Kabanata 12

3.2K 125 16
                                    

Kabanata 12

Shoot

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Spade. He's going to call so I won't harm myself? Feeling niya ba siya ang nakakapagpapigil sa akin?

Pero tila tuso yata nga talaga ang lalaking 'yon. I was just sitting on my bed thinking what I did earlier. Pinapasok ko siya sa pamamahay ko! Malamang ayos lang iyon dahil basang-basa siya... pero paano nga ba ako nakasigurado na hindi niya ako gagawan ng masama?

Maybe I need to disagree with Aira. Spade's not a bad person. If he wants to do something then he should have grab the chance when I was inside the comfort room. Pero wala siyang ginawa, natagpuan ko lang siyang namumungay ang mata sa antok at nakapangalumbaba.

I almost jumped when my phong rang, dalawang beses tumunog 'yon bago ko sinagot.

"Hello?" Sumandal ako sa headboard ng kama habang hinahawakan ang labi.

"You're still awake.. talagang hinihintay mo ang tawag ko, huh."

I can almost hear him laugh. Aba! Akala ba ng lalaking 'to ay siya ang dahilan kung bakit hindi pa ako natutulog?!

"Hoy Spade, ikaw ang matulog na. Kakauwi mo pa lang nang-aasar ka na.."

"Hindi pa ako nakakauwi.." He said in a low voice.

Agad akong napatingin sa wall clock ko, thirty minutes pa lang simula nung umalis siya.

"Nagdadrive ka?"

"Oo."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa labi ko, why the hell this man loves to call when driving?

"Papatayin ko na 'to.."

"What? Bakit?" He teased me.

Umirap ako sa kawalan. "You're driving! Pwede ka namang tumawag kapag nakauwi ka na. Bakit ba hindi ka makapaghintay?"

"Pwede akong tumawag mamaya?" Tanong niya na para bang ayan lang yung importanteng sinabi ko.

"Papatayin ko na 'to, Spade! You're driving!"

"I can drive while talking to you, Stacia. Hindi ako maaaksidente.." Biglang lumambing ang boses niya.

"No. I will end this call and you should focus on the road! Text me when you're home. Okay?"

"Stacia--"

Hindi ko na hinayaan na makapagsalita pa siya dahil ako na talaga ang tumapos ng tawag. Simula nung nalaman ko ang pagkamatay ni Ysadelle, may nabubuong teorya sa isip ko. Maybe she was talking to someone and didn't notice the vehicle on her way kaya siya naaksidente. Sayang lang kasi sirang-sira na raw ang phone niya nung makita sa kanyang kotse.

Kinuha ko na lang yung blade sa ilalim ng kama ko. Pinagmasdan ko 'yon at awtomatiko nanaman ang boses na naririnig ko. It is like, the blade is the trigger for the voices to kill me.

"Ayoko." I muttered to myself and hid it again, somewhere.

Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games. Gabing-gabi na at may pasok pa ako bukas pero hindi ko alam kung bakit hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Maybe because I am waiting for something?  O hindi kaya nagpapaantok lang talaga ako at hindi makatulog.

Biglang lumabas ang numero ni Spade sa phone ko. Dinelete ko na pala siya sa contacts ko pero alam na alam ko na siya itong nag text sa akin.

Unknown Number:

Nakauwi na.

Napanguso ako. Hindi alam kung anong gagawin. Should I text back? Or not?

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon