Kabanata 9

3.3K 111 12
                                    

Kabanata 9

Infatuation

Isang linggo ko nang iniiwasan si Spade sa school, tapos na ang sportsfest kaya tapos na rin ang trabaho niya bilang photographer dito. Pagkagising ko nung umaga matinding sakit agad ng ulo ang sumalubong sa akin. Why did I drink too much?! Kung nandito lang si Ysadelle, pinagalitan na niya ako ng husto. I already told Aira what happened to me that night because I didn't answer all her calls and messages. Nakakahiya kasi nag-alala pa siya sa akin.

I remember everything. I really do and it makes me want to forget all of it! Yes I was drunk but I was aware of what I'm saying that night. Lahat ng iyon ay gusto ko talagang sabihin, pero ayoko! Mas gugustuhin kong itago na lang sana iyon but the alcohol kicked in. Fuck it!

Spade messaged me multiple times that night asking if I am okay. Gusto ko biglang magpalit ng simcard!

Simula nung mangyari 'yon, hindi ko alam pero bigla ko na lang inalam ang tungkol sa kanya at sa pamilya nila. He has three siblings and two cousins, masyadong limitado ang mga articles na meron sila, those articles are all recent, hindi ko alam parang may kakaiba.

Spade denied that he's a rebel. Ang sabi niya totoo ngang may kumidnap doon sa babae pero hindi raw sya 'yon, and the girl married her kidnapper! Uso pa pala ang Stockholm syndrome sa panahon na ito? I can't imagine myself falling for my kidnapper!

Spade Acosta, co-owner of Ú-Acostaliana. 193cm. At yun lang! There's nothing more. Masyado naman siyang mahiwaga. I scrolled for more info that night, pati mga pinsan at kapatid niya ay tinignan ko na pero wala silang mga mukha dito. All I can see are their names, businesses and height. Are these manipulated already? Bakit ganon?

"Pinapatawag ka ni principal, Stacia." Sabi sa akin ni Yohan.

Tumango ako at mukhang alam ko na yung rason, It's been a week and my MS Word is still empty. I don't have anything to write because it needs to be related to Spade's captured photos.

At wala pa siyang sinesend sa e-mail ko.

"Tinetext ko si Spade, hindi naman sumasagot." Iiling iling na sabi ni Yohan sa akin.

"Baka walang load." Wala sa sarili kong sinabi.

"Baka may hinihintay na mag text." Aniya kaya napalingon tuloy ako sa nakangiti niyang mukha.

"Ah si Laurence?"

Malakas na bumuntong hininga si Yohan bago ako tinignan. "Ikaw, napaka mo. Bakit ba pilit ka ng pilit sa teacher na 'yon e mukhang di naman talaga gusto ni Spade."

"Pano mo nasabi?"

Napakamot pa siya sa tainga. Para bang nakukulitan na sa akin kahit nagtatanong lang naman ako. "Edi sana si Laurence ang inihatid niya nung oras na 'yon at hindi ikaw?"

"I was wasted that time." Kasi totoo naman, Spade was just worried about me. Laurence was still okay kaya siguro ako ang naisipan na ihatid ni Spade.

He's a typical gentleman.

"Hay naku, bahala ka. Mas makulit ka pa sa anak ko. Kausapin mo na nga si Principal!"

I made a face and he just laughed. Pumunta na ako sa hallway at nakasalubong ko agad si sir F.

"Oh? Miss Hermosa!" Parang nagulat pa siya nang makita ako.

"Pinapatawag niyo raw ako, sir."

Umubo saglit ang principal bago ako iginaya papasok. Napayakap agad ako sa sarili nang bumalot sa akin ang lamig na nagmumula sa aircon.

May aircon din naman sa faculty pero hindi ganito kalamig, malamang kasi marami kami roon tapos si principal lang ang nandito. Kung ako siguro siya, tutulugan ko lang mga gawain ko.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon