Kabanata 10

3.4K 115 7
                                    

Kabanata 10

Wallpaper

Napahawak ako sa tukador dahil bigla akong nakaramdam nang hilo. The cut is very near to my pulse that's why I loss big amount of blood last night. Hindi ko rin alam kung bakit napalalim iyon.

Tinawagan ko si Aira para hindi na sumagi sa isipan ko si Spade. This isn't the first time I got attracted by someone. It will be over soon, magiging sila ng teacher na 'yon at makakamove-on ako kahit hindi naman naging kami.

Pinasa ko na rin kay sir F ang article kagabi, Spade was the one who emailed me. Tinawagan ako ni Yohan at sabi niya si Spade na lang daw ang magbibigay sa akin, pagkatapos nun, wala na. He didn't text me nor ask about what happened that day, basta niya na lang sinend sa email ko ang mga pictures.

"Ah, shit!" Dahan dahan kong inalis ang bandaid sa aking pulso, hindi na ako nagulat nang mapuno iyon ng dugo. There are still fresh blood on it.

I bit my lowerlip. You really almost killed yourself last night, Alistacia. Ysadelle would be very happy! I sarcastically said to myself. Ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sa kanya.

Isang manipis na black cardigan ang ipinatong ko sa katawan upang matakpan ang ginawa kong kagagahan kagabi. Usually kasi makakapal ang sinusuot kong jacket pero ngayon ay hindi, dahil nga matindi ang sakit ng sugat ko ngayon.

Dala ang isang fudgee bar ay lumabas na ako para pumasok sa trabaho.

"Stacia, goodmorning!" Si Miss Emmalyn ang unang bumati sa akin, dala dala ang binili niyang Pares sa baba. "Maaga uwian natin ngayon, may meeting lang tayong mga taga faculty ng newspaper. Isasama tayo sa retreat ng mga highschool."

Agad na lumukot ang mukha ko. "Ma'am, hindi naman ako nasama don."

It's childish for me. Wala kasing pinagkaiba ang retreat ng mga elementary sa highschool, at the end of it, the teachers are gonna distribute letters from their parents and as the students are reading it they will play a sad song then tada! Everything will be emotional. Cries and lots of 'sorrys' are gonna fill that church.

Dagdag mo pa ang unexpected ligawan ng mga bata, pati na rin ang pagnakaw ng mga hinandang milo ng mga staffs doon.

"Hmm.." Malungkot akong tinignan ng matanda, "Stacia, ka close mo yung mga fourth year ngayon. Kinausap na nga ako ni Will. Sabi niya, pilitin ko raw na isama ka."

Sabay kaming pumasok sa loob. Nandun na rin sina Yohan, wala si Niño ngayon dahil may sakit. Yun sabi niya sa groupchat namin.

"Tignan ko ma'am." Sabi ko at pumunta na sa pwesto para magpahinga.

Hihintayin na lang namin yung meeting, early dismissal daw, e.

Saglit akong napapikit dahil nakaramdam nanaman ako ng hindi inaasahang hilo. Okay Stacia, no more cuts for you tonight!

Pero kung mamamatay man ako ngayon dahil sa pagka ubos ng dugo, baka magkita na kami ni Ysadelle. At pag nagkita kami, samu't-saring mura ang maririnig ko sa kanya. Baka imbes na nasa langit na siya, bigla kaming ibaba sa impyerno. I winced at that thought. Gago Ysadelle, sorry.

"Ang putla mo ngayon, ha?" Kumuha si Yohan ng isang silya at tumabi sa akin.

"Puyat lang."

"Anemic?"

"Baka."

Tunango lang siya tapos lumapit ulit sa akin. Umayos na ako ng upo kasi parang may sasabihin siya.

"Nag-usap kami ni Spade kahapon."

Oo nga pala, I asked him to get the pictures. Siguro sasabihin niya na hindi niya nakuha kay Spade. Tamad lang akong nakinig kay Yohan.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon