Kabanata 13

2.9K 122 8
                                    

Kabanata 13

Drown

Old habits die hard.

Iyan ang sabi nila, that is why finding new reason to have fun is like finding the right person for you. Mahirap.

Pero ngayon, parang nag-iba ang ihip ng hangin sa akin. It's been two weeks since my last fresh wound. Hindi na ulit nadaplisan kahit kapiranggot ng blade ang balat ko.

And I think I know the reason why.

Spade wouldn't let me to be alone, he keeps on calling me at night. Kahit wala siyang pasok sa school ay damang dama ko ang presensiya niya dahil nakakapag-usap kami tuwing gabi.

Ang dami naming topic sa isa't-isa. Hindi nawawalan. Kwinento ko sa kanya madalas si Ysadelle at damang-dama ko ang pagka interesado niya rito. Pati na rin si Aira sinama ko sa kwento. Nakakamiss na nga yun, e. Malamang busy nanaman sa trabaho.

Everyday went well with me. There are no more nightmares for fourteen days! Biggest achievement iyon sa akin at tuwing matutulog ako ay lagi akong masaya.

Sana hindi magbago.

I already told Spade that we're going to have a retreat at Deon'dre. Nagulat siya ron. Akala raw niya kasi sa Tagaytay. Ewan ko ba kasi kay Laurence.

Pero may kakaiba kay Spade. He was very quiet and not himself when I mentioned Deon'dre.

"Bakit? Alam mo yung lugar na yun?" Tanong ko.

"No." Aniya, o hindi naman pala, e. "But they said that's the most dangerous place in Vista Verde.." He sighed.

Talaga? Bakit hindi ko alam?

"Saan mo nalaman yan?"

"M-My friend lives there.." He looked away.

Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ni Spade nung araw na 'yon. I think he's hiding something.

At dahil nasa dugo ko na ang pagiging chismosa, mabilis kong tinignan ang lugar na Deon'dre. It says nothing here but good beaches and view. Nadismaya ako sa nakita.

Mukhang wala namang espesyal sa lugar na ito, e.

"Tshirts at isang pajama na lang dadalhin ko." Sabi ko sa sarili dahil ngayon na ang alis namin. Sasama si Spade dahil isa siya sa mga bagong employee sa FU.

White cardigan naman ang isinuot ko ngayon. Para sakin kasi malinis ang puti. White would wipe away negative thoughts on my mind. Kaya gusto ko ng puti.

There are two busses that will serve as our retreat guide. Nasa first bus ang mga staffs, batch one na mga estudyante at tour guide.

Unfortunately, nasa bus 2 si Spade kasama si sir F at si Laurence. Sinabi niya yun sa akin kanina dahil tumawag nanaman siya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

I felt annoyed that time. Bakit kasi parang kumukulo ang tiyan ko kapag naririnig ko ang pangalan ni Laurence?

Dala ang isang backpack ay nilock ko nang mabuti ang pintuan ng bahay. Walking distance lang 'to kaya okay lang kung bagalan ko.

"Ikaw talaga! Andiyan na lang bahay mo!" Turo sa akin ni Yohan na parang anumang oras ay malapit na niyang ilipat yung bahay ko sa mismong tabi ng eskwelahan.

"Kasalanan ko bang maaga ka lagi, ha?" Ganti ko, nakangisi.

Pinalapit ako ni Yohan sa kanya at siya ang nagdala ng backpack ko.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon