Kabanata 1
Hangin
"Nakita mo na ba to, ma'am?" Binalik ko ang resume sa loob ng expanded folder at tinuloy ang gagawin kong article.
"Hindi pa, Stacia. Ikaw na ang humusga. Ano, pwede ba?" Sinulyapan ko si Miss Emmalyn na halatang abala sa pag-aayos ng mga reg form.
"Paano ko mahuhusgahan e hindi ko alam ang hitsura?" Tawa ko, paano kung mukhang drug addict ang isang 'to?
"Tinext ko na yan! Tignan mo nga kung tama grammar ko.." Binitawan saglit ni Miss Emmalyn ang mga reg form at kinuha ang cellphone na ginagamit namin kung may pababalikin ba kaming aplikante.
Nilagay ko ang aking bilugang salamin. Hindi malabo ang mata ko pero kasi pag malapit sa akin ang binabasa ay nahihilo ako...
Hi Spade, this is Emmalyn Yumang of Feranithy University. I would like to invite you for an interview on Tuesday, August 12, 4:00PM at Feranithy University. Bring an updated copy of your resume. Please reply with your complete name as confirmation. Thank you.
Binaba ko ang cellphone para sana maumpisahan ko na ang sinusulat ko ng biglang tumunog ito. Agad kong binuksan 'yon at tinignan.
Mensahe:
Spade Acosta.
"Ayan ma'am, nagtext na po.." Binalik ko kay Miss Emmalyn ang cellphone.
''Naku, ang dami kong gagawin. Pwedeng ikaw na lang ang mag interview sa kanya, Stacia? Mamayang hapon pa naman, e. Madami kasing estudyante ang kumukuha ng card nila ngayon! Kung bakit ba naman kasi hindi kumuha nung distribution!"
Napangiti na lang ako dahil umiinit nanaman ang ulo niya. Totoo naman kasi, pero siguro marami lang rason ang mga bata kaya hindi nakuha ang kanilang card. Ako nga dati ay hindi rin kailanman nakuha ang grado ko na kasama ang aking mga magulang.
Inalis ko agad 'yon sa aking isipan.
Pumayag ako sa gusto ni Miss Emmalyn, mabilis ko namang matatapos ang article dahil ganado ako ngayon. Mukhang effective ang kape na ininom ko ha? Hindi ako nasasabaw sa pagsusulat!
I stretched my arms after I finished my last article for this day. Si Niño na lang ang mag proof read nito dahil yun naman ang trabaho niya.
"Kakain na akoooo." Pakanta kong sinabi sa kanila.
Hobby ko na inggitin ang mga tao dito kung mas mauuna akong matapos sa ginagawa.
"Bilhan mo nga ako ng turon, Stacia.." Ani Yohan at humugot ng pera sa bulsa bago binigay sa akin.
"Akin sukli?" Pagbibiro ko.
Bigla niya akong sinimangutan. "Yung sweldo ko nga, pambayad lang ng utang, e.."
"Oo na, oo na! 'To naman hindi mabiro.."
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang mainit na singaw ng hangin. Kaya mas gusto ko kumain sa loob, e. Malamig.
Kapag talaga nag bre-break ako ay hindi ako nakakatagal sa labas. Ang init. Depende na lang siguro kapag December at sobra sobra na ang lamig sa hangin.
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomantikBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...