Chapter 26:A Happy Start To Forever

4K 57 23
                                    

Hazel's POV

Pakiramdam ko ay namamanhid ang buong katawan ko sa hindi malamang kadahilanan habang pati ang mga talukap ng mga mata ko ay namamaga na parang ang hirap imulat...................

Pinilit kong imulat ang mata ko hanggang sa maaninag ko ang puting kisame..ospital..yun agad ang rumihestrong lugar sa isip ko lalo nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ng mga anti-septic at IPA..nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko na natutulog si Kate sa kabilang kama sa kaliwa ko pero mukhang hindi naman ito pasyente..buti na lang nakaligtas din ito..agad hinanap ng mata ko ang isa pang kasama namin noon sa pier nang maalala ko ang insidenteng iyon..................

'Philip........?'

Natigilan ako nang matagpuan ko itong natutulog sa may gawing kanan ko habang nakauklo at..?..at...?Mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ko???B-bakit?????

Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak nito ngunit napakahigpit sadya ng hawak nito na para bang ayaw talaga nitong pakawalan iyon..pero mahimbing naman ang tulog nito..............

"Hey?Gising ka na?"Nakangiting bigkas ni Kate na naalimpungatan yata..tumayo agad ito at niyugyog ang asawa..............

"Philip,gising..tatawagin ko lang si Marco at Fil............."Pupungas-pungas naman na bumangon sa pagkakayuko si Philip.............

"G-gising ka na............?"Malawak ang ngiting tanong nito sakin nang agad namang lumabas ang kapatid ko.............

"Hindi..tulog ako..tulog........."I sarcastically told him...........

"Ikaw talaga kahit kailan..ang cute mo.........."Wika nito na pinisil pa ang ilong ko kaya pumiksi ako..nagulat ako sa ikinikilos niya pero mas nagulat ako nang siilin ako nito ng halik sa labi na para bang ang tagal nitong nangulila sakin..o dinadaya ako ng nararamdaman ko dahil ako ang talagang labis na nangungulila sa kanya...............

"I missed you so much,baby............"Wika nito nang putulin ang halik..nabigla ako pero hindi ko na lang pinahalata at hinayaan na lang..baka kung saan pa mapunta ang ginagawa nito at maabutan pa kami ng asawa nito...............

"Nagpunta ba dito ang anak ko at si Fil?"Biglang wika ko nang maalala na baka sobra nang nag-aalala ang anak ko pati ang kaibigan ko.................

"Kagigising mo lang si Fil agad hinahanap mo..andito ako,oh..ako ang nasa harap mo kaya huwag mong hanapin ang wala.............."Medyo tumaas ang timbre ng boses nito kaya nagulat ako..galit ito base sa pagdilim ng anyo nito..at n-nagseselos?Yun kasi ang nakikita ko sa mga mata nito...............

"Ano ba ang sinasabi mo diyan?Malamang nag-aalala sila nang sobra sakin.............."

"Mas nag-alala ako..asawa mo ko kaya mas nag-alala ako............."Nagimbal ako sa narinig..ano ba ang nangyayari..matagal ba akong nakatulog kaya panaginip lang ang lahat ng nangyari?O natutulog ako ngayon at nasa isang panaginip pa ako...............?

"Nasa panaginip ako,di ba?Natutulog pa ba ako kung saan?"Bigla ay naitanong ko.................

"Ano?"Marahas itong napatingin sakin........."Ilang araw ka na naming hinihintay magising tapos ikaw mas gusto mo pang isiping tulog ka pa din?"Pagkuwa'y wika nito............

Naputol lang ang pag-uusap namin nang pumasok na si Marco at Fil na parehong naka-doctor's robe kasunod si Kate...............

"Are you okay,babe?Wala na bang masakit sayo.............?"Agad na hinawakan ni Fil ang kamay ko at ikinulong sa dalawang palad nito saka ako mahigpit na niyakap..............

"Ehem..bitaw..ehem..sasabog na ang bulkan................"Hindi ko maintindihang wika ni Marco nang agad naman akong bitawan ni Fil..at napansin ko ang pagtatagis ng bagang ni Philip..................

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon