Kabanata 34
Leave
"S-Spade..."
Nilingon ako ni Spade at nagmadaling pumunta sa akin para matignan kung ayos lang ba ako. I am not okay! Hindi ko alam ang rason kung bakit nangyayari sa akin 'to.
"Check if something's missing okay? Tatawagan ko lang si Sage." Aniya.
Tumango ako. Right! This might be just robbery! Mas ipagpapasalamat ko nga kung pagnanakaw lang ito at hindi kung ano.
Si Spade ay nasa harap at kausap na si Sage. Hindi ko rin alam kung bakit si Sage ang kinausap niya at hindi mga pulis? Tinignan ko agad ang pinaka wallet ko. Binuksan ko 'to at agad sinuri kung may nawala ba.
Wala naman.
I looked again. Everything's here. Parang ginulo lang ang paligid!
My eyes caught something. Pinilig ko ang ulo ko at nilapitan ang maliit kong tukador.
Wala ang picture frame?
Hinanap ko ang litrato sa buong kwarto. Shit! Nasaan yun?
"What's wrong?" I heard Spade outside.
"Y-Yung picture frame.. Yung kaming tatlo, n-nawawala?" Nag-aalala akong tumingin sa kanya.
Umigiting ang panga ni Spade. "Ano pa?"
"Wala na..."
Tumango ito at biglang lumalim ang iniisip. Kinabahan ako sa pagkaseryoso ni Spade. Anong iniisip niya? May alam ba siya sa pwedeng gumawa nito?
I remembered something.
"S-Sabi ni Yohan.. may ginawa raw siya pero hindi ko alam kung ano yun."
Spade's eyes landed on mine. Nakuha ko ang atensyon niya. I continued.
"Hawak daw nila ang anak niya.. hindi ko alam ang tinutukoy niya. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa lalaking nakita ko sa sementeryo! Kamukha niya yung taong pumatay kina mama!"
"What?" Spade's voice echoed.
"Nung una akala ko hindi siya yun, akala ko yung step dad ko pero--"
"Wait. Sinasabi mo bang pinaghinalaan mo na ang taong 'yon at hindi mo man lang sinabi sa akin?" Galit na tono ni Spade.
I shook my head. "Sinabi ko!"
"You told me that it was your step dad. Hindi mo sinabi sa akin na baka iyong killer 'yon.." Kalmante ngunit nakita ko na ang umaapoy na mata ni Spade sa akin.
"Naisip ko lang! Kasi sinabi ni Yohan--"
"At ngayon mo lang din sinabi." Malamig na sinabi ni Spade.
Hindi ako nakasalita. Hindi ko naman kasi alam! Spade dialled a number again, napaupo ako sa kama habang tinitignan siyang may kausap sa telepono. I waited for him like a kitten waiting for her master.
Sa totoo lang, ilang beses ko nang nakita ang pagiging iritado ni Spade sa ibang bagay pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito ka galit. He's like he's going to punch someone! Naiintindihan kong may parte na kasalanan ko pero.. hindi ko nga alam, diba?
Natapos na si Spade sa tawag at bumaling na rin siya sa akin. I can see that he's still mad at me. Tahimik lang akong nakaupo at hinihintay ang sermon niya.
"Pack your things." Ani Spade.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"
"Sa bahay ka muna."
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...