Kabanata 10 - Visit

33.1K 787 32
                                    

Kabanata 10 - Visit





PAGLABAS ni Joe sa banyo dahil nagbihis siya ng pantulog. Napatingin siya kay Drake na may binabasang aklat. Napatingin ito sa kanya tila napukaw ang pansin nito dahil sa pagsara niya ng pinto. Binalik muli nito ang paningin sa libro na kinalungkot niya. Alam niya na galit parin ito sa ginawa niya. Nang dahil sa katangahan niya ay muntik na siyang reypin ng mga hayop na lalake. Akala niya talaga ay legal na modeling agency iyon. 'Yun pala ay mga illegal na recruiters at ang mga babaeng nabibiktima nila ay pinagsusuot ng sexy na damit upang kuhanan ng litrato at ibebenta sa mga parakyano. Hindi niya talaga alam ang gagawin kung hindi dumating si Drake. Mabuti nalang at naiwan niya yung card.

At ang nangyari doon sa photographer na nag-alok sa kanya at sa ibang kasama nito ay pinakulong ni Drake.. Halos magka-trauma siya at hanggang ngayon kinikilabutan pa siya.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama. Naupo siya at tumingin kay Drake. Tutok na tutok lang ito sa libro at tila wala talagang balak na pansinin siya nito.. Kinuha niya ang unan niya at tumayo. Aalis na sana siya ng pigilan siya nito sa braso kaya napatingin siya rito.

"Where are you going?" tanong nito.

"Doon nalang ako sa sofa matutulog." mahinang sabi niya at napayuko.

"Tsk." asik nito at hinatak siya. Naupo siyang muli sa kama habang magkaharap sila. "Bakit naman doon ka pa matutulog?" tanong nito.

Napanguso siya at inirapan ito.

"Hindi mo naman kasi ako pinapansin. Tapos parang galit pa." sabi niya rito. Hinawakan siya nito sa baba at pinatingin sa mukha nito.

"Nagagalit lang ako dahil hindi ka nagsasabi kung may gusto kang puntahan. Tapos hindi mo man lang inaalam kung safe ba yung pupuntahan mo bago ka tumuloy. Tignan mo ang nangyari. Mabuti nalang at naiwan mo ang card kung hindi ay baka ano na ang nagawa sayo ng mga iyon." seryosong sabi nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa mukha niya. Napayuko siya habang nakatingin sa kamay nito na hawak niya.

"Alam ko naman 'yun. Gusto ko lang kasi subukan na magkatrabaho para hindi naman ako umaasa sa'yo." sabi niya rito.

"Bakit ayaw mo ba na dito ka lang at ako ang trabahuin mo. Pagod ka pa nga.." birong sabi nito kaya hinampas niya ito sa braso na kinahalakhak nito.

"Nakakainis ka! Seryoso ang usapan, tapos magbibiro ka pa." sabi niya rito.

Pinigil siya nito sa paghampas at hinatak siya palapit rito. Nahiga ito at inaya siya na mahiga. Inunan niya ang braso nito at yumakap siya sa bewang nito.

"Totoo naman kasi ang sinabi ko. Ayaw mo ba na dito ka lang at ako lang ang aasikasuhin mo. Hindi naman kita ginugutom dahil sobra-sobra pa nga." sabi nito.

"Kasi naman nakakabagot din ang mag-isa rito. Tapos wala namang paglilibangan. Gusto ko rin naman na may iba pang ginagawa." tugon niya.

"Hmmm.. Sabagay." Ani nito at tila may iniisip. Tumingin siya rito at pinatong ang baba niya sa dibdib nito. "May naisip ako para hindi ka na mabagot at para hindi muna maisip na ulitin pa ang ginawa mo." pagpapatuloy nito.

Bumangon siya at nag-indian seat paharap rito.

"Ano naman 'yun?" tanong niya.

"Kung sumama ka nalang sa office ko. Atleast doon mababantay kita." sabi nito kaya pinisil niya ang ilong nito na kinatawa nito.

"Anong ako? Baka ikaw. Sige, sasama na ako sa office mo. At babantayan kita baka may umaahas na sa'yo doon." sabi niya rito.

Naupo din ito at napatili siya ng bigla siyang kilitiin nito.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon