Chapter 3:The Honeymoon

2.3K 44 0
                                    

Kate's POV

Habang nakikipag-meeting si Philip after ng flight namin papuntang Cebu ay tahimik lang ako total naman ay kibuin-dili rin niya ako..isa pa ay hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka-recover sa pagkakahalik niya sakin kanina sa reception ng kasal namin..ang tagal matapos ng meeting niya kaya halos makaidlip na ako sa lounge ng hotel kung saan ginanap ang meeting niya..hindi na lang ako nag-abalang sumama sa kanya sa venue ng meeting dahil wala naman ako dun gagawin.

'Bahala ka total wala naman akong pakialam sayo.'Naalala ko pang wika nito bago ako talikuran pagkatapos kong i-suggest na hintayin ko na lang siya dito sa lobby..napailing ako..talaga ngang wala siyang pakialam..baka matagal na itong may gusto kay ate at ginamit lang nitong dahilan ang papalubog naming hospital para makuha nito ang kapatid ko.

"Elaine..what are you doing here..I thought it's your wedding today?"Nabigla na lang ako nang makita si Marco.

"Hey..yeah..I'm here with my husband..he's having a business meeting right now and here's the venue."Natutuwa akong makakita nang kakilala lalo at nababagot na ako kakahintay.

"Mind if I join you here?"Aniya na tumabi ng upo sakin.

"Of course..why are you here anyway?"

"Oh,I'm here with my dad..he's having a business meeting here,too."

"Really?What a coincidence!!!"Namamanghang wika ko.

"Or maybe destiny?"Natatawa namang susog nito..napatawa din ako dahil halata namang nagbibiro ito.

"I'm sure,it's coincidence."Natigilan ako nang may humapit sa beywang ko na bahagya pang pinisil ang gilid na bahagi ng aking balakang..napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Marco sa kamay ni Philip na nasa beywang ko.

"Kate,how are you,iha."Buti na lang dumating si tito Levy..ang daddy ni Marco para putulin ang namumuong tensyon sa tinginan ni Marco at Philip..mukhang magka-meeting pa si tito Levy at Philip.

"Tito Levy..I'm fine."Tipid na sagot ko naman.

"I heard you married this guy?Akala ko pa naman ay si Marco ko ang makakatuluyan mo..well,anyway,congratulations to the both you."Tukoy ni tito kay Philip whom I married..may panunudyo sa tanong ni tito..medyo close ako kay tito Levy dahil kaibigan siya ni daddy at alam niya ang sitwasyon ko sa mansyon dati..simula pa nung elementary kasi ay magkaklase na kami ni Marco.

"Bakit?Nanghihinayamg ka ba na ako ang pinakasalan mo hah,honey?"Tiim-bagang na tanong ni Philip.

"H-huh.........?"Nabigla ako sa naging tanong niya..bakit parang may kakaibang himig ang tanong niya..selos ba ang nahihimigan ko na yun?

"Hahaha..ano ka ba,Mr.Cleofe..akala lang namin yun noon dahil madalas magkasama itong si Kate at Marco sa mga mission..........."Humalakhak pang wika ni tito..nanlaki ang mata ko..ayaw nga pala ni daddy na malaman ni Philip ang tungkol sa pagiging doctor ko...................

"What mission............?"

"A-ano,tito..baka pwede na kami mauna..may honeymoon pa kasi kami............."Pag-iwas ko na mapag-usapan ang tungkol sa propesyon ko..teka..bakit nakangiti si tito?Ano ba ang nasabi ko?

"Mauuna na nga kami,Mr.Alferez at mukhang excited na sa honeymoon ang misis ko............"Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang sinabi ko..holy sh*t!

"I-I mean..........."Bawi ko sana...............

"It's okey,honey..lets go............"Pilit na ako hinila ni Philip palayo kina tito Levy at Marco..nilingon ko pa si Marco at nakita ko ang nakakuyom nitong kamao..............

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon