Kabanata 15 - Joe Lukaret
NAKATULALA si Drake habang nakaupo sa sahig ng hospital. Hinihintay nalang ng mga doctor ang desisyon niya kung ooperahan si Joe. Nais niya naman ngunit may tendency daw na hindi maging one hundred percent na magiging successful ang operasyon kung ang katawan ni Joe ang bibigay. Lalo pa't maselang daw na bahagi ng katawan ang o-operahan.
"Anak!"
Napalingon siya ng marinig ang tinig ng kanyang ina. Agad siyang napatayo at hinintay ang paglapit ng mga ito kasama ang Dad niya. Nagkasabay rin ng mga ito ang Tita ni Joe.
Agad siyang napayakap sa My niya at doon ay napaluha siyang muli.
"Anak, anong nangyari kay Joe? Bakit siya na hospital?" tanong ni Beatrice na hinahagod ang likod ng anak upang pakalmahin.
"M-My, may b-brain cancer po siya. At kailangan na daw pong operahan sa lalong madaling panahon." tugon ni Drake sa ina niya at kumalas ng yakap.
"Diyos ko!" nasabi nalang ng My niya habang ang Dad niya ay lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat.
"Kaya pala panay ang tanong sa akin ni Joe sa sakit ng Mama niya. 'Yun pala ay meron din siya." nag-aalalang sabi ng Tiya Edit ni Joe.
"Son, inooperahan na ba ang asawa mo?" tanong ng Daddy niya. Umiling siya.
"Dad, My, Tita, ano po ba ang gagawin ko? Kung ang asawa ko at ang magiging baby namin ang nasa panganib? At wala pong kasiguraduhan kung magiging successful ang operation." nanlalata at halos puno ng takot ang tono niya.
Natahimik ang tatlo sa kanyang sinabi. Mga gulat na gulat at naawa na tinignan siya.
"Anak.." naluluhang bigkas ni Beatrice sa anak. Kita niya ang mugtong mata nito. Humawak siya sa kamay nito upang bigyan ng lakas. "Anak, manalangin ka sa diyos. Alam ko na pag bukal sa puso mo ang panalangin mo ay matutulungan ka niya. Hilingin mo sa kanya na mailigtas ang mag-ina mo. Alam ko na hindi ka niya bibiguin." payo nito.
Bubuka sana ang bibig niya ng biglang bumukas ang pinto ng ER kaya napalingon sila. Lumabas si Andrew na nangangasiwa ngayon kay Joe.
"Drake, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong nito pagkaalis ng mask sa bibig nito.
Napahinga siya ng malalim at pumikit. Natatakot siya pero kung hindi mao-operahan si Joe ay baka mas lalong lumala ito. Dumilat siya at tumingin kay Andrew.
"Sige, gawin n'yo na. Pero siguraduhin mo na 'wag mong ipapahamak ang mag-ina ko. Ipangako mo." sabi niya rito.
Humawak ito sa balikat niya at tinapik.
"I'll do my best, Dre. At sana ay 'wag kang panghina ng loob. Sige, gagawin na namin." sabi nito at tinapik pa ng ilang beses ang balikat niya bago ito pumasok muli sa loob.
Napayakap siya sa kanyang ina dahil mas lalo siyang kinabahan. Hinaplos-haplos nito ang likod niya upang pagaanin ang nararamdaman niya.
KANINA PA sila nakatayo at kanina pa palakad-lakad si Drake pero hanggang ngayon ay wala paring lumalabas na doctor sa ER. Mas lalo siyang kinakabahan dahil baka ano na ang nangyari kay Joe at sa baby nila.
"Bakit napakatagal naman, My?" kinakabahan niyang tanong sa My niya na nakaupo habang nakatabi ang Daddy niya at Tita edit ni Joe.
"Anak, baka sinisiguro lang nila kung maayos na ang lagay nila Joe. Masyadong maselang ang operasyon kaya tiyak na tinitignan nila kung maayos na ba at walang magiging komplikasyon." pagpapanatag sa kanya ni Beatrice.
Napahinga ng malalim si Drake at tumango.
Sana nga.. Dahil hindi niya makakaya oras na may mangyari sa mag-ina niya.
BINABASA MO ANG
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
General FictionSi Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan...