Chapter 17:Confused

1.8K 30 0
                                    

Philip's POV

Hindi ko inaasahan na ang sama pala talaga ng ugali ng kapatid ni Kate na si Hazel..akala ko pa naman na ang babaeng minahal ko noong una ay babaeng napakabuti at ulirang anak at kapatid..tapos ganito niya kung ituring ang asawa ko..pinangko ko na lang si Kate at sumunod kami sa nauna nang pumasok na sina Hazel at Marco kasama ang anak ni Hazel...................

"Nagpa-check up ka na ba niyan,mom?"Habang pangko ko si Kate ay napabaling kami ng tingin sa tanong ni Hazel nang maabutan namin ito na kausap sila mommy Marga at daddy Mon na karga si Matthew habang papunta ng dining area.................

"Oo naman..huwag kang mag-alala................"Ngumiti lang si mom pero kapansin-pansin na tila hindi ito nakumbinse....................

"Still..after mag-dinner ay iche-check up kita............"Tila nagtaka si mommy Marga sa tinuran ni Hazel..nakakapagtaka ba yun,eh,di ba doctor naman talaga siya nang una kong makita sa ospital.....................

"A-ah..eh..nag-aral po ulit siya at nagpakadalubhasa sa medisina sa London..di ba,bestfriend.......?"Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Hazel at ang sinabi ni Marco na bestfriend..hindi ba si Kate ang bestfriend nito.........................

"Magbestfriend kayo?"Halata siguro ang pagkagulat sa tinig ko nang itanong ko yun kaya napabaling sakin ang tingin ni Hazel habang nakikinig lang si Kate na pangko ko pa din........................

"Ah..oo..k-kaming tatlo nila Kate.............."Bakit sabi noon ni daddy Mon ay si Kate ang bestfriend ni Marco..bakit ang gulo..hinayaan ko na nga lang..wala naman na akong pakialam dapat kay Hazel dahil mahal ko ang asawa kong si Kate..nagtuloy na lang ako sa table para kumain..iniayos ko muna ng upo si Kate bago ako umupo sa tabi nito at magsimula nang kumain.......................

"Hazel,tikman mo itong lobster..ang sarap ng laman..manamis-namis..ipagbabalat kita.............."Natigilan ako sa sinabi ni Marco nang maalala ko noon yung nangyari sa Cebu.....................

"Oh sige..ikaw,baby..gusto mo ipagbalat ka din ni mommy?"Nakangiting tanong ni Hazel sa anak..bakit ba ganito ang pakiramdam ko..parang gusto kong sipain si Marco sa ginagawang paglalambing kay Hazel...................

'Maghunos-dili ka,self..katabi mo lang ang kawawa mong asawa tapos nagtataksil ang utak mo................'

"Ikaw?Magbabalat?Wow..himala yun,ah..tamad ka kaya magbalat..masipag ka lang kumain..naalala mo nung sa C..ohhmm..hhmmmommmm..hhmmm..............."Halos hindi makapagsalita si Marco nang busalan ito ni Hazel ng isang buong lobster sa bibig..para bang sadyang may iniiwasang topic ang babae na parang muntik nang maungkat ni Marco kaya nito iyon ginawa....................

"Masarap,di ba..kain ka pa............"Hindi ko gusto ang ngiting ibinibigay ni Hazel kay Marco......................

"Grabe ka magmahal,Hazel..ang harsh mo..............."Kunwa'y nagtampong wika ni Marco..naiinis ako..at nagseselos.........?

"Hindi kayo dapat naghaharutan sa harap ng pagkain............"Walang emosyong wika ko..naiirita na ako sa kunwa'y paglalambingan nila......................

"Ano ka ba,Philip..hayaan mo na sila..nakakatuwa nga sila,eh..bagay kayo.............."Walang kamalay-malay si Kate na ginagatungan niya lang ang pagkainis ko..nabigla ako nang mabilaukan si Hazel sa sinabi ni Kate kaya unconciously ay naiabot ko dito ang baso ng tubig sa tabi ko at nagkasabay pa kami ni Marco..natahimik ang lahat at napatingin samin kaya patay-malisya na nilagok ko na lang ang inialok kong tubig at pagkatapos ay ininom ni Hazel ang ibinigay na tubig ni Marco..tahimik na naming ipinagpatuloy ang pagkain...................

Pagkatapos kumain ay iniwan na nila kami ni Kate sa mesa..nagi-guilty ako sa naramdaman ko kanina..gaano ba karupok ang puso ko para paulit-ulit na malito sa magkambal na ito..naulinigan ko na umuwi na si Marco at si Hazel naman ay tinupad ang sinabing iche-check up si mommy Marga.....................

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon