Philip's POV
"Mga pare..di ba pareho kayong doktor?Posible ba yung trauma dahil sa shocking experience?"Tanong ko kay Marco at Fil nang medyo dumistansya muna ako kay Kate.............
"Ano'ng trauma ba ang tinutukoy mo?"Takang-tanong naman ni Marco habang si Fil ay nakikinig lang...........
"Para kasing simula noong madukot si Hazel ay iba ang ikinikilos ni Kate............"
"Paanong iba.........?"Si Fil..........
"Alam niyo ba yung kagaya sa split personality na lumalabas kapag na-trauma..ngayon kasi lagi niyang sinasabi na siya si Hazel at hindi daw siya ang asawa ko..habang hindi pa stable ang lagay ni Hazel ay mas lumalala si Kate..sinasabi niya din na si Hazel ang asawa ko..naguguluhan na ako..............."
"Nakausap mo na ba nang maayos at matagal si Kate tungkol sa mga sinasabi niya?Hindi ba ay bumalik na naman ang alaala niya?"Wika naman ni Marco............
"Paano ko nga siya makakausap kung laging ganun ang iginigiit niya..na ibang tao siya.............."
"Hindi kami psychiatrist,dude..pero ang dapat mong gawin ay kausapin siya nang hindi siya kinokontra..makinig ka lang muna..pakinggan mo siya hanggang sa matapos siya magkwento..baka yun ang kailangan para mas maintindihan mo siya..kapag nakausap mo na siya ay saka na ako aamin ng kasalanan ko sayo,pare............"Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Marco..umalis ito pagkatapos tapikin ang balikat ko..sumunod naman dito si Fil.....................
Napansin ko na nag-iisang nakaupo si Kate sa waiting section ng mga pasyente.............
"Alam mo ba..madami ako gustong itanong sayo..madami kasi akong hindi maintindihan,eh..pwede ba na magkwento ka sakin..gusto ko na makilala ko pa kayo ng kakambal mo..............."Simula ko ng seryosong conversation kay Kate...................
"Alam mo ba na matanda ako ng thirty eight minutes sa kakambal ko?"Gusto kong magulat or mag-react pero gaya ng payo ni Marco ay makinig muna ako para mas maintindihan ko ito..................
"Bata pa kami..hindi na palaimik si Hazel..kahit na agawan ko siya ng kahit anong mga laruan kahit pa gustong-gusto niya iyon ay hindi siya umiimik..ganun siya kabait..ni hindi namin siya nakitang umiyak o nagalit..at naiinis ako sa kanya dahil dun..tapos sa kabila ng pag-spoiled sakin nila mom naiinis pa din ako sa kanya kasi..kasi ako laging nasa ospital..lagi akong may-sakit..lagi akong nakakulong sa bahay..samantalang siya ay malaya..malusog siya..hindi sakitin..nakakapaglaro sa labas ng bahay..nakakasama sa mga maids mamasyal sa park..samantalang ako?Lagi lang akong kung hindi sa ospital ay sa loob ng bahay lang..............."Puno ng hinanakit na kwento nito na pinapakinggan ko lang...............
"Then on our third birthday..nagalit ako kasi napakarami niyang bisita..kasama na yung mga batang nakilala niya sa neighborhood namin dahil sa madalas nga siya nakakalabas..samantalang ako clown lang ang lumalapit sakin..I ruined my cake that day and grabbed her cake..then I shouted:I hate my name..I hate my name..I want Hazel's name..I want Hazel's name..without even knowing na halos magkapareho naman kami ng pangalan..but right there and then pinagpalit kami ng palayaw para lang mapatahan ako..after that dumalang na ang pagkakasakit ko kaya inisip nila mom na baka nga dahil sa may negative energy sakin na ayaw sa palayaw ko..but our name remained which was written on our birth certificate..kinalakhan na namin ang pinagpalit naming palayaw sa takot nila mom na baka bumalik daw ang pagiging sakitin ko kapag yung tunay na palayaw namin ang ginamit namin..pero may mangilan-ngilan naman na may alam ng totoo at talagang tinatawag kami sa tunay naming palayaw..................."Doon na sana ako magre-react..kaso natanaw ko si Marco at sunod-sunod na umiling na para bang sinasabing makinig pa ako kaya hinayaan ko muna..................
BINABASA MO ANG
The Substitute
RomanceElaine Hazel Bermudez,a simple girl with a simple dream.A dream to marry a guy she loved and also loved her.Never in her imagination that she will marry a billionaire who loved her twin sister.The very day of her twin's wedding,her sister fled with...