"Stacia, tara na..." Mariing wika ng kaibigan kong si Aira habang haplos ang aking balikat.
It's funny alright? The way the weather keeps on crying right now. Nakikisama sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko matandaan kung kailan ako hindi umiyak, simula nung nalaman ko ang balita sa aking matalik na kaibigan ay pakiramdam ko katapusan na ng mundo.
She is my bestfriend. My sister. Tapos ay mawawala lang siya ng isang iglap? Bakit? Bakit siya pa?
Minsan nagtatanong ako. Pala-isipan kasi sa akin ang ibang bagay. There are many evil people out there yet those who are good people were the one that are vanishing.
"Mauna ka na..." my voice broke.
"Hindi, Stacia... Tara na, baka magka sakit ka pa niyan.. "
Ako, si Aira at si Ysadelle. We're the best of friends! Nagkakilala noong elementary. Dinala ng panahon hanggang sa mag high school, nananatiling matibay noong college at... tanging kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa amin.
Ang daya mo Ysadelle. Sabi mo, magkaka-anak pa tayo.. sabi mo, ipagkakanulo pa natin ang mga anak natin para sila ang magkatuluyan..
Sabi mo..
Hindi mo kami iiwan.
Hinaplos ko ang marmol na siyang nagtatago sa katawan ng aking kaibigan.. Kasabay nang malakas na ulan ay ang pag patak ng luha kong hindi na ata kailanman mawawala..
You're so cruel, Ysadelle! Paano na ako? Sino na ang makikinig sa mga hinaing ko?
"Stacia..." Muling banggit ni Aira sa pangalan ko.
"Mabuti na ang magka sakit ako. Susunod na ako kay Ysa.." Wala sa sarili kong sabi at pumikit ng mariin.
"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
I smiled at Aira's comforting words to me. Alam niya kasi ang pinagdadaanan ko, I'm suffering from depression. Hindi ko maintindihan minsan ang sarili. Friends can make me smile but at the end of the day the demons inside me are still winning.
Wala kang kwenta.
Wala kang silbi.
Ikaw ang dahilan.
Kung bakit sila namatay.
Iyan ang pumapalibot sa loob ng ulo ko, tatlong taon na ang nakakaraan.. Ako daw ang dahilan sabi nila, ako na lang daw sana ang namatay..
"Mapapagod ka sa akin, Aira.." Mahina kong sinabi.
Hinaplos ni Aira ang aking buhok, "You don't have to think about that. Nandito lang ako. Alam ni Ysa na nandito lang ako para sayo."
Iyon lang ang huli kong naalala pagkatapos ng gabing 'yon. Dalawang linggo pagkatapos ng libing ni Ysadelle ay nilayo ako ni Aira sa kung ano man ang negatibong pwede kong maisip.
Nakokonsensiya nga ako minsan dahil hindi na nakakapasok si Aira sa trabaho niya para bantayan lang ako.
Tinignan ko ang aking palapulsuhan, napangiti ako. Tinago ko na agad 'yon gamit ang aking long sleeves.
Tamad kong hinahalo ang tinimplang kape at kumuha ng pandesal na naluma na dahil sa hangin.
Isa akong writer ng isang school newspaper. Kahit na graduate na ako sa school ko na 'yon ay doon pa rin ako nagtrabaho. Bukod sa malapit lang kasi sa inuupahan ko ay wala na akong ibang iintindihin. Madali lang ang trabaho ko dahil ineenjoy ko naman ang pagsusulat.
Kailan kaya ulit bibisita dito si Aira? Sana ay hindi na ngayong linggo. Kaya ko na ang sarili ko at alam ko naman na maraming pinagkaka-abalahan ang babaeng 'yon.
Tinago ko ang blade sa ibabaw ng aking cabinet. Aira will throw this one for sure. Nauubos na ang pera ko kakabili ng blade!
I'm emotionally unstable. Lahat ng mga nangyayari sa akin ay may kinalaman sa nakaraan ko na ayaw kong maalala kahit kailan.
Hindi ko na naubos pa ang kakainin dahil gusto ko ng pumasok.
Pinaka ayoko talaga ay nag-iisa ako. Ayokong wala akong ginagawa. Marami akong naririnig na boses at sinasabihang saktan ko daw ang sarili ko. Mga boses na pilit pinapaalala ang nakaraan ko.
Ngayong wala na si Ysadelle, hindi ko na alam kung paano ko pa malalabanan ang mga boses na 'yon.
She was diagnosed with Stage 4 cancer. Pero hindi 'yon ang kinamatay niya. Ang sabi daw ay nagpakamatay ang kaibigan ko. Alam kong hindi niya magagawa yon, hindi niya ako iiwan ng ganun na lang.
Lulan ng kanyang sasakyan ay natagpuan si Ysadelle na duguan dahil din sa matinding pagkakabangga niya sa poste. They said that she wanted to end her life to stop the suffering. Hindi ko alam kung maniniwala ako.
Sa tuwing pumupunta siya dito ay lagi lang siyang nakangiti at pinapasaya ako.
O talagang ginagawa niya lang 'yon para hindi ko intindihin ang sakit niya dahil kapakanan ko pa rin ang iniisip ni Ysadelle.
"Magandang umaga Stacia!" Bati ng guard na si Ate Cindy.
Tumango ako at swinipe ang aking ID. Rumehistro sa monitor nila ang aking mukha at oras ng pagpasok ko.
"Goodmorning din po!" Masaya kong balik sa kanya.
Excited na akong maupo sa trono ko at magtype ng mga kwentong barbero sa aming school. Sinong nagsabi na maayos na nagawa ang talakasan? Eh ang gulo nga? Tapos ang gusto pa ni sir F ay ilagay ko daw na lahat ng mga estudyante dito sa Feranithy ay nakipag participate sa ginawang parade para sa opening ng talakasan.
Madali lang namang gumawa ng kwento. Tinignan ko ang facebook ko pagkatapos ng talakasan. Maraming mga litrato ng estudyante doon.
Iyon na lang ang gagawin kong reference.
"Stacia, nasa computer mo na yung mga kinuhanan ni Alarzar ha? Ikaw na ang bahala don.." Ani Miss Emmalyn, ang head ng newspaper ng school na ito.
Inikot ko ang aking upuan para makita siyang abala sa mga reg form ng mga studyante.
"Nag resign na si Alarzar diba, ma'am?" Tanong ko sa kanya. Sino na ang magiging official photographer ng school?
Napapalakpak si Miss Emmalyn at may kinuha sa ilalim ng desk niya. "Oo nga pala, tignan mo nga ito. Bagong aplikante natin.."
May bago agad na nag-apply?
Binigay sa akin ni Miss Emma ang isang brown envelope. Sa loob nun ay isang red expanded folder at mga requirements na kailangan ng school para matanggap ka dito.
Kinuha ko ang resume ng aplikante, wala siyang litrato dito ha?
"Sa dinami-dami ng pwedeng kalimutan yung 2x2 pa talaga.." I said to myself.
Sino naman kaya ito?
Spade Acosta?
![](https://img.wattpad.com/cover/175960198-288-k859001.jpg)
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...