KABANATA 1 - OFFER

38.7K 968 16
                                    

KABANATA 1
OFFER

BUMABA SI JOE upang kumain nang hapunan. Nagtataka siya kung bakit napakatahimik ng kanilang bahay? Lumakad siya patungong sala habang tinitignan kung nasaan ang mga tao sa bahay. Tinungo niya ang dinning area at doon nakita niya ang Papa niya na parang luging-lugi habang tulala na nakatingin sa pagkain nito.

Napatingin sa kanya si Mercy---ang madrasta niya na hindi niya ka-goodvibes. Katabi nito ang anak ng madrasta niya na napaka-maldita rin. Kung hindi lang dahil sa Papa niya ay baka pinalayas na niya ang mga ito sa pamamahay nila. Feeling ng mga ito ay matagal nang nakatira sa bahay nila at kung makaasta sa kanya 'pag wala ang Papa niya ay parang mga anak ng demonyita.

"Hi, Pa." bati niya sa ama at humalik sa pisngi nito bago naupo. "Bakit parang nalugi kayo sa itsura ng mukha niyo?" tanong niya pagkaraan habang sumasandok ng kanin.

"Paano, maba-bankrupt na ang company ng Papa mo. Kung tumulong ka kasi sa opisina kesa maglasing ka tuwing gabi sa bar, edi sana hindi mangyayari iyon." sabi ni Mercy na kinainit ng ulo niya.

"Oh. . . Nagsalita ang malaki ang naambag. Ikaw nga d'yan, panay lang bili ng mamahaling mga gamit, hindi mo naman pera ang nilulustay mo. Kung alam ko lang, kaya mo kinakapitan si Papa ay dahil sa pera." sabi niya rito na kinausok ng ilong nito.

"Wala ka talagang modo! Manang-mana--"

"Enough! Nasa harap kayo ng hapagkainan kaya galangin niyo naman." suway at pigil ng Papa niya sa pagpapalitan nila ng maanghang na salita ni Mercy.

Masama lang siyang tumingin sa witch na iyon pati sa anak nito na inirapan pa siya.

"Malaki na ang problema ko, kaya 'wag niyo nang dagdagan pa." dagdag pa ng Papa niya kaya napabuntong-hininga siya. "Pa, bakit ba bigla na lang na-bankrupt kayo? Nito lang ay sabi niyo ay malakas ang kompanya niyo? Tapos ngayon bankrupt na?" tanong niya rito habang sinubo ang laman ng kutsara niya.

"Meron kasing malaking company na malakas ngayon sa industriya. Meron tayong utang sa bangko pero nababayaran ko naman. Ngunit nang sabihin ng bangko na may isang company ang nagpabagsak sa company natin, at gusto daw nitong bilin ang buong building natin. Syempre bilang marami na tayong utang ay sasang-ayon agad ang bangko doon at wala na nga akong nagawa pa roon." sabi nito.

Napahinto siya sa pagsubo ng biglang nag-flashback sa utak niya ang iniwang banta sa kanya ni Drake. Napatayo siya ng ma-realize iyon. Napakuyom siya ng kamay dahil tinotoo nito ang banta nito. Hindi siya sumunod sa sinabi nito at ngayon nga ay gumaganti na ito.

"Pa, aalis lang po ako." paalam niya sa ama at humalik sa pisngi nito at mabilis na lumabas ng dinning area. Umakyat siya sa kwarto niya at nagbihis. Kung kailangan niyang magmakaawa rito na ibalik ang company ng ama niya ay gagawin niya, dahil importante iyon sa kanila. Sa kanyang ina na namayapa ito nanggaling, kaya alam niya na importante din ito sa Papa niya. Pinundar ito ng magulang niya kaya hindi siya papayag na mawala iyon.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela habang hinihintay ang pag-usad ng mga sasakyan sa harap niya. Lalong umiinit ang ulo niya dahil sa traffic. Masama na nga ang nangyayari sa kanya, masama pa rin ang magiging mood niya dahil sa tagal ng pag-unsad ng mga sasakyan. Naniniwala talaga siya na walang forever pero sa traffic meron.

Pinark niya sa parking-han ng company ni Drake ang sasakyan. Bumaba siya ng kotse at sinuot ang shade. Suot niya ay isang stripe horizontal black and white polo na may nakapaloob na strap sando na white habang nakaparagan sa lumang ripped jeans na suot niya. Naka-high heels siya na itim habang nakatarintas ng pigtail ang buhok niya.

Pumasok siya sa loob ng building at agad siyang hinarangan ng gwardya kaya huminto siya at inalis ang shades niya.

"Miss, bawal kang pumasok habang hindi mo binibigay ang I.D mo." sabi nito.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon