Kabanata 13 - Sick
DALAWANG ARAW ding namalagi sila Joe sa isla ng magulang ni Drake. At sa dalawang araw na iyon ay tiniis niya ang sakit ng ulo at iba pang nararamdaman niya upang 'wag lang makahalata ang kanyang asawa at ang pamilya nito.
Ngayon ay iginagayak niya ang mga damit ni Drake para sa pagpasok nito sa opisina. Sinabi niya na hindi muna siya sasama sa opisina nito at nag dahilan siya na magpapahinga muna. Nagpapasalamat siya na hindi nahahalata ni Drake ang dinaramdam niya. Ayaw muna niya sabihin hangga't hindi kumpirmado kung ano nga ba ang sakit niya. Gusto muna niya na sarilinin ang lahat bago siya makakuha ng lakas ng loob para sabihin rito.
Napatingin siya sa gawing banyo ng bumukas ang pinto. Lumabas si Drake na naka-towel lang ang ibabang bahagi ng katawan nito habang nagpupunas ng basang buhok at katawan.
"Honey, ito na yung isusuot mo." sabi niya rito at nilapag ang kurbata nito sa kama. Napaidtad siya ng yumakap ito sa kanya kaya napahawak siya sa kamay nito na nakapulupot na sa bewang niya.
"Hindi ka ba talaga sasama?" pang-ilang ulit na nitong tinatanong iyon kaya napailing at napangiti siya.
"Tsaka nalang. Magpapahinga nalang muna ako at mamaya ay dadalawin ko rin si Papa dahil nagtatampo na." sabi niya rito at inalis ang kamay nito. Kinuha niya ang polo nitong itim at pinasuot niya rito.
"Kung gano'n ay sabay na tayong magpunta sa Papa mo. Aagahan ko nalang ang uwi."
"'Wag na. Tapusin mo ang work at tsaka ka nalang sumunod, okay?" bilin niya rito habang binubutones ang polo nito.
"Okay. Alam mo namang malakas ka sa akin." sabi nito kaya napangiti siya at inayos ang kwelyo nito.
"Mabuti naman." sabi niya at kinuha naman niya ang brief at slock pants nito. "Oh! Isuot muna at ipagtitimpla lang kita ng kape." sabi pa niya.
Pagkatapos niya bilinan ito ay lumabas na siya at napasandal sa pader. Napahawak siya sa ulo ng makaramdam ng kirot at hilo. Pumikit siya at pinakalma ang sarili upang mawala ang sakit. Umiling-iling siya at dumilat. Umiling siyang muli ng makaramdam ng panlalabo ng mata. Nang maramdaman na ayos na ay naglakad na siya papasok sa kusina.
Napaiyak siya habang nagtitimpla ng kape. Habang lumilipas ang araw ay parang palala ng palala ang nararamdaman niya. Napakabilis at natatakot siya na baka pag nalaman niya ay huli na--at baka malala na pala ang lagay niya at baka hindi na siya malunasan pa.
Agad siyang nagpahid ng luha at inayos ang sarili ng marinig ang yapak ni Drake na papunta sa kusina.
"Hon, buhayin mo ang heater, ha! Malamig at baka lamigin ka." bilin nito na tingin niya ay naupo na sa lamesa. Huminga siya ng malalim at tumikim upang umayos ang boses niya.
"Okay." tugon niya at binitbit na ang kape at lumapit rito. "Magdala ka ng jacket. Baka malamig din sa opisina n'yo. At pagbabaunan kita ng makakain mo, ha? Para hindi ka na magpa-deliver." sabi niya rito na humihigop na ng kape. Binaba nito ang tasa sa lamesa at humawak sa bewang niya. Inalalayan siya nitong maupo sa kandungan nito kaya napayakap ang kanan niyang braso sa leeg nito habang nakatagilid siyang nakaupo rito.
"Yes, Mam." tugon nito kaya piningot niya ang tenga nito na kinahalakhak nito. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. "Ikaw din. 'Wag na 'wag kang magpapagutom. At initin mo ang lutong pagkain na nilagay ko sa ref kagabi. At baka mamaya ay may laman na ito, dapat ay hindi ka nagugutom." Sabi nito at hinaplos ang tiyan niya.
Ibig niyang mapaluha pero pinigil niya. Ngumiti siya rito at tumango.
"Bakit kaya hindi tayo magpacheck-up na? Malay natin meron na tayong baby." suhesyon nito.
BINABASA MO ANG
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)
Ficção GeralSi Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan...