Kabanata 40 (Thank you so much for staying with Stacia and Spade. I did not proof read this. Rest assured that there will be changes in every mistyped words.)
New
I cannot imagine my life without pain and struggles. Pakiramdam ko, hindi ako matututo. Pakiramdam ko, mananatili ako sa isang pahina ng buhay ko at hindi na ulit magpapatuloy.
I've experienced terrible things in my life that sometimes I think that I am unworthy. Deserved ko ba makaramdam ng tamang pagmamahal sa mga tao kung unti-unti kong pinapatay ang sarili ko?
Only few stayed with me. Naiintindihan ko. Sino nga ba ang gustong magmahal sa katulad ko? Pero kahit na konti lang ang nanatili, malaki naman ang pagmamahal na binigay nila sa akin.
I placed the bouquet that I bought earlier to the small and fresh grass. Ngumiti ako.
"Masaya ba diyan?" I asked. Umihip ang hangin at dinala ang aking buhok.
I closed my eyes and focused on the wind that hugged my skin. Muli akong napangiti. Nang minulat ko ang aking mata, naluluha na ito.
"Sana masaya kayo diyan.." I paused a little, "..mama."
Magkatabi sila ni Cleo. Ngayon lang ako nakadalaw dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Siguro dahil ngayon ko lang pinakawalan yung guilt na dinala ko sa loob ng ilang taon.
"Miss na miss ko na kayo. Ayan yung bulaklak na gusto mo, Ma. Pasensya na ngayon lang ako nakapunta, ha?"
Napaupo ako saglit at tinabi sa akin ang dalawa pang mga bulaklak. Tinignan ko 'yon at naisipang magkwento.
"Para sa mga kaibigan ko 'to." My voice cracked. I swallowed hard.
Ito rin ang unang beses sa loob ng limang buwan. Ito ang unang beses na dadalawin ko sila.
"Ang daya naman. Iniwan niyo kong lahat." I chuckled, pinipigilan na huwag umiyak. "Hintayin niyo ako diyan, ha?"
After a few minutes I decided to stand up. Dadalaw na lang ulit ako dito, ma. Hindi ko na ulit kayo kakalimutan. Marami pa akong ikukwento sayo. Marami ka pang malalaman. Sana hindi pa nakwento ni Ysadelle lahat ng kalokohan ko.
At sana hindi madagdagan iyon ni Aira.
Matapos ang nangyari, mabilis na dinala si Aira sa hospital pero maraming dugo ang nawala sa kanya kaya binawian ito ng buhay.
Hindi ako makausap non. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para harapin na wala ng natira sa akin. Wala na yung dalwang bestfriend ko. Ako na lang mag-isa.
Aira's parents decided to put her beside Ysadelle. Pumayag naman si Tita roon. Sabi ko nga, bibilhin ko ang bakante para sa pagdaan ng panahon, doon na rin ako.
Tutal pare-pareha din naman na doon ang tungo namin. Nauna lang sila.
They are in the same cemetery, sadyang mas malayo lang itong kina Mama at natatakot akong bisitahin siya dahil baka hindi ko makayanan. Pero ngayon, naharap ko na siya. Gumaan na ang pakiramdam ko.
Dalawang tawid ang ginawa ko bago makarating sa puntod ng dalawa kong kaibigan. Malayo pa lang, pinipiga na ang puso ko.
"Oh ano, musta?" Bungad ko nang makalapit. Nilabas ko agad ang nabili kong dalawang kandila sa labas at sinindihan 'yon. "Grabe ang gastos! Dati si Ysadelle lang, ha? Aira kasi maduga!"
I placed their favorite flowers. Inayos ko 'yon at naupo sa gitna.
"Nadalaw ko na si Mama. Sabi niya, bakit daw ako natagalan. Hindi mo ba sinabi sa kanya Ysa?" I asked her. Hoping that she will answer.
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...