Kabanata 26

2.8K 122 10
                                    

Kabanata 26

Leave

Iniwan ko siya doon. Hindi rin naman ako hinabol ni Spade at ipinagpasalamatan ko 'yon. Kinabukasan, nakatanggap ako ng iilang tawag at text sa kanya. Sinabi kong huwag niya na ako guluhin at huwag siyang pupunta ng bahay. Buti na lang nirerespeto 'yon ni Spade.

I don't have time to talk. Para sa akin kasi, wala na kaming dapat pag-usapan. Malinaw na sa akin lahat. Kahit pa na wala na sila ni Ysadelle noong naging kami, naging boyfriend pa rin siya ng bestfriend ko. And it feels very weird.

Sinusubukan kong kalimutan ang pagtatraydor nila sa kin. I've had enough baggage, hindi ko na kayang dagdagan pa iyon.

Bumili ako ng isang bulaklak. Nandito ako ngayon nakatayo sa harap niya. I don't know what to feel. Basta noong nawala kami ni Spade at nalaman ko ang totoo lagi ko na siyang pinupuntahan dito.

"Isa lang yung nadala ko. Wala na kong pera." Sabi ko at nilapag ang bulaklak.

Umupo ako sa mga damo at tipid na ngumiti sa kanya. Even she was somehow involved to this, hindi ko pa rin magawang magalit ng husto.

Oo, galit ako. Pero sa ibang rason.

"Nag-uusap ba kayo ni mama diyan?" I asked her as if she will answer me. "Ano kaya ang sinasabi niya sa akin?"

Bumuntong hininga ako at tinanggal ang itim kong cardigan. Napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ang sariwang sugat.

Yup. I did it. Again.

"Sorry.." bulong ko, "Sabi nila gawin ko raw."

Hindi gaanong malalim ang mga hiwa. Agad din kasi akong humihinto lalo na kapag nakakaramdam ng sakit. Hindi tulad noon, tuloy-tuloy.

Pumangalumbaba ako  habang nakatungkod ang siko sa aking tuhod. Pinagmasdan ko ang pangalan ng matalik na kaibigan.

No matter how I tried to forget about the pain, I will always remember it. Kahit gaano pa siguro katagal, maaalala ko pa rin.

"Ang lungkot pala mag New Year na mag isa no?" Simula ko, "Dati, kasama ko kayo noon ni Aira. Mas pinili niyo pa nga na magkakasama tayong tatlo, diba?"

Hinawi ko ang dahong nalaglag mula sa puno na dumapo sa kanyang puntod. "Tapos ang kaya ko lang paputukin ay pop pop."

Natawa ako sa sarili. Naalala ko kung gaano nila ako inaasar na dalawa. "Pero okay lang! Nakabawi ako, diba? Inubusan ko kayo ng Salad!"

But it went bad. Sumakit ng husto ang tiyan ko noon at halos tumira na sa CR. Sobrang sugapa ko kasi sa Salad kaya nangyari 'yon. Ang mga baliw na kaibigan ko, imbes na maawa. Pinagtawanan muna ako.

"Si Aira umuwi kasi hinanap. Ikaw hinanap ka rin pero bakit hindi ka umuwi?" I asked out of nowhere, napangisi ako. "Siguro para asarin ako lalo no?"

Inasar nga niya ako noong araw na 'yon pero matapos niya akong tawanan, hindi niya ako iniwan. Pinagalitan pa ako. Akala mo nanay ko, e.

Tumikhim ako at umayos ng upo. I am now hugging my knees while my face looking down at her.

"Noon pa man, ako lang talaga ang iniisip mo." Mahina kong sinabi. "Sa lahat ng mga ginawa mo, hindi ko alam kung bakit ito yung hindi ko gusto."

Pumikit ako ng mariin. If only I could just hug her.

"Bakit kailangan mo mangialam, Ysadelle?" I whispered. "Ikaw 'tong may sakit. Bakit ako yung iniisip mo? Wala akong kwenta. Wala ng kwenta buhay ko. Bakit ako yung inintindi mo?"

Minsan napapatanong ako sa kanya. Kasama ba sa plano na mahulog ako kay Spade? Iyon ba ang gusto niya? O gusto niya lang na maalagaan ako ni Spade? Bakit niya naman ako binilin? Talaga bang nawawalan na siya ng pag-asa noon?

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon