalang kita." sabi pa niya rito.

Binitbit niya ang gown nito at dinala niya sa walk in closet. Inilapag nalang niya muna ito sa isang upuan at kumuha siya ng damit nito.

Paglabas ay nilapitan niya ito at binihisan. Pagod na pagod siguro talaga ito dahil nakatulog na agad ito at hindi man lang naalimpungatan habang binibihisan niya ito.

Tumayo siya at tinungo ang banyo para basain ang towel. Lumabas siyang muli at lumapit rito. Naupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mukha nito.

Napangiti siya at dinampian ang mukha nito ng basang towel na hawak niya upang alisin ang make-up nito. Dahan-dahan lang siya upang hindi na ito magising. Napangiti siya ng matapos din. Tumayo na siya upang magbihis na rin. Ginawa na niya ang paglilinis ng katawan at nagsuot lang siya ng boxer short at tshirt na white nya na may print na fucker!

Tumabi siya kay Joe at inayos niya ang kumot nito.

"Good night, hon. Dream of me." Sabi niya at hinalikan niya muna ito sa labi bago ito hinapit upang mayakap niya. Hinahaplos-haplos niya ang tiyan nito na napakalaki na rin kaya hindi na makatagilid ng higa. Nananabik na siyang manganak ito. Ilang buwan nalang at masisilayan na nila ang kanilang baby. Hinihiling nga niya na sana sa kanya magmana ang anak nila. Mahirap kasi 'pag dalawang Joe. Baka mabaliw siya sa katigasan ng ulo.

Pumikit na siya upang matulog. Halos hindi siya nakatulog nung mga nakaraang araw. Pero ngayon tiyak na mahimbing ang kanyang tulog dahil katabi na niya ito muli.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon