Kabanata 25

2.9K 140 19
                                    

Kabanata 25

Beast Inside

I've experienced several betrayals in my life. Kaya ganoon na rin ako na mapili sa kaibigan. Kahit noong nasa kolehiyo, hindi ko nilalapit masyado ang sarili sa ibang tao. Basta hindi sina Ysadelle at Aira, ayoko.

Wala akong maalala na pinagtaksilan nila akong dalawa. Wala akong maalala na naglihim kami sa isa't-isa. Wala akong maalala na niloko nila ako.

Pero siguro nga tama sila, kahit gaano mo na katagal kakilala, hindi mo pa rin malalaman ang totoo.

Mugto ang mga mata ko habang pilit na pinipiga sa akin ni Tita Flor ang dahilan ng pag-iyak ko. Hindi ko sinasabi. I don't want her to think that Spade cheated on Ysadelle. Kahit pa umabot ng sukdulan ang galit ko, ayokong masira ang imahe niya kay Tita.

"Alistacia, jusko. Anong nangyayari sayo?" Natatarantang tanong ni Tita, "P-Pasensya ka na. Ang sabi ko nga kay Ysadelle sabihin na sayo pero ayaw niya."

Tumango ako at pilit ginagawang maayos ang sarili. Alam ko ang dahilan. May usapan kasi kami na sabay na magnonobyo, siguro alam niyang hindi pa ako handa dahil sa mga nangyari sa akin at ayaw niyang mapressure ako kaya hindi niya sinabi.

"Ayos l-lang po." I tried to wipe my tears, basang-basa na ang mukha ko. "N-Nagulat lang po."

"Sigurado ka ba, anak?" Aniya habang patuloy akong niyayakap at hinahaplos ang buhok.

I bit my lowerlip to stop myself from crying. Lalo kasi akong naiiyak kapag inaalu, hindi ko alam kung bakit.

Kumalas ako kay Tita. I gave her my most genuine smile. My genuine fake smile. To assure her that everything's okay.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Bigla ka na lang humagulgol. Baka kako naalala mo yung.." She's a bit hesitant with her words. "Kay George.."

Umiling ako. "Hindi p-po.. Uh.. N-Nabigla lang po at naalala si Ysadelle."

Tumango si Tita. "Kain ka na muna?"

"Sa baba na lang po."

Ngumiti sa akin si Tita bago rin binaba ang tray na dala niya, muli kong pinahid ang mga natuyo na luha at inayos ang mga gamit ni Ysadelle. Nagtagal ang tingin ko sa photo album nila.

If I'm just a random girl, I'd look again because I know it will hurt me more. Pero hindi, I am no masochist with this. Sobra na kasi. Sobra sobra na.

Inayos ko 'yon at binalik sa dati. I tried to get up with my weak knees. Hindi rin ata kinaya ang mga nalaman ko ngayon.

I am disappointed. Kay Spade. Kay Ysadelle. Kay Aira.

Hindi nila sinabi sa akin.

Pinakilala ko na si Spade kay Aira pero wala siyang sinabi. She just asked me questions about him! Pinagmukha niya akong tanga.

And to Spade, alam niyang bestfriend ko si Ysadelle. Pinakita ko sa kanya ang picture namin pero bakit hindi niya sinabi? Iyon ang oras na nalaman niyang kaibigan ko si Ysadelle pero bakit wala siyang sinabi?

O baka wala siyang sinabi dahil una pa lang alam na niya ang koneksyon ko kay Ysa?

Tuliro ako habang bumababa. Pilitin ko man huwag isipin 'yon, hindi ko magawa. Spade lied to me, or he just used me to have a justice to his girlfriend's death. Imposibleng makahanap siya ng iba gayong buwan pa lang naman ang kamatayan ni Ysa.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon