Kabanata 20 - Passed Away

27.7K 620 5
                                    

Kabanata 20 - Passed away


"Drake, pag-uwi mo ibili mo nga pala ng diaper si CJ. Mauubos na ang diaper niya." bilin ni Joe kay Drake na nagsusuot ng sapatos nito na pangpasok. Inuungoy niya ang duyan habang pinapatulog si Cj.

"Okay. Wala ka na bang ibang ipabibili?" tanong nito.

"Wala na. Di bale, itetext nalang kita 'pag may kailangan ako." aniya at hininaan na ang pag-ugoy dahil tulog na agad ang anak nila.

Tumayo si Drake at lumapit sa kanya. Binitawan na niya ang duyan at kinuha niya ang necktie nito upang isuot.

"Ayan, ayos na. Mag-iingat ka sa pagda-drive." Bilin niya rito at tumingin sa mukha nito. Nakatitig ito sa kanya habang nakangiti. "Oh bakit na naman?" tanong niya habang nakangiti rin.

"Nothing. I'm just happy that I have you and Cj in my life. Hindi siguro ako masaya ngayon kung hindi kayo ang makakasama ko habang buhay." sabi nito na kinataba ng puso niya.

"Ganun ba. Baka naman 'pag nagsawa ka sa akin ay palitan mo ako gaya ng iba na hindi rin naman nagtatagal ang relasyon." tugon niya rito at nagbaba ng tingin. Hinawakan siya nito sa baba kaya napaangat siya muli ng tingin.

"Kailanman ay hindi ako magsasawa sa'yo. Ikaw pa, mas baliw ako sa'yo. At ito ang pangako ko,. Kahit ano pang mangyari ay walang ibang makakaputol ng relasyon natin. Hindi ako papayag na magkahiwalay tayo. Ikaw nga lang ang babae na minahal ko at wala ng iba pa. Kaya 'wag mo nang isipin na maghihiwalay tayo, ha?" sabi nito kaya napangiti siya at tumango.

Hinalikan siya nito sa labi kaya napapikit siya at agad ding dumilat ng maghiwalay ang labi nila.

"Sige na. Lumakad ka na at baka malate ka pa." sabi niya rito. Tumingin ito sa anak nila na tulog sa duyan.

"Okay. Tawagan mo ako 'pag may kailangan kayo o kaya may problema rito." bilin nito.

"Sige, tatawagan nalang kita." tugon niya habang nakatingin rito na hinalikan sa noo ang anak nila. Hinalikan muna siya nito sa noo bago ito nagtungo ng sofa at kinuha ang bag na pinaglalagyan ng inuwi nitong papeles. Hinatid niya ito sa pinto at nang makalabas ay sinara na niya ang pinto.

Lumapit siya sa duyan ng anak nila at napangiti siya dahil napakahimbing ng tulog nito habang nangingiti tila may napapanaginipan na mga anghel.

"Tayo muna anak, habang nasa work si Daddy." mahinang sabi niya rito.

MULA naman sa ford Agency ay dumating na si Drake na hindi katulad ng pinapakita nito kay Joe ay seryoso siya kapag nasa opisina. Panay ang bati ng mga empleyado niya na tanging tango lang ang tinutugon niya.

Pagdating sa opisina ay sumalampak agad siya sa swilver chair at binuksan ang laptop upang tignan ang sales ng company niya. Napangiti siya ng bumungad ang litrato ng mag-ina niya na natutulog. Hinahaplos-haplos niya ito. Ngayon palang ay namimiss niya kaagad ang mga ito. Napabuntong hininga siya dahil mahaba-habang oras pa ang gugugulin niya rito bago makauwi. Napailing siya at tinignan nalang ang sales dahil mas lalo siyang mahihirapan sa kakatingin sa larawan ng mag-ina niya.

May kumatok sa pinto pero hindi siya nag-angat ng tingin. Tumugon lang siya upang papasukin ito.

"Sir, meron pong nag-a-apply bilang secretary niyo. Nabasa ko po ang profile niya at pasado naman po. Kayo nalang po ang bahala na kumilatis sa kanya." sabi ni Rex na pasamantalang secretary niya.

"Okay, papasukin mo." tugon niya na hindi tumitingin rito dahil busy siya sa pagtingin sa sales na tumataas kada araw. Tinignan naman niya ang sa abroad na branch niya at inemail niya ang Director Manager na naka-assign roon upang sabihin na mag-email ng balita tungkol sa company niya roon.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon