KABANATA 5
SELOSTUMINGIN SI JOE sa harap ng salamin ng tukador habang bukas ang mga ilaw upang mas makita ang kanyang mukha. Isang babae na nakakaakit na malayo sa Joe na 'pag simple lang ang make up. Nude lipstick lang ang ginamit niya habang makapal ang pagkakalagay ng eyeliner sa kilay niya na tamang-tama ang hugis. Ang mata niya ay nabunyag lalo dahil sa eyeliner at liquid eyeliner na nilagay niya sa talukap ng mga mata niya upang mas bumunyag pa ang hugis ng kanyang bilog na kay konting singkit niyang mata.
Habang ang buhok niya ay kinulot lang ang dulo. Tumayo siya at lumipat ang tingin sa mahabang salamin upang makita ang suot niyang gown.
Gold na gown ang suot niya na mahaba. Naka-v-line shape ang neckline na kitang-kita ang namumutok niyang cleavage kahit wala siyang suot na bra. Habang mahahaba ang manggas nito na ang tela ay kumikinang sa ganda ng uri ng tela, hanggang sa pinakapalda nito na may slit sa kaliwa niyang paa kaya kitang-kita ang mahaba niyang legs. At suot din niya ang five inches high heels na kulay ginto rin.
Ewan niya lang kung hindi magsisi si Drake sa pambibitin nito. Ngumisi siya at nanabik siyang makita ang reaksyon nito.
Tumunog ang cellphone niya kaya lumapit siya sa kama kung saan niya nilapag. At nang makita niya kung sino ang tumatawag ay napangiti siya at sinagot iyon.
"Yes, hello." mapang-akit niyang sagot. Sa totoo lang ay hindi siya ganito, pero dahil gusto niyang magpursige na maakit si Drake ay ginawa niya.
"Bumaba ka na rito sa parking lot. Narito na ako." sabi nito.
"Okay." sagot niya at binaba na ang tawag. Kinuha niya ang pouch at nilagay roon ang cellphone niya. Nakalagay na rin siya ng mga pang-retouch niya. Nang tumingin siyang muli sa salamin ay napakindat pa siya at ngumiti.
Lumabas na siya at nakita niya ang mga bodyguard nito. Nakasunod ang mga ito habang siya ay confident sa paglalakad palapit sa elevator.
Humugot siya ng malalim dahil may halong kaba at pagnanabik ang nararamdaman niya. Kaya naman ng bumukas na ang pinto ng elevator ay lumabas na siya. Napapatingin ang mga tao sa lobby habang dumadaan siya. Pati ang mga kalalakihan na halos mapanganga na nakatitig sa alindog niya. Ngumisi siya at hindi na pinansin ang mga ito.
Paglabas nila ay inakay siya ng isang bodyguard palapit sa sasakyan ni Drake na nakaabang na pala sa mismong tapat ng condo.
Naguluhan siya kung bakit sa backseat binuksan ng bodyguard niya ang pinto? Pero hindi na niya pinansin at pumasok na siya. Pag-ayos niya ng upo ay tumingin siya kay Drake na nakatingin sa kanya mula sa salamin.
"Napakatagal mo naman, Miss. Mahuhuli na ako sa mismong party ko." maarteng sabi ng isang babae. At hindi niya alam na may ibang kasama pa pala si Drake.
BINABASA MO ANG
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
General FictionSi Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan...