Kabanata 2

6K 198 10
                                    

Kabanata 2

Worship

Gising na gising ang diwa ko habang nakatingin sa kisame. It's almost four in the morning and I'm still wide awake. Tinignan ko ang kamay ko at nakita ko doon ang iilang mga sugat na ginawa ko kanina.

Masasaktan ako kung irerekta long sleeves ko 'to. Lalagyan ko na lang ng band aid mamaya.

Tumawag sa akin si Aira kanina, nahimigan ko agad ang pag-aalala sa boses niya.

"Hello? Stacia? Ano? Okay ka lang? Pupuntahan ba kita? Bakit ka napatawag?" Kusang tumulo ang luha ko sa boses ng kaibigan.

Kung siguro malapit lang si Aira dito, hihilingin kong lagi niya akong bisitahin but it would be very selfish, hindi lang naman ako ang dapat asikasuhin at alalayan ng tao.

"Stacia? What happened to you? I'm fucking worried here! Nasa Palawan ako dahil may pinaasikaso sa akin si Daddy, ano ang nangyayari sayo? Okay ka lang ba? Do I need to book a flight?!"

Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa pag-aalala ng boses niya. She's just like Ysadelle. Ewan ko ba kung bakit hindi kami gaanong malapit ni Aira noon, siguro kasi si Ysadelle ang lagi kong kasama at laging missing in action si Aira sa mga gala namin dahil sa sobrang pagka strikto ng magulang.

"Oh my God, Alistacia Hermosa!" I can sense her frustration over the phone.

"Namiss lang kita, Aira. Huwag ka ngang OA.." Sinilip ko ang mga maninipis na hiwa sa aking balat, it caused too much blood. Mamaya ay pupunasan ko na lang ito.

"OA?" Sigaw niya sa kabilang linya kaya nalayo ko ang phone ko, "You're not answering Stacia! Nag-alala ako! Akala ko nilaslas mo nanaman ang utak mo!"

"Ulol." Tawag ko sa kanya, "Alam mo bang may nag-apply sa amin bilang photographer? Kaso may saltik."

"Photographer?"

"Oo, wala na kasi si Alarzar kaya may nag-apply ulit.."

"Magaling naman?"

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Mas magaling kay Alarzar kahit may saltik."

"Lapitin ka talaga ng may saltik, Stacia."

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon