Kabanata 23 - Angel

23.4K 652 21
                                    

Kabanata 23 - Angel

NAGISING si Joe na wala na si Drake sa tabi niya. Hindi kasi siya nakabangon agad dahil hindi naman siya nito pinatulog kagabi. Kinipkip niya ang kumot sa hubad na katawan at bumangon sa kama. Wala na yung damit nila sa sahig tila niligpit na ni Drake iyon. Lumapit siya kay Cj na mabuti at tulog pa.

Kumuha siya ng towel at nagtungo sa banyo. Naligo siya at nagsipilyo. Nagsuot lang siya ng spaghetti strap at cotton short-short.

Paglabas niya ay tinungo niya si Cj at nakita niya na gising na ito. Inalis niya ang kulambo at niligpit. Binuhat na niya ito at hinalik-halikan sa leeg.

"Ahm.. Maasim ka na, baby." aniya rito at napangiti. Hiniga niya ito sa kama at inalisan ng damit pwera sa bingkis nito sa pusod. Baka mabasa, delikado pa naman. Pagkatapos niyang hubaran ito ay binuhat niya muli ito at kumuha naman siya ng towel, bulak, alcohol, diaper, at pamalit na damit nito. Nagpunta sila ng banyo habang buhat niya ito sa isang kamay habang hawak ang plastick basket na pinaglagyan ng kinuha niyang gamit nito.

Binaba niya ang basket sa lababo at kinuha niya ang liguan nito. Naglagay siya ng towel para gawing patungan ng ulo nito. Maingat niyang inihiga ito habang nakaalalay sa ulo nito. Kinuha niya ang shower hose at sinet sa maligamgam ang tubig. Maingat niyang binasa ang ulo nito na kinaiyak nito.

"Shh.. Saglit lang ito, anak. Papaliguan ka lang ni Mommy." sabi niya rito habang maingat naman niyang binabasa ang katawan nito. Pinatay niya ang tubig at kinuha ang baby liquid soap nito. Sinabunan niya ang ulo at katawan nito ng dahan-dahan. "Oo, malapit ng matapos si Mommy. Tahan na, Anak." pagpapatahan niya rito.

Nang matapos ay napahinga siya ng malalim at maingat na binuhat ito. Agad niyang binalot sa towel ito at bitbit ang basket bago lumabas sila ng banyo.

Pinatay niya ang aircon ng maihiga si Cj sa kama. Kinuha niya ang pulbos at pinulbusan ang katawan nito. Pinalitan niya ng bingkis ito at tsaka sinuotan ng panibagong damit at short.

"Tapos na, baby." aniya at kinilik ito. Mahinang niyugyog niya ito para tumahan. Nilabas niya ang isang dibdib para pasusuin ito. Natahimik ito kaya napahinga siya ng malalim at naupo sa kama. Hinaplos niya ang buhok nito at napangiti dahil kamukhang-kamukha ito ni Drake na girl version lang. Ngayon palang ay namimiss na niya si Drake. Sana naman ay agad itong makauwi.

Bumitaw na si Cj sa pagsuso kaya inayos niya ang damit niya at tumayo siya. Nakatingin ito sa kanya kaya ngumiti siya at mahina na pinisil niya ang pisngi nito.

"Ang cute-cute mo, anak. Excited na akong lumaki ka, tapos iipitan kita at bibihisan ng magagandang dress and shoes." sabi niya rito. Napangiti ito kaya lalo siyang napangiti. "Uy! Gusto ng baby ko." natutuwa niyang sabi at hinalik-halikan ito.

Lumabas siya ng kwarto upang manood muna ng balita. Naisip niya na mahihirapan siyang mag-alaga at maglinis ng bahay. Kailangan siguro talaga nila ng kasambahay, kaso ang naririnig niya sa balita na yung ibang nag-aapply na kasambahay ay hindi masyadong mapagkakatiwalaan.

Napatingin siya sa pinto ng tumunog ang door bell nila. Tumayo siya habang kilik-kilik si Cj. Binuksan niya ang pinto at nagulat syia ng bumungad sa kanya si Bettina at Magnolia. Mga nakangiti ito kaya napangiti siya.

"Oh, pasok kayo." pagpapasok niya sa mga ito. "Bakit nga pala kayo nagpunta rito?" tanong niya.

"E, kasi Ate, sabi ni Diko Drake wala daw kayo makakasama ni Baby Cj, kaya kami muna ang makakasama n'yo." tugon ni Bettina at humawak sa kamay ni Cj. "Ate, pwede ko bang buhatin si Cj." request ni Bettina kaya tumango siya.

"Mabuti pa nga. Maglilinis sana ako pero walang magbabantay kay Cj. Mabuti at sasamahan n'yo ako. Salamat, ha." sabi niya at pinabuhat rito si Cj.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon